The Land of Lights

63 7 0
                                        

CAISAH's POV

"Araw paba'y sisikat kung ang lantang bulaklak ay di na ngumiti?"

Tulang aking palaging sinasambit sa tuwing Ako'y nalulumbay, kapag kase ito'y Aking nasasambit parang tila gumagaan ang Aking pakiramdam Sino ba naman kase ang magnanais na Ako'y pasayahin maliban sa Aking maganda at butihing Ina.

" Caisah Aking anak ano na naman ang Iyong ginagawa riyan sa labas? bakit hindi Ka pa pumasok rito sa loob at malamig riyan sa labas, baka Ika'y magkasakit pa Niyan "

Wala na Akong mahihiling pa sa Aking Ina lahat na yata nang bagay na nais Ko ay nasa Kaniya.

Dito kase sa Aming Lupain ang mga tao ay masasabi Kong sobrang pinagpala sa halos lahat ng bagay, ang Aming Lupain ay kilala halos sa ibang Lupain at masasabi Kong kinatatakutan ang Aming Lupain lalo na ang Aming Haring Rakkus.

Siya ay Isang Makisig, Matapang, Matalino at Kinatatakutan nang lahat, Siya ay maituturing Naming biyaya sa Aming Lupain dahil sa Siya ay napakagaling na Pinuno kaya napakaganda nang pamamalakad rito sa Aming Lupain.

Panlabing dalawampu't isa Siya sa mga naging Hari ng Aming Lupain, maaga Siyang nagkaroon nang asawa dahil maaga ring namatay ang Kaniyang Amang Hari na kasalukuyan noong Hari.

Dahil sa nangyaring iyon napilitan ang Kaniyang Ina na Siya ay ipakasal ng maaga sa Isang Prinsesa, sapagkat ito ay isa sa batas na dapat sundin upang maging isang Hari, labag man sa kalooban nang Ina Niya ay ginawa parin Nito ang dapat gawin upang mapangalagaan ang Kaniyang puwesto dahil marami noong naghahangad sa puwesto ng Kaniyang Amang Hari dahil sa ito nga ay namatay at kailangan nang bagong mamumuno.

Sa ngayon Siya ay may Siyam anak sa Kaniyang tatlong asawa Kay Reyna Damhian na una Niyang naging asawa ay mayroon Siyang Tatlong anak isang babae at dalawang lalake, Kay Reyna Willa naman na Kaniyang ikalawang asawa ay mayroon Siyang dalawang anak ito ay parehas na babae at Kay Reyna Veroña naman na Kaniyang ikatlong asawa ay mayroon Siyang Apat na anak dalawang lalake at babae.

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon