Connected with the Rain

20 5 0
                                        

Kahit lumipas na ang arawna iyon ay sariwang sariwa pa rin sa Aking ala ala, hindi Ko alam na Ako ang pagmumulan nang alitan ng iba at nang mga magkakapatid pang mga maharlika.

Hindi Ko maintindihan kung bakit pa iyon naganap kung kailan na Ako ay naroroon at nasaksihan pa ang lahat. Pakiramdam Ko'y hindi talaga Ako nararapat na naririto dahil isa lamang Akong hamak na hampas lupa at nababagay sa hamak na lugar lamang rin.

Hanggang kailan pa kaya Ako magtatagal rito, sabik na sabik na Akong makita ang Aking Ina, ang mahagkan at makausap Siya nang harapan at malapitan, kaya Aking idinadadalangin na tumigil na sa pagbuhos ang Asul na Ulan upang maibsan na rin ang Aking pananabik na nadarama.

Hindi Ko rin malaman kung anong maaari Kong gawin sa bawat araw na dumarating dahil ang tangi Ko lang alam na gawin ay ang mamitas at magtanim nang mga halaman na tulad nang prutas at gulay na hindi Ko rin naman magagawa dahil nga sa Asul na Ulan.

Kaya tanging paghiga na lamang o hindi kaya ay pagtanaw sa labas ang Aking ginagawa at naghihintay na lamang nang taong mag aanyaya sa Akin na Siyang maaari Kong samahan upang mayroon Akong ibang magawa.

Kaya sa ngayon ay nakahiga lamang Ako at hihintayin na lamang na may dumating na tao at Ako ay anyayahan at may kumatok nga sa Aking pintuan.

" Binibining Sulca? gising na po ba Kayo?! "

Ito pala'y isa sa mga utusan sa Palasyo, ano naman kaya ang pakay Niya sa Akin at Siya ay naririto?.

" Oo gising na Ako! ano ba ang Iyong kailangan, sabihin Mo?! "

" Naparito po Ako dahil sa inutusan po Ako nang Ginoong Alharo, dahil nais Ka po Niyang makausap, kung maaari raw po ay sumama Kayo sa Akin sa silid aklatan sapagka't Siya po ay naroon ngayon at hinihintay po Kayo! "

Ginoong Alharo? hindi ba't Siya ang magaling na manghuhula at ang kanang kamay nang Mahal na Haring Rakkus, ano't nais Niya Akong makausap hindi kaya't alam Niya na nagsisinungaling lamang Ako?!.

" Sige sasama Ako sa Iyo upang makausap Si Ginoong Alharo!, sandali lamang at Ako'y magbibihis, pagkatapos ay lalabas na rin riyan! "

" Sige po at hihintayin Ko na lamang po Kayo rito sa labas! "

" Maraming Salamat "

Dali dali Akong bumangon at inayos ang Aking higaan at pagkatapos ay nagbihis at lumabas na nang Aking silid. Paglabas Ko ay naroon nga ang utusan at hinihintay Ako, nang makita Niya Ako ay nag umpisa na Siyang maglakad, bumaba Kami sa ibabang Palasyo dahil naroon sa ibabang bahagi nang Palasyo ang Aklatan.

Ilang sandali lamang nang Aming paglalakad ay naroon na Kami sa harap nang pintuan nang silid aklatan. Kumatok muna ang kawal bago binuksan ang pintuan at Ako ay pinatuloy, pumasok naman agad Ako at pagkatapos ay isinara na muli nang utusan ang pintuan.

Inilibot Ko ang Aking mata sa loob nang silid at labis Akong namamangha, ngayon lamang kase Ako nakakita nang ganito karaming mga aklat dahil kahit ni isa man nito ay wala Ako, nag umpisa Akong maglibot libot rito sa loob at pagmasdan ang mga aklat at nakamamangha ring tunay ang paraan nang pagsulat nang mga aklat rito.

At kung maaari ay babasahin Ko ang lahat nang mga ito, lalo na ang kasaysayan nang lupain Namin, ngunit hindi ito maaari sa ngayon dahil iba ang Aking ipinunta rito. At nasaan naman kaya Si Ginoong Alharo akala Ko ba'y naririto Siya?!.

" Mukha yatang naaaliw Ka sa mga aklat na naririto at pinagmamasdan Mo ang mga iyan?! tila yata'y mahilig Ka sa mga  aklat?! "

Nabigla Ako sa biglaang pagsasalita at pagsulpot Ni Ginoong Alharo sa Aking likuran at nabitawan Ko ang kasalukuyang hawak Kong aklat, pinulot naman ito Ni Ginoong Alharo at ibinalik sa kinalalagyan nito at pagkatapos ay nag umpisang maglakad.

" Hindi Mo dapat inihuhulog ang mga aklat, sapagkat maaari itong madumihan o hindi kaya'y masira, marahil hindi Ka nga siguro mahilig sa mga ito dahil hindi Mo alam itong pahalagahan marahil ay kilala Mo na Ako at hindi Ko na kailangan pang magpakilala pa sa Iyo, kaya kung ayos lamang sa Iyo ay maaari Ko ba bang malaman ang Iyong ngalan?! alam Ko na ito ngunit nais Kong makasigurado kung ito nga ba ang Iyong totoong ngalan? "

Nakaramdam Ako bigla nang takot, sapagakat wari Ko'y alam Niyang may itinatago Ako at nais Niya itong malaman. At isa pa'y Siya ang pinakamagaling na manghuhula rito sa Aming Lupain at hindi Mo siya basta basta malilinlang, ngunit hindi Ko naman maaaring sabihin ang katotohanan sa Kaniya, dahil maaaring hindi rin Niya Ako paniwalaan kahit pa Siya'y manghuhula at maaari rin Niyang palabasin na Ako'y may sira sa pag iisip at ipatapon sa labas nang Palasyo.

" Kilala Ko na nga po Kayo!, Kayo po ang Kanang Kamay nang Mahal na Haring Rakkus at pinakamagaling na manghuhula rito sa Lupain nang Liwanag at halos lahat ay kilala Kayo. Ako nga po pala Si Sulca! ang babaeng tinulungan at dinala nang mga Mahal na Prinsepe Mondin at Donghan rito sa Palasyo! at labis Ko pong ikinagagalak ang Ikaw ay makita at makilala Ginoong Alharo! "

Ang Ginoong Alharo ay masasabi Kong may kakisigan rin at katangkaran, Siya ay halos kasintanda nang Binibining Onie, ngunit tiyak na maaakit pa rin ang mga kababaihan sa Kaniya dahil sa maamo ang Kaniyang mukha at dahil sa isa rin Siyang magaling na manghuhula.

" Tama nga ang Aking palagay! maganda nga ang Iyong ngalan ngunit hindi ba't mas maganda ang ngalang Caisah?! ano sa Iyong palagay?! "

Napahinto Ako sa paglalakad dahil sa Aking narinig, sinambit Niya ang Aking tunay na ngalan! kaya sa tingin Ko'y may iba pa Siyang nalalaman patungkol sa Akin, huminto rin sa paglalakad ang Ginoong Alharo at humarap sa Akin nang may seryosong mukha.

" Sa palagay Ko'y hindi Ka na dapat pang maglihim sa Akin, dahil alam Mo naman na hindi Mo Ako basta basta malilinlang at isa pa'y alam Mo naman na Ako ang pinakamagaling na manghuhula rito sa Lupain nang Liwanag. At nakita Ko na sa Aking pangitain ang tungkol sa Iyo at ang pagdating Mo rito sa Palasyo, kaya naman ipinatawag Kita at pinapunta rito! "

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon