Terrible Queen Veroña and Princess Dellar

24 5 0
                                        

Nakayuko lamang Ako at ayaw Kong titigan pa Si Prinsepe Delvis dahil sa Aking ginawa, marahil napakaimposible na Siya ay ang Aking kaibigan na Si Elvis dahil sa paraan ng Kaniyang pananalita at pagkilos, napakapolido Niyang magsalita at maglakad at Prinsepeng prinsepe ang Kaniyang tindig, kaya't marahil nagkamali lamang Ako at hindi man lamang nagdalawang isip bagkus kumilos na Ako ng naaayon sa Aking kagustuhan.

Nanatili lamang Kaming dalawa na tahimik at walang umiimik ng may dumating nang iba pang tao, dali naman Akong umayos ng Aking puwesto at tiningnan ang mta dumarating ito ay Si Prinsepe Delvis at isang Prinsesa na isa sa Kaniyang kapatid Sila ay umupo sa mga upuan, ang Prinsesa ay na upo sa tabi ng Prinsepe Delvis at sa Aking tabi naman si Prinsepe Delmir.

Nakangiti ang Prinsesa sa Akin habang nakatingin.

" Aba't tunay nga na gising Kana!? ikinagagalak Kong Ikaw ay makita at makilala!, ano nga ba ang Iyong ngalan?! maaari Ko ba itong malaman Binibini?! "

Maganda ang Kaniyang wangis ganoon rin ang Kaniyang tinig at sadiya itong nakakaakit lalo na't sinasabayan Niya ito nang napakatamis na ngiti na nagmumula sa Kaniyang mapupulang labi.

" Ikinagagalak Ko rin po na Kayo ay makita at makilala Mahal na Prinsesa! ang Aking ngalan po ay Sulca na ang kahulugan po ay tubig nang kagandahan "

Ito ang Aking sinabi dahil hindi Ko maaaring sabihin ang tunay Kong ngalan sapagkat nakatitiyak Akong hindi rin naman Nila Ako paniniwalaan katulad nang nangyari noong Ako ay magising, tinawanan rin Ako nang isa sa mga Prinsepe na parang nasisiraan Ako nang bait, kaya mas mabuti pang magsinungaling na lamang muna Ako upang wala nang maging problema pa.

" Kung ganoon Sulca pala ang Iyong ngalan!? napakaganda naman at hindi nakapagtatakang iyan ang Iyong ngalan dahil sa Iyong pagkakaroon nang magandang mukha! Ako naman pala Si Prinsesa Delfañia ang panganay na anak ang Haring Rakkus at Reyna Veroña at Kanilang nakatatandang kapatid "

Siya pala Si Prinsesa Delfañia na tinutukoy ni Prinsepe Delmir na ubod nang bait at sigla kung magsalita at ang Prinsepe na napagkamalan Ko ay Siya namang bunso Nilang kapatid, ibigsabihin ay wala pa rito ang Prinsesa Dellar na masungit at nakakatakot kung magsalita.

" Maraming Salamat po Mahal na Prinsesa Delfañia,ngunit hindi hamak na mas karapat dapat na purihin ang Iyo pang ngalan at kagandahan dahil Ikaw po ang mas tunay na maganda kaysa sa Akin! "

Lumamak naman ang ngiti nang Mahal na Prinsesa Delfañia dahil sa Aking mga sinambit.

" Ika'y labis na nakaaaliw, pagkat Ika'y mapagpakumbaba rin palang tao at gusto Ko ang ganiyang pag uugali at nakatitiyak Ako na magiging magkasundo Tayo! "

Napangiti naman Ako sa winika nang Mahal na Prinsesa Delfañia, magpapasalamat na sana Ako sa Kaniya nang may biglaang magsalita.

" Sa tingin Mo ba talaga Delfañia ay magiging Kayong magkasundo gayong hindi rin naman Siya magtatagal rito sa Palasyo at aalis rin Siya at magbabalik kung saan man Siya nagmula, at ano naman ang Kaniyang ginagawa rito sa hapagkainan?! hindi ba't ito ay para lamang sa Ating pamilya at mga maharlika na tulad Natin at sa Aking pagkakaalam ay napulot lamang Siya sa labas at pinatuloy lamang rito, kaya't sabihin Mo tama ba ang lahat nang tinuran Ko?! "

Nabigla naman Ako nang labis sa mga binitawang salita nang Mahal na Prinsesa Dellar, halos tumagos na ito sa kaloob looban nang Aking puso, hindi Ko maunawaan kung ano ba ang Aking nagawa at kailangan Niya pang ipamukha sa Akin ang pagkakaiba Nila sa Akin. Hindi rin ba Niya alam na nakararamdam rin Ako at nasasaktan, sa mga salitang sinasabi sa Akin at hindi Ko naman ito maaaring pigilan na marinig.

" Itigil Mo na nga iyang mga sinasabi Mo Dellar! at ito'y labis na kahihiyan! at ano ba ang Iyong karapatan na laitin at pagsalitaan ng kahit anong nais Mo Si Sulca?! isa Ka bang diyosa na makapangarihan? ano't sabihin Mo!!! "

" Mabuti pa't humingi Ka na lamang nang tawad Kay Sulca at pagkatapos ay maupo na lamang at maghintay sa pagdating nang Ating Ina, maaari ba iyon Dellar?! "

Sumama naman lalo ang itsura nang Mahal na Prinsesa Dellar at nagulat rin sa mga kapatid sapagka't Siya ay labis na napahiya.

" At pinagtutulungan Ninyo Ako at pinagtatanggol ang babaeng iyan!!! nakakahiya Kayong Prinsesa at Prinsepe maskakampihan Ninyo pa ang hampas lupa na Iyan!!! "

Biglang tumayo ang mahal na Prinsesa Delfañia at biglang dumampi ang Kaniyang kanang kamay sa katiwalang pisngi ng Mahal na Prinsesa Dellar. Ikinagulat naman ito ng Mahal na Prinsesa Dellar at maging Kaming nakasaksi sa pangyayari, hindi labis na makapaniwala ang mahal na Prinsesa Dellar na makakatikim Siya ng sampal mula sa Kaniyang nakakatandang kapatid na babae, dahil roon ay akmang gagantihan Niya ang sampal na Kaniyang natamo mula kay Mahal na Prinsesa Delfañia, ngunit ito ay hindi natuloy sapagka't dumating ang mahal na Reyna Veroña at pinigilan Niya ang Mahal na Prinsesa Dellar.

" Prinsesa Dellar! ano ba ang Iyong ginagawa?! itigil Mo iyan! hindi ba Kayo nahihiya sa harap ng hapag kainan!!? "

Tumingin naman ang mahal na mga Prinsesa sa mahal na Reyna Veroña at yumuko bago bumalik sa Kanilang mga puwesto, nagtungo naman ang mahal na Reyna Veroña sa hapagkainan at naupo sa upuan, sabay tinginan Kami ng isa isa, at huminto Siya sa Akin.

" Ano ba ang nangyayari sa Inyo? wala lamang Ako rito ay may nangyayari na palangalitan sa pagitan Ninyong magkakapatid, at hindi man lang Kayo marunong mahiya sa Ating panauhin!, paumanhin kung nasaksihan Mo pa ang simpleng alitan sa pagitan Nilang magkakapatid ganiyan lamang talaga Sila kung minsan! ano nga pala ang Iyong ngalan magandang Binibini? "

Naala Ko tuloy ang mga sinasabi patungkol sa Mahal na Reyna Veroña, siguro'y nakakatakot nga Siya ngunit masasabi Ko naman na may kabaitan rin pala Siyang tinataglay at napatunayan Ko ito ngayon.

" Naunawaan Ko naman po ito, Mahal na Reyna Veroña! Ako nga po pala ang babaeng tinulungan ng mga mahal na Prinsepe Mondin at Donghan at ang Aking ngalan po ay Sulca at ikinagagalak Ko po Kayong makilala Mahal na Reyna Veroña! "

Yumuko Ako bilang paggalang sa mahal na Reyna Veroña, at ganoon rin naman Siya sa Akin upang pagtanggap sa Aking paggalang.

" Napakagaling!... wala Akong masabi! paumanhin mahal na Reyna ngunit mamaya na lamang siguro Ako kakain, nawalan na Ako ng gana! "

Tumayo na sa upuan ang mahal na Prinsesa Dellar at akmang aalis na ng pinigilan Siya ng mahal na Reyna Veroña.

" Iyan ba ang magandang asal na itinuro sa Inyo? ang bastusin ang hapagkainan at ang basta na lamang umalis dahil lamang sa wala nang ganang kumain? ipaliwanag Mo nga ito Prinsesa Dellar?! "

Tumingin naman ito sa mahal na Reyna Veroña, bago tumingin sa Akin ng may kahulugan.

" Hindi nga po ito ang itinuro sa Amin! ngunit hindi Ko maaatim na kumain kasama ang babaeng iyan at ang mga nakakahiyang Prinsesa at Prinsepe iyan! "

Itinuro Niya Ako at ang mga kapatid Niyang Sina Prinsesa Delfañia at Prinsepe Delmir.

Tiningnan naman Kami nang mahal na Reyna Veroña.

" Ang ibig Mo bang sabihin Sila ang dahilan ng Iyong pagkawala ng gana sa hapagkainan?! ano ba talaga ang nangyari?! Sulca! maaari Mo bang isalaysay ang buong pangyayari na nag harap kanina noong Ako'y wala pa rito?!! "

Hindi Ko alam kung ano ang dapat Kong sabihin kaya nakatingin lamang Ako sa mahal na Reyna Veroña, nang biglang tumayo ang mahal na Prinsepe Delvis at umalis, ganoon din ang ginawa nang Mahal na Prinsesa Delfañia, tumayo din ang mahal na Prinsepe Delmir at hinila Ako upang tumayo na rin.

" Mabuti pa't hindi Ko na lamang tinanggap ang paanyaya Niyo sa Akin gaya ng parati Kong ginagawa noon, marahil ay nakakain at natapos na Ako at nagpapahinga na lamang!, halika na lamang Binibining Sulca at Tayong dalawa na lamang ang magkasalong kumain, sapagka't alam kong nagugutom Kana! "

Hila-hila Niya Ako habang papaalis Kami sa hapagkainan, naiwan naman ang Mahal na Reyna Veroña at Mahal na Prinsesa Dellar.

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon