Matagal narin ang nakalipas simula ng Kami ay magtungo ni Ina sa palasyo at hanggang ngayon ay hindi Ko parin nalilimutan ang lahat ng nangyari roon at ang mga katagang tinuran ng Mahal na Prinsesa Monsarah, pati narin ang wangis ng Prinsepe na Aking iniwanan ng tula. Palaisipan rin sa Akin kung naunawaan Niya ang mga ito.
Hindi Ko batid ang Kaniyang ngalan, dahil hindi ko ito ninais na malaman pa dahil sa tingin Ko ay hindi nararapat sa tulad Ko ang makilala ang tulad Niyang Prinsepe kaya tanging ang wangis lamang Niya ang Aking kilala at Ako ay kuntento na rito. Simula ng nangyaring Iyon ay naisipan Ko na manatili na lamang sa Aming tahanan at tumulong nalang sa Aming bukirin upang wala na Akong iba pang ipapahamak na tao dahil ang tulad Ko ay kapahamakan lamang ang palaging dulot at hindi na ito magbabago hangga't Ako'y nabubuhay pa.
Kinausap Ko narin ang Aking Ina tungkol sa Aking naging pasiya, sa simula'y tinututulan Niya Ako at kinukumbinsi na huwag Kong gawing bilanggo ang Aking sarili dahil kailanman ay hindi Ako magiging masaya, ngunit sa huli ay hindi rin Niya nabago ang Aking pasiya at pinabayaan na lamang Niya Ako, ngunit pinayuhan Niya Ako na pag isipan Ko raw ito ng mabuti dahil baka sa huli ay pagsisihan Ko lamang ang desisyon na Aking ginawa, at maging huli na pala ito para sa Akin.
Ilang beses Ko narin itong pinag isipan at nakatitiyak Ako na hindi Ko ito pagsisisihan sa huli, dahil wala nang Sinoman ang makakatanggap sa Akin maliban na lamang sa Aking Ina, Si Binibining Onie at siguro pati narin Si Chensa kung tunay nga na busilak ang Kaniyang kalooban.
Sa tingin Ko rin naman ay masasanay rin Ako sa katagalan, medyo magiging mahirap ito para sa Akin, dahil nasanay narin Ako na nakikihalubilo sa ibang Tao kahit na halimaw at salot ang turing Nila sa Akin.
Masasabi Ko rin na nakatulong sa desisyon Ko ang pagtungo Ko sa palasyo dahil nakilala Ko ang tao na nagpaalala sa Akin na walang laban ang tulad Ko na mahirap sa katulad Nila na makapangyarihan kahit pa ang katuwiran na Aking pinanghahawakan, masakit man ang reyalidad ngunit kailangan itong tanggapin ito nang buong puso, kaya nagpapasalamat Ako sa Prinsesang ito at hindi Ko na kailangan pang magtiis sa mga masasakit na salita at pananakit dahil ngayon malaya na Akong tunay.
Paliligayahin Ko na lamang ang Aking Ina at ang Aking sarili.
" Caisah!? tila yata napakasaya nang Aking Anak!? ano't napakalaki nang Iyong ngiti? kinausap Ka ba ng mga gulay na iyan?! "
Wala nang mas sasaya pa sa Iyong mga ngiti sa labi na Aking nasisilayan Ina
" Ina! hindi po iyon maaaring mangyari, dahil wala naman po Akong mahika na ginamit at napakaimposible rin po nito!, kaya masaya Ako ay dahil masaya rin po ang Aking Ina, hindi po ba masaya ang Aking Ina?! "
" Napakasaya Ko! sobrang saya dahil mayroon Ako ng tulad Mo na napakabait at napakagandang Anak at tandaan Mo kahit na pa, ang pinakaimposibleng bagay ay pwedeng magkatotoo o maging posible dahil tunay na napakamahiwaga ng Ating Mundo "
Namangha Ako sa mga tinuran Ni Ina, ngunit hindi Ko rin maalis sa Aking isipan ang magulumihanan, ngunit pinagsawalang bahala Ko na lamang ito
" Kung maaari pala ito Ina, bakit sa tulad Ko ay walang epekto hindi bs napakaimposible rin na magkaroon Ako ng ganitong itsura na kasumpa sumpa Ina?! "
Hindi Ko maunawaan ang sarili Ko kung bakit Ko tinanong Si Ina ng ganitong katanungan
" Caisah! hindi kasumpa sumpa ang Iyong itsura kahit kailaman tandaan Mo iyan! at hindi imposible ang pagkakaroon Mo ng ganiyang itsura dahil Ikaw at iyan ay patunay, masasabing imposible ang isang bagay kung hindi ito nakikita ng mga mata, ngunit Anak! nakikita Kita kaya walang mali sa Iyo dahil gaya ng palagi Kong sinasabi sa Iyo espesiyal Ka! at mahal na mahal Kita! "
" Salamat po Ina! dahil mahal na mahal Kita Niyo Ako at tanggap Ako kung Sino at ano Ako! sana po lahat ng tao katulad niyo nalang po na may mabuting kalooban at hindi Ako sasaktan, na tao ang tingi sa Akin at hindi halimaw o salot "
Hinawakan Ni Ina ang kamay Ko, tiningnan Ako nang nakangiti
" Anak! hindi lamang Ako nag iisa, na mayroong mabuting kalooban marami Kami! kung bubuksan at tatanggapin Mo lamang Sila sa Iyong puso nang walang alinlangan ay tiyak na makikilala Mo Sila, gaya na lamang Ni Binibining Onie at Chensa batid Ko na katulad Ko'y mabuti rin ang Kanilang kalooban, kaya huwag Kang matakot na sumubok kahit na masasaktan Ka man o manghihina, dahil kung mananatili Ka na lamang na takot at nag aalinlangan, hinding hindi Ka magiging masaya o malaya man. Kailangan na lagi Ka lamang maging matapang at huwag sumuko, siguradong hinding hindi Ka mag iisa at nalulumbay "
Sa wari Ko'y parang muli Akong kinukumbinsi Ni Ina na baguhin ang Aking desisyon
" Kahit naman mamuhay Ako na nag aalinlangan at takot, hindi po ba't magiging malaya rin Ako at magiging masaya, kahit pa mag isa lamang Ako at sigurado Ako hindi Ko na kailangan pang tumanggap o kumilala pa ng iba na may mabuting kalooban dahil hindi Ako nakatitiyak na hindi Niya Ako iiwan o sasaktan, kaya wala na lamang Akong dapat gawin kundi ang matuto at mamuhay ng Ako lamang "
Ngumiti rin Ako Kay Ina at hinagkan Siya at pagkatapos ay bumalik sa Aking ginagawa.
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasyBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍
