First Plan Failure

23 5 0
                                        

PRINCESS DELLAR's POV

Ano bang nangyayari sa Amang Hari? at mukhang nawala Siya sa katinuan nang makita ang Sulca na iyon! bakit napakalakas talaga nang gayuma nang wangis nang babaeng iyon at nagagawa nitong manipulahin ang kahit Sino mang makapansin o makakita sa Kaniyang wangis?! hindi ito maaari!!!.

" Amang Hari sa wakas at Ikaw ay narito na! Kaming lahat ay nasasabik na Ikaw ay muling makita at makasama at labis Kong ipinagpapasalamat ang salo salong ito, sapagkat Ikaw ay makakusap at makakasalo Namin ngayong gabi isa po itong karangalan Amang Hari! "

Tumingin naman agad sa Akin ang Amang Hari, nginitian Niya Ako at tinanguan.

" Maraming salamat sa Inyong lahat! at isa rin itong karangalan para sa Akin sapagkat kasama Ko ngayon sa hapagkainan ang Aking buong pamilya at ang Aking mga tapat na mga lingkod ganoon rin ang Prinsepe nang Lakas at ang magandang Binibining panauhin, na tinulungan nang Prinsepe Mondin at Prinsepe Donghan! Ako'y labis na nagagalak rin sapagakat Aking napagtagumpayan ang mapanirang karamdaman na iyon at ang pagtila at pagtatapos nang mapaminsalang Asul na Ulan na iyon na bagaman nag iwan nang hindi magandang alaala sa Atin nakatitiyak Akong may pag asang na iwan pa rin ito, kaya naman Tayo ay magsimula nang kumain sapagkat naktitiyak Ako na nasasabik na Kayong lahat sa mga pagkaing inihanda nang Binibining Onie, kaya't Tayo ay kumain na! "

" Maraming salamat po Mahal na Haring Rakkus! inihanda Ko po talaga ang mga pagkaing iyan para po sa Iyo, kaya naman nawa ay Iyo po itong maibigan ganoon rin po Kayong lahat mga Kamahalan, at kung maaari hayaan Niyo po Ako at ang Aking mga kasama na ipaghain ang bawat isa sa Inyo bago Tayo tuluyang magsimulang kumain "

Mabuti naman at naisipan Niya ito, akala Ko'y hahayaan na lamang Niya Kaming maghain nang Aming sariling pagkain at aasta Siyanv katulad Namin. Masasabi Kong masarap talaga Siyang magluto at magaling rin sa larangan nang medisina ngunit yoon lamang iyon at wala nang iba pa!.

" Napakasarap talaga nitong niluto Mo Binibining Onie wala talagang kupas ang Iyong kamay at panlasa, alam na alam Mo talaga ang panlasang nais Namin "

Bakit ba kailangan Niya pang sabihin ang mga salitang iyon?! napakapakialamera naman Niya, dapat Si Ina ang magsasabi niyon ngunit inagaw Niya.

" Siya ngang tunay Binibining Onie! ngunit gusto Kong malaman kung anong masasabi nang Binibining Sulca sa Iyong inihanda ngayon, sapagkat halos lahat Kami'y alam Mo na ang panlasa maliban lamang sa Kaniya sapagkat Siy ay bago pa lamang rito at hindi naman talaga Siya taga rito "

Alam Ko naman talaga ang tiyak na sasabihin Niya ngunit gusto Ko lamang marinig ang mga iyon sa Kaniya.

" Ang masasabi Ko po Mahal na Prinsesa Dellar ay tunay po talagang napakasarap nang inihanda nang Binibining Onie at tunay na napakagaling rin po talaga Niya sa larangan nang pagluluto, sapagkat masasabi Kong labis na naibigan ito nang Aking panlasa at hinahanap hanap po ito nang Aking bibig at nang Aking munting dila "

Sabi Ko na nga ba't iyon ang sasabihin Niya, ngunit pinuri rin Niya ulit Si Binibining Onie! hindi ba Nila alam na baka unti unti nang lumalaki ang Kaniyang ulo at isiping halos lahat Kami'y nais ang Kaniyang mga inihahanda na hindi naman talaga tunay.

" Mukhang pati ang Binibining Sulca ay napahanga Mo ring labis Binibining Onie, patunay lamang na Ikaw ang Punong tagapagluto at tagapaghanda nang pagkain rito sa palasyo, ngunit Binibining Sulca maaari Ko bang malaman kung taga saan Ka at kung Sino ang Iyong mga magulang?! "

Aba't napabilib naman Ako nang Mahal na Hari, naisipan Niya ang katanungan na iyon, talaga nga namang umaayon sa Akin ang kapalaran, sa plano Kong ito ay tiyak na mawawala na nang tuluyan ang babaeng iyan!.

" Taga rito rin po Kami sa Lupaing Liwanag at Kami po ay nakatira sa may bandang kagubatan at tanging ang Aking Ina na lamang po ang Aking kasa kasama ngunit sa kasa--- "

" Maang palad ay... nang balikan Niya ito ay wala na sa Kanilang tahanan at sa Kaniyang pagkakaalam ay umalis na roon ang Kaniyang Ina dahil sa ang akala Nito'y hindi na magbabalik ang Kaniyang Anak, kaya naman wala nang pamilyang makakasama ang Binibining Sulca, kaya naman Amang Hari! pahintulutan Mong rito na lamang sa Palasyo manirahan ang Bini--- "

" Ngunit hindi iyon maaari! hindi ba't sobra sobra na ang nagawa nang Ating Palasyo para sa Kaniya! hindi naman yata tamaang rito na lamng Siya manirahan dahil lamang wala na Siyang pamilya o matutuluyan hindi naman Isang ampunan ang lugar na ito! "

Mukhang naapektuhan na Niya ang isipan nang Aking kapatid na Delvis at ipinagtatanggol at tinutulungan Siya nito! nakakainis talaga!.

Alam Kong halos lahat Sila'y naiinis sa Aking inaasta ngunit wala Akong pake sa Kanila! ang importante lamang sa ngayon ang mapaalis Ko ang babaeng iyan rito sa Palasyo.

" Ano ba ang Iyong sinasabi Prinsesa Dellar!? hindi Mo dapat iyon sinasabi sapagkat ipinamumukha Mong hindi maaaring mamalagi rito sa Palasyo ang Binibining Sulca, sapagkat ang Ating Palasyo ay palaging handang tumulong sa lahat, mukha yatang nalimutan Mo ito Prinsesa Dellar?! "

Masyado na talagang pinapaburan ang babaeng ito at Ako pa ang nagiging mali ngayon!.

" Hindi Ko po ito nalilimutan Amang Hari! ngunit hindi po ba't inaabuso na Niya ang pagtulong Natin at nang Palasyo sa Kaniya! lahat Tayo rito sa Palasyo ay kumikilos at nag iisip kung papaano mas mapapaganda at mas maisasaayos ang Palasyo, sa tingin Niyo po ba'y may maitutulong Siya sa Atin at sa Palasyo?! "

Sige! pag isipan Mo ito nang mabuti Mahal na Hari!.

" Naiintindihan Ko po ang mga sinabi nang Mahal na Prinsesa Dellar at han--- "

" Kung ganoon ay bibigyan Ko Siya nang tungkulin rito sa Palasyo upang sa ganoon ay makabawi at makatulong na rin sa Palasyo! Binibining Sulca! Ikaw ay Aking itinatalaga bilang ikalawang kanang kamay nang Binibining Onie sapagkat Si Chensa ang una! ano sa Iyo--- "

" Hindi Ko na talaga maunawaan ang itinatakbo nang Iyong isipan Ama!!! "

Mabuti pa't makaalis na nga rito, sapagkat tapos na rin naman ang walang kwentang salo salong ito!!!.

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon