Chensa's POV
" Kamusta Ka naman Binibini?! alam Mo ba na napakaganda Mong mahimbing, kaya lamang ay napakatagal Mo nang natutulog riyan, maaari bang gumising Kana at nang Ikaw ay makakain na!, tiyak Ko na labis Kanang nagugutom, kaya naman gumising Kana riyan! "
Nalulungkot Ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin Siya nagigising halos isang linggo na rin ang lumipas simula ng Siya ay dalhin ng Prinsepe Mondin at Prinsepe Donghan rito sa palasyo at labis Akong nababahala para sa Kaniya.
" Ina! patawarin Ninyo po Ako kung sinuway Ko ang sinabi Niyo sa Akin hindi Ko man lamang po inisip na inaalala Niyo lamang po ang Aking kapakanan! patawarin Niyo po Ako "
Sandali lamang nagising na yata Siya!, mabuti pa't ipaalam Ko ito agad Kay Binibining Onie at Prinsepe Mondin. Mabuti pa't maiwan na muna Kita rito at sasabihan Ko muna Sila, huwag Kang mag-alala at babalik Akong agad. Binilisan Ko ang pag-alis at nagmadaling hanapin si Binibining Onie at napansin Ko Siya na naglalakad kasama ang ilang Prinsepe, nagtungo agad Ako sa Kanila at nagwika.
" O Ikaw pala Chensa! ano't nagmama--- "
" Binibining Onie at Prinsepe Mondin! mukhang nagigising na po ang Binibini! kaya't agad Ko po Kayong hinanap at sinabihan kaya po iniwan Ko Siyang saglit! "
Nang marinig ito ng Prinsipe Mondin at Prinsipe Donghan ay dali dali silang tumakbo patungo sa binibini sumunod din naman agad Kami.
" Kung ganoon magigising na pala Siya?! ang tagal Niya ring nahimbing! "
" Sa tingin Ko'y sapat na ang Kaniyang lakas at hindi na nais pang mahimbing ng matagal! "
Pagdating Namin sa silid kung nasaan ang Binibini ay gising na nga ito ngunit mukhang nagugulumihanan Siya sa nangyayari at patingin tingin sa paligid at maging sa Amin, habang nakaupo na.
" Gising Ka na pala Binibini?! kamusta na ba ang Iyong pakiramdam?! hindi na ba masama at Iyo bang nais na kumain at Ika'y ipaghahanda Namin, sabihin Mo lang "
Napansin Ko na tumingin Siya sa may direksiyon Namin Nina Binibining Onie, Prinsepe Molaro at Prinsepe Delmir.
" Ano po ang ginagawa Ko rito sa palasyo Binibining Onie?! ang akala Ko'y nasa Aming tahanan Ako at nagpapahinga ngunit hindi!, at Ako'y naririto, sa Aking pagkakatanda ay natumba Ako sa daan dahil sa Aking panghihina kasabay narin ng pagkapagod Ko at nakaramdam rin Ako ng pagkaantok kaya ipinikit Ko na lamang ang Aking mata at pagkatapos noo'y hindi Ko alam ang nangyari "
Nagtaka naman si Binibining Onie at maging Kami dahil sa winika ng Binibini dahil kilala Niya si Binibining Onie samantalang ngayon Niya lamang Kami nakilala at ganoon rin Kami sa Kaniya
" Kilala mo pala si Binibining Onie?! sa papaanong paraan Mo Siya nakilala?! at maaari ba Naming malaman ang Iyong ngalan at kung saan Ka nagmula?! "
Nang Siya'y muling tinanong ni Prinsepe Mondin ay bigla Niyang tinakpan ang Kaniyang sarili gamit ang kumot na ipinagtaka naman Naming lahat.
" Binibini ano ba ang Iyong ginagawa?! bakit nagtatago Ka, natatakot Ka ba sa Amin?! wala naman Kaming masamang gagawin sa Iyo! hindi ba't tinulungan Ka pa nga Namin! "
Pagkatapos na magsalita ni Prinsepe Molaro ay lumapit Siyang bigla sa kinaroroonan ng Binibini at tinanggal ng pilit ang kumot na ginagamit ng Binibini sa pagtatago, nagulat naman ang Binibini at nakatingin lamang Kay Prinsepe Molaro.
" Ano Ka ba naman Prinsepe Molaro! huwag Mo naman Siyang takutin, baka mas lalo lamang Siyang matakot sa Atin at hindi na magsalita pang muli. Binibini! huwag Kang matakot sa Amin, nais Ka lamang Naming tulungan, hindi Ka Namin balak na saktan! "
Pagkatapos ay nilapitan at hinila ng Prinsepe Delmir ang Prinsepe Molaro, umayos naman ang Binibini, ngunit tinakpan Niya parin ang Kaniyang mukha gamit na lamang ang Kanyang kamay habang nakasilip sa butas nito.
" Alam Ko naman po ito! ngunit hindi po Kayo natatakot sa Aking wangis?! hindi po ba't kahindik hindik itong pagmasdan at hindi Ninyo po nais makita ang tulad Kong salmaw! "
Naguluhan naman Kami ngunit iba ang naging reaksiyon ng Prinsepe Molaro, tumawa kase ito at tinignan ng mabuti ang Binibini.
" Hindi Ko alam na nakakaaliw Ka rin pala Binibini!? ano ba ang Iyong mga sinasabi?! kung bakit hindi Kami natatakot sa Iyong wangis kahit na ito ay kahindik hindik pagmasdan at hindi Ka Namin nais dahil sa isa Kang salmaw?! sabihin Mo nga sa Amin yan ba ang ibig Mong sabihin na, nakakatakot, kahindik-hindik at isang salmaw!tingnan Mong mabuti ang Iyong sarili "
Dahan-Dahan namang tinignan ng Binibini ang Kaniyang sarili at tila nagulat Siya na naguguluhan rin habang tumingin sa Amin na para bang nagtatanong kung ano ba ang nangyari sa Kaniya. Naguguluhan rin naman Kami sa ikinikilos Niya marahil masyado Siyang matagal na nahimbing kaya nalilito pa Siya at maaaring kailangan Niya pang magpahinga.
" Ano ba itong nangyari?! Ako ba'y nananaginip!? ano ba ang nangyari sa Akin at nagbago ang kulay ng Aking balat?!
hindi na kasing itim ng uling! ibigsabihin ba nito pati na rin ang Aking mukha ay malinis na't wala na ang mga guhit na parang iginuhit sa Aking mukha?! maaari ba Akong makahiram ng salamin upang makita Ko ang Aking wangis?! "
Walang umimik kahit na isa man lamang sa Amin dahil naguguluhan Kami sa nangyayari at ikinikilos ng Binibini, dahil sa Ako lamang ang utusan roon Ako nalamang ang kumuha ng salamin at iniabot sa Kaniya.
" Salamat Chensa! "
Bumalik Ako sa kinaroroonan ng mga Prinsepe at Binibining Onie na labis na nagulat dahil sa pati, Ako'y kilala rin Niya, pati Sila'y nagulat rin at hanggang sa ngayon ay naguguluhan parin. Tiningnan naman agad ng Binibini ang Kaniyang mukha habang hinihimas ito at biglang may pumatak na luha sa Kaniyang mata habang hindi makapaniwala sa Kaniyang nakikita, pinagmamasdan lamang Namin Siya dahil hindi Namin alam ang dapat Naming sabihin sa Kaniya dahil hindi rin talaga Namin Siya maunawaan
" Paumanhin kung bigla na lamang Akong umiyak!... Hindi lamang talaga Ako makapaniwala, na nasisilayan Ko na ngayon ang isang napakagandang mukha!, na hindi na kinakatakutan ng tulad Ninyo! sobrang saya Ko lamang dahil ngayon Ko lang lubos na naramdaman ang pag-aalala sa Akin ng iba, ang paghanga sa Aking mukha at ang masilayan ng maigi at makausap ang mga tao sa Aking paligid!!! "
Hindi Ko maintindihan kung bakit biglang bumigat ang Aking pakiramdam habang nakikita Ko Siyang umiiyak at sa hindi Ko rin maintindihan ay bigla ring may pumatak na mga luha sa Aking mata at kakatuwa'y tuloy tuloy lamang ito sa pagpatak, sinusubukan Kong punasan ito, upang hindi Nila Ako mahalata ngunit tila hindi mapigilan ng Aking kamay, kaya't napansin rin Nila Ako.
" Chensa?! bakit Ka umiiyak, mayroon Ka bang masamang nararamdaman? ano't sabihin Mo upang matulungan Ka Namin! "
Lahat Sila'y sa Akin nakatuon ng pansin kahit na ang binibini.
" Ayus lamang po Ako Prinsepe Donghan! marahil ay napaluha lamang Ako dahil sa nadarama Ko rin ang nadarama ng Binibini, sa tingin Ko po'y mas mainam na hayaan na muna Natin ang Binibini na mag-isa rito sa Kaniyang silid upang makapagpahinga pa po Siya at gumaan rin po ang pakiramdam at tsaka nalang po Ninyo Siya kausapin, iyon ba ang Iyong nais sa ngayon Binibini?! "
Nakatingin ang Binibini sa Akin habang pinupunasan ang Kaniyang mukha ng dahan dahan.
" Yun nga ang nais Ko, ngunit maaari bang samahan Ninyo Akong dalawa ni Binibining Onie upang hindi Ako mag-isa?! "
Tumingin naman Ako Kay Binibining Onie at ganoon rin Siya sa Akin. Pagkatapos ay tumingin rin Kami sa mga Prinsepe, na sabay sabay ring nagtinginan sa isa't isa at isa isa ring tumango at nagpaalam sa Binibini.
Inihatid naman Namin Sila Ni Binibining Onie hanggang sa may pintuan ng silid. Sinabihan naman Kami Ni Prinsepe Mondin na Kami na lamang raw ang bahala sa Binibini at huwag Naming kalimutan na pakainin ito bago Siya muling mag pahinga at pagkatapos ay tuluyan na Silang umalis.
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasyBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍
