" Panibagong buwan na naman! ano naman kaya ang Aking magiging kapalaran sa buwan na ito sana nama'y maganda ito at hindi masama! ano kaya ang pagkaing inihain ni Ina para sa Aming pananghalian? siguradong masarap na naman ito! siguro'y magpapahinga na muna Ako! "
Dalawang linggo narin pala ang lumipas mula ng mangyari sa Akin ang hindi Ko malilimutang pangyayaring iyon at ang pagkikita at pakakakilala Namin ni Elvis, hindi Ako makapaniwalang magkakaroon Ako ng tunay na kaibigan bagamat Ako'y may ganitong itsura.
Magtutungo kaya ngayon rito si Elvis?! marahil ay nasanay na Ako na naririto Siya sa aming bukirin at tinutulungan Ako.
Natutuwa rin Ako dahil isa na Siya ngayon sa nagpapangiti sa Akin bukod kay Ina, hindi Ko nga alam kung natutuwa rin ba Siya o hindi sa Akin.
" Hay naku!... bakit Ko pa na iisip ang mga ganoong bagay?! teka nga? bakit parang nagtago bigla ang araw?! at mukhang iiyak pa ang mga ulap?!...mukhang nagbabadiya ang pagbuhos ng ulan! ano kaya't subukan Kong maligo sa ulan?! tutal hindi Ko pa naman ito nasusubukan! "
Simula pa sa Aking kabataan ay hindi Ko naranasang kahit mabasa lamang ng ulan ang Aking kamay mahigpit kase Akong pinagbabawalan at binabantayan ni Ina at sinasabihang magkakasakit lamang raw Ako kapag sinubukan Kong maligo sa ulan kaya hanggang tanaw na lamang Ako sa bintana Namin sa tuwingbumubuhos ang ulan.
Kaya sa tingin Ko ay maganda itong pagkakataon sapagkat maaari Akong makaligo, sapagakat siguradong hindi agad makararating si Ina rito kapag bumuhos ang ulan.
Nawa'y umulan nga! upang maranasan Ko lamang ito kahit sa isang pagkakataon lamang.
Nakatingala Ako sa langit at Aking hinihintay ang pagbuhos ng ulan, ng dumampi sa Aking mukha ang patak ng ulan na labis Ko namang ikinagalak ngunit napaisip naman Ako pagkat mayroong kulay ang patak ng ulan kulay asul ito, ngayon ko lamang ito nasilayan sa buong buhay Ko, pagkatapos noo'y bumuhos na, kasunod ang malakas na asul na ulan. Napatalon Ako dahil sa saya na Aking nadarama tunay palang napakasarap maligo sa ulan, pakiramdam Ko'y napakagaang ng Aking pakiramdam at nakamamanghang pagmasdan ang mga ito na dumampi sa Aking balat ganoon din sa mga halaman.
Masasabi Kong isa na siguro ito sa pinakamasayang nangyari sa buong buhay Ko, sana nga ay kasama Ko ngayon ang Aking Ina at masaya Kaming parehas na naliligo sa ulan na ito.
Siguro'y nag-aalala na si Ina sa Akin lalo na't umuulan ngayon at wala Akong masisilungan sa mga oras na ito, ngunit paano kung puntahan Niya Ako rito kahit na pa umuulan upang sunduin? tiyak na mababasa Siya at maaari pangmagkasakit.
" Hindi iyon maaari! mabuti pa't Ako'y umuwi na upang hindi na Siya mag-alala pa sa Akin, siguro'y makakasalubong Ko naman Siya kung Siya ay patungo rito! "
Nagmadali Ako sa Aking pag-alis, iniayos Ko ang Aming mga gamit sa bukirin at inumpisahan ang pagtakbo ng mabilis ngunit dahil sa napakalakas na buhos ng ulan ay hindi Ko maiwasang makaramdam ng hirap sa pagtakbo dahil sa maputik na rin ang Aking dinaraanan.
Ilang beses narin Akong nadapa at nagasgasan, pero pilit parin Akong bumabangon at tumatakbo, hindi Ko na lamang iniinda ang mga ito dahil hindi ko naman ito ikamamatay ang mahalaga sa Akin sa ngayon ay makauwi na agad sa Aming tahanan.
Ngunit sa kalagitnaan ng Aking pagtakbo ay nakaramdam Ako ng pagod kaya't nagpahinga Ako saglit, nang makapagpahinga na Ako ay muli na naman Akong tumakbo.
Ngunit biglang umihip ang malakas na hangin kasabay nito ang pagkaginaw Ko, pagkatapos ay naramdaman Kong nilalamig na Ako at bumibigat ang Aking pakiramdam, nagsisimula na rin ang pag-init ng Aking pakiramdam at Ako rin ay nakararamdam ng panghihina, dahil dito'y naisipan Ko na munang maglakad sa halip na tumakbo upang hindi na masyado pang maaksaya ang Aking lakas.
Habang Ako'y tumatagal sa ulan, pakiramdam Ko'y lalong lumalala rin ang masama Kong pakiramdam.
Naisip Ko tuloy ang sinabi ng Aking Ina sa Akin noon na magkakasakit lamang Ako kapag ako'y naligo sa ulan marahil totoo ito dahil sa nangyayari at nararamdaman Ko sa ngayon, at pakiramdam Ko'y nakagawa Ako ng isang mabigat na kasalanan sa Aking Ina at ito ay ang pagsuway Ko sa Kaniya na alam Kong labis Niyang ikagagalit kapag ito'y Kaniyang nalaman.
Ngunit handa Ko namang harapin ang kaparusahan na igagawad ni Ina sa Akin dahil Ako naman ang may mali at ginusto Ko kung ano man ang ginawa Ko, kaya mabuti pa't Ako'y tatakbo na lamang muli upang mas mapadali na ang Aking pag uwi.
Tumakbo Akong muli kahit na labis na Akong nahihirapan, ngunit sadyang humina na ang Aking katawan at bigla na lamang Akong natumba sa daanan at nakaramdam ako ng pagkapagod at antok ipinikit Ko na lamang ang Aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasyBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍