PRINCE MONDIN's POV
Hindi pa rin mawala sa Aking isipan ang pangyayaring iyon, kung bakit umalis nang Palasyo Si Binibining Sulca habang sinusundan naman Siya nang Prinsepe Delvis at ano ang ginawa nang Binibini sa munting tahanan na iyon, at kinausap ang babaeng naroroon at pagkatapos ay umalis nang malungkot at umiiyak.
Hindi kaya't ito ang Kaniyang Ina? ngunit bakit kaya hindi man lamang ito nasabik nang Siya ay makita bagkus Siya ay iniwan na nag iisa at umiiyak?!.
Ngunit hindi Ko din maialis sa Aking isipan ang katanungang bakit humagkang bigla ang Binibining Sulca Kay Prinsepe Delvis nang makita Niya ito roon at mababakas sa Kaniyang mukha na nagagalak Siya na naroroon ang Prinsepe, mayroon kayang namamagitan sa Kanila? ngunit imposible naman ito dahil bago lamang naman sa Palasyo Si Binibining Sulca, hindi kaya!?.
" Prinsepe Mondin?! natapos Mo na ba ang Iyong ipinipinta? Kanina Ka pa Namin napapansing tulala at maging nang mga nakaraang araw, sinasabi Mong Ikaw ay ayos lamang ngunit sa tingin Namin ay hindi naman talaga, ano ba talaga ang nangyayari sa Iyo?, at mukhang may iniisip Kang nakababahala?! maaari Mo namang ibahagi sa Amin ito nang hindi Ka na magkaganiyan at maaari Ka pa Naming matulungan! "
Napatingin Ako sa nagsasalita, ito pala'y Si Prinsepe Delmir hindi Ko namalayan na lahat Sila'y sa Akin na pala nakatuon ang atensiyon at hindi na sa Aming ipinipinta, sinamaan Ko naman Sila nang tingin at bumalik Ako sa pagpipinta.
" Ano ba ang Inyong ginagawa at pinapakialaman Ninyo Ako? mabuti pa't ituloy Niyo na lamang ang Inyong pagpipinta at nang matapos na Kayo agad! "
Ngunit sa halip na ituloy Nila ang Kanilng ipinipinta ay binitawan pa Nila ito at inilapit ang Kanilang upuan sa Akin at tiningnan Ako nang may kahulugan, mukhang alam Ko na ang kahulugan nito kaya naman itinigil Ko na ang Aking pagpipinta at hinarap Silang tatlo.
" Kung ganoon!... ay wala na talaga Akong magagawa kundi sabihin sa Inyo ang iniisip Ko, ngunit maari muna bang mangako Kayong hindi ito ipaaalam pa Kay Prinsepe Delvis at hindi Niyo na Ako pakikialaman pang muli?! "
" Makakaasa Ka na hindi Namin ito ipaaalam pa Kay Prinsepe Delvis, kaya naman sabihin Mo na sa Amin ang Iyong iniisip Aking kapatid pagkat Kanina pa Kami nagnanais na malaman ito! "
Maging ang Aking kapatid ay nagnanais rin itong malama.
" Hindi Ko alam kung ganito rin ang iniisip Mo Prinsepe Donghan!? ngunit hindi Ko maialis sa Aking isipan ang Aking nakita sa pagitan nang Prinsepe Delvis at Binibining Sulca, at sa tingin Ko ay may namamagitan sa Kanilang dalawa, alam Ko na hindi Ko ito dapat na iniisip ngunit hindi Ko ito mapigilan, kaya tulala Ako nang mga nakaraang araw!, ngunit hindi Ako nasisiraan nang isip at wala rin Akong sakit sa pag iisip! "
Napansin Ko na bahagyang tumawa ang Aking kapatid, samantalang ang dalawa naman ay bahagyang napaisip sa Aking mga sinasabi.
" Kapatid na Prinsepe! hinay hinay Ka lamang sa Iyong mga sinasabi, alam naman Namin na maayos ang Iyong pag iisip at wala Ka ring sakit sa pag iisip gaya nang Iyong sinasabi, ngunit sa Iyong sinabi at inaasta ngayon, palagay Ko'y medyo hindi maayos ang Iyong pag iisip kaya naman masyadi Kang maingat sq Iyong mga sinasabi, sapagkat ayaw Mong may isipin Kaming hindi maganda sa Iyo!? "
Tumawa naman nang bahagya ang dalawa sa mgq sinabi nang Aking kapatid, at marahil ay naunawaan Nila ang pakahulugan nang mga sinabi nang Aking kapatid.
" Sa tingin Ko'y wala namang namamagitan sa Kanila, sa katunayan ay bago pa lang Si Binibining Sulca rito sa Palasyo at hindi ba't sabi Mo Prinsepe Delmir ay sa una Nilang pagkikita ay hindi Sila nagpapanainan, marahil kaya lamang noon hinagkan nang Binibining Sulca Si Prinsepe Delvis ay dahil sa labis Siyang nalulungkot at kailangan Niya nang masasandalan at makakasama, kaya sa palagay Ko ay hindi Ka dapat na mag isip nang kung ano patungkol roon! "
Naisip Ko na rin ang bagay na iyon ngunit hindi Ko pa rin mapigilang magduda at mag isip nang mag isip! hindi Ko alam kung ano ba itong Aking nadarama hindi Ko maintindihan?!.
" Tama ang mga sinasabi Ni Prinsepe Donghan, maaaring ganoon nga lamang iyon!, ngunit totoo ba talaga ang Iyong sinasabi Prinsepe Donghan!?, na nakita Ninyong dalawa na hinagkan nang Binibining Sulca ang Aking kapatid?! "
Mukhang naging interesado bigla Si Prinsepe Delmir sa Aming nalalaman.
" Totoo ito!, at ito talaga ang iniisip Ko kaya hindi Ko maiwasang matulala at mag isip nang kung ano ano na halos mapagod na lamang Ako at magpahinga saglig, pagkatapos ay uulitin Ko na naman ang Aking pag iisip! "
Biglang nag iba ang ekspresiyon nang mukha nang Prinsepe Delmir matapos na malaman sa Akin, na totoo na Aming nakita na hinagkan nang Binibining Sulca ang Kaniyang kapatid.
" Marahil alam Ko na ang dahilan kung bakit nagkakaganiyan Ka Aking kapatid?! marahil ay nakararamdam Ka nang panibugho dahil sa Inyong nasaksihan na iyon, sapagkat maaaring may pagtatangi Ka para sa Binibining Sulca kaya labis Mong dinaramsan at inaalala ang pangyayari na iyon kahit na iyon ay nakalipas na at tapos na! ngunit nais Kong malaman Kung tunay nga na tinatangi Mo Si Binibining Sulca!? totoo nga ba ito Aking kapatid?! "
Seryoso ang Kaniyang mukha at nais talagang malaman ang Aking kasagutan, na labis Ko namang ikinabigla at Ako ay napatayo mula sa Aking pagkakaupo at tiningnan Siya nang napakasamang tingin.
" Ano ba ang Iyong sinasabi Aking kapatid?! anong nakararamdaman Ako nang panibugho dahil sa Aming nasaksihan Ni Prinsepe Donghan! alam Mo ba ang Iyong sinasabi!? kaya Ko lamang iyon palaging naiisip ay dahil labis lamqng Akong nagugulumihanan ngunit wala nang iba pang dahilan! hindi Ako naninibugho at hinding hindi Ako maninibugho kahit Kanino man! malinaw ba iyon?! mabuti pa't magpapahinga na lamang muna Ako sa Aking silid dahil sadiyang napagod Ako at bahagyang sumama ang Aking pakiramdam! "
Galit Ko Silang iniwanan dahil sa biglang nag init ang Aking ulo at hindi Ko na ibigan ang mga sinabi nang Aking kapatid, na Ako raw ay naninibugho!, napakaimposibleng bagay!
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasyBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍