People's Want

18 4 0
                                    

KING RAKKUS's POV

Ang pag aasawang muli? hindi Ko alam kung mainam ba ito! masaya na rin naman Ako sa Aking pamilya at hindi Ko na nais pang ito'y madagdagan pagkat nakatitiyak Akong sasama lamang ang loob nang Aking mga Anak.

" Wala naman pong masama kung mag aasawa Kayong muli Mahal na Hari! pagkat nakatitiyak naman po Kayo na mapagkakatiwalaan at maaasahan Niyo po ang mga mamamayan nang Ating lupain. Ang tanging nais lamang po Nila ay magkaroon Kayo nang bagong asawa na mas bata at mas kaakit akit ang wangis upang Kayo rin po ay muling magkaroon nang ibayong saya, hindi Niyo po ba nais ang ganoong bagay? at hindi Niyo rin po ba nais na pagbigyan ang kahilingan nang mga mamamayan na Iyong nasasakupan?! "

" Hindi naman, sa hindi Ko nais na pagbigayn ang Kanilang kahilingan, ngunit kung Ako'y mag aasawang muli sino naman at saan Ko naman Siya mahahanap!? at isa pa'y iniisip Ko rin ang Aking mga Anak at ang maaari Nilang isipin at maging reaksiyon, tiyak na ikabibigla Nila at siguradong maging ang Aking mga asawang Reyna! "

Kung ito'y hindi Ko gagawan nang paraan siguradong magkakagulo ang buong Lupain nang Liwanag at hindi ito maaaring mangyari sapagkat maaari itong maging kapintasan sa Akin at sa Aking buong nasasakupan, at hindi Ko ito mapapayagang maging hudyat para siraan Ako nang mga taong naghahangad nang Aking Trono.

" Kung ipaliliwanag at ipaiintindi naman po Niyo sa Kanila nang mainam, tiyak na wala naman po Kayong magiging problema at maaaring sang ayunan rin po Nila Kayo, ang dapat pong isipin Niyo ay ang mga mamamayan nang Lupaing Liwanag na Siyang labis na umaasa sa Inyo at sa Inyong pamamahala "

" Kung ganoon ay pumapayag na Ako sa ninanais nang mga mamamayan nang Liwanag! kaya naman inaatasan Ko Kayong naririto na Siyang maghanap sa Aking bagong mapapangasawa, hindi mahalaga kung ano man ang estado nang pamumuhay Niya ang importante ay walang kapintasan ang Kaniyang panlabas at panloob na katauhan upang walang masabi ang mga mamamayan at maging ang Aking mga Anak at asawang Reyna! "

" Kung ganoon! Mahal na Hari, hindi po Namin sasayangin ang pagkakataon at oras upang hanapan Kayo nang bagong mapapangasawa at sisiguraduhin po Naming ito ay walang kapintasan at may kaakit akit at mas batang wangis na siguradong ikatutuwa rin nang mga mamamayan kapag ito ay ipinakilala at ipinakita Niyo sa Kanila! "

Sana nga'y makahanap Sila nang ganoong klase nang babae upang mabigyan Ko nang lubos na kakuntentuhan ang mga mamamayan at hindi na Sila muling dumaing sa Akin at maghangad nang kung ano ano pa, na kahit makakaya Ko namang gawin, ay tunay na hindi Ko naman talaga ninanais na ito ay gawin o tuparin man sapagkat labag ito sa Aking kalooban.

" Aasahan Ko ang mga iyan, kaya nama'y binabasabasan Ko Kayo sa ngalan nang Mahabaging Maykapal at sa Aking Amang Haring yumao! nawa'y tunay na magtagumpay Kayo sa paghahanap sa babaeng karapat dapat upang mapangasawa at upang mabigyan Ko na rin nang kasiyahan at katuparan ang ninanais nang mga mamamayan nang Liwanag! kaya nama'y pinahihintulutan Ko na Kayong umalis at mag umpisa na sa Inyong nararapat na gawin at magbalik na lamang rito sa oras at panahon na Inyo nang nahanap ito! nakatitiyak rin Kayong nakaagapay lamang Ako sa Inyo at sa Inyong ginagawa kaya naman humayo na Kayo! "

" Maraming salamat po sa Iyong pagbibigay basbas sa Amin Mahal na Hari, kaya naman tunay na hindi Namin Kayo bibiguin at paaasahin! kaya naman Kami po ay aalis na at mag sisimula na rin po sa Aminng misyon! muli maraming salamat po Mahal na Hari at nakatitiyak rin po Kayong makakarating ang magandang balitang ito sa mga mamamayan! "

" Nawa'y tunay nga na gabayan Kayo nang Mahabaging Maykapal at nang Aking yumaong Amang Hari! "

Kayo na nga po Mahal na Mahabaging Maykapal at Ama ang bahala sa Kanila!.

Cursing Face (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon