I Am Caisah

27 5 0
                                        

CAISAH's POV

Mabuti na lamang at ngayon na Ako umalis sa Palasyo, dahil kung paaabutin Ko pa nang pagsikat nang araw tiyak na mahihirapan Akong makaalis sapagkat maaaring pigilan pa Nila Ako lalo na Ni El---Prinsepe Delvis o maaaring samahan pa Nila Ako sa pag uwi sa Aming tahanan na hindi maaari sapagkat malalaman Nilang nagsisisnungaling lamang Ako at nagpapanggap bilang Si Sulca na ang totoo'y hindi naman talaga.

Mabuti rin at naisauli Ko na sa silid aklatan ang maliit na aklat na ibinigay Ni Ginoong Alharo nang walang ibang nakapapansin sa Akin at nakalabas rin Ako nang maayos kahit na napakaraming kawal na nagbabantay na ipinagpapasalamat Ko nang lubos, pagkat sa wakas ay makikita at makakasama Ko na rin ang Aking Ina na labis Kong ikinagagalak.

Kahit na madilim pa'y hindi Ako nakadarama nang takot dahil maliwanag naman ang buwan at naaaninag Ko ang Aking dinaraanan at isa pa'y kabisado Ko naman ito. Kaytagal Ko ring hindi nasilayan ang mga bituin at ang buwan sa langit marahil dahil sa matagal na pagbuhos nang Asul na Ulan at masasabi Kong wala pa rin itong pinagbago, sapagkat napakaganda pa rin nito.

Sa Aking paglalakad ay hindi Ko maiwasang malungkot at maawa sa mga may buhay na naapektuhan nang Asul na Ulan ayon kase sa maliit na aklat na naglalaman nang tungkol sa Asul na Ulan, lahat nang may buhay na madadampian nito ay tiyak na mamamatay.

Ngunit natutuwa rin naman Ako dahil sa Ako ang pinagpala nang Mahabaging Maykapal na makatanggap nang pagbabago mula sa Asul na Ulan at mayroon Akong kakayahan na buhayin muli ang mga nasalanta nito, gaya nang mga halaman, kapag ito ay Aking nadaanan, ngunit ang gaya nang hayop at tao ay hindi sakop nito.

Mayroon rin Akong nalamn mula sa maliit na aklat, patungkol sa pagpigil sa sumpa, ang una rito ay ang magkaroon nang isang anak na Siyang maaaring magmana nang sumpa, ang pangalawa naman rito ay ang paglisan sa lugar kung saan nagsimula ang sumpa at ang panghuli rito ay ang sinambit sa Akin Ni Ginoong Alharo ito ay ang pagkitil sa Aking sariling buhay o ang Aking kamatayan.

Alin man sa mga ito ay makakatulong sa Akin ngunit sa tingin Ko'y hindi Ko alam kung ano ba dapat ang piliin Ko sa mga ito, kaya naman pag iisipan Ko na lamang ito nang mabuti upang pagdumating na ang sagot at dapat Kong gawin ngunit sa ngayon ay mas may importante pa Akong dapat gawin.

At ito ay ang makita at makasama ang Aking Ina at ilang sandali na lamang ay mangyayari na ito, sapagkat natatanaw Ko na ang Aming tahanan at labis na Akong nasasabik.

" Sandali na lamang Ina at magkikita't magkakasama na rin Tayo, maiibsan na rin ang Iyong lungkot at pangungulila Mo sa Akin, sandali na lamang!!!... "

Napahinto Ako sa paglalakad dahil may napansin Akong tao sa labas nang Aming bahay habang nakaupo sa kahoy at nakatingala sa langit, tiningnan Ko nang mabuti at napag alaman Kong Aking Ina pala, kaya dali dali Akong tumakbo papalapit sa Kaniya ngunit hindi Niya Ako namalayan dahil nakatingin pa rin Siya sa langit.

" Ina! naririto na po Ako!? "

" Caisah! Ikaw na ba-i-yan?!!... "

Ikinagulat Niya ang Aking pagsulpot at pagdating, kaya naman Siya ay nagtataka kung bakit Ako naroroon.

" A-A-nong gi-gi-nagawa Mo ri-ri-to a-a-at bakit ti-ti-nawag Mo A-A-kong I-Ina?! "

Sa simula'y nagulat Ako sa Kaniyang naging tugon ngunit Aking napagtantong iba na pala ang Aking buong wangis kaya marahil ay hindi Niya Ako nakikilala, kaya naman ay nilapitan Ko Siya at hinagkan nang napakahigpit na alam Kong ikinagulat rin Niya.

" Ina! alam Kong nalilito Ka pa sa ngayon, ngunit hayaan Niyo muna akong hagkan Kayo nang matagal, sapagkat labis na Akong nasasabik sa Iyo at sa Iyong bisig, at mamaya Ko na lamang isasalaysay ang buong pangyayari na nangyari sa Akin, maaari ba iyon Ina?! "

Naramdaman Ko namang tinanggal Niya ang Aking mahigpit na pagkakahagkan at lumayo sa Akin.

" Ano ba ang Iyong mga winiwika Binibini?! hindi Kita labis na maunawaan?, at kanina Mo pa rin Ako tinatawag na Ina maaari Mo ba itong ipaliwanag upang Aking maunawaan?! "

" Ina Ako po ito Si Caisah ang Iyong Anak! nagbago po ang Aking anyo nang dahil sa Asul na Ulan at dahil rin po rito ay napadpad at nanirahan po Ako nang pansamantala sa Palasyo dahil na rin po sa hindi pa noon tumitila ang Asul na Ulan. Ngunit sa ngayon na tumila na ang Ulan ay narito na po Ako sa Iyong harapan at makakasama Niyo na po uli! "

Sinubukan Kong lumapit sa Kaniya ngunit lumayo lamang Siyang muli.

" Napakaimposible nang Iyong mga sinasabi! nang dahil sa Asul na Ulan na iyon ay nagbago ang Iyong anyo?! at Ikaw ang Aking Anak na Si Caisah?! napakahirap isipin at paniwalaan Binibini?! "

Sa mga sinsabi Ni Ina ay mukhang bigla Akong pinanghinaan nang kalooban sapagkat hindi Ako magawang paniwalaan nang Aking Ina gayong nagsasabi Ako nang totoo.

" Ngunit iyon po ang totoo Ina! Ako po talaga Si Caisah ang Iyong Anak at lahat po nang Aking winika ay purong katotohanan lamang at hindi Ko ito basta bastang inimbento lamang! alam Kong napakahirap at imposible nitong paniwalaan, dahil maski Ako sa simula'y hindi rin makapaniwala ngunit ito rin ay Aking nauunawaan sa huli na masasabing hindi imposible ang isang bagay kung hindi ito nakikita nang mata ngunit nakikita Ko ang Aking sarili na iba na ang wangis kaya imposible talaga at hindi isang imposible na bagay! kaya Ina paniwalaan Mo naman na Ako dahil sabik na sabik na Ako sa Iyo! "

Hindi Ko na napigilan pa ang Aking luha dahil sa sakit at lungkot na Aking nadarama, sapagkat ang Aking sariling Ina ay hindi Ako magawang paniwalaan ano ba ang Aking nagawa para danasin Ko ang ganito kasakit na pangyayari!

" Marahil hindi Mo lamang alam ang Iyong mga sinasabi, kaya ipinipilit Mo na Ikaw ang Aking Anak! mabuti pa't itigil Mo na ang mga ito pagkat labis lamang Akong nasasaktan sa tuwing naririnig Ko ang ngalan nang Aking Anak! hindi Mo alam kung gaano na Ako nananabik sa Kaniya, kaya kung maaari lamang ay umalis Kana lamang at huwag nang subukan pang gamitin ang ngalan nang Aking Anak! at kahit anong gawin Mo ay hindi Kita kailanman paniniwalaan! dahil isa lamang ang Aking Anak na pinakamamahal at hindi Ikaw iyon! kundi Si Caisah lamang! "

Pagkasabi Niya ay bumuhos bigla ang mga luha sa Kaniyang mata kasabay nito ang Kaniyang pagpasok sa loob nang Aming tahanan. Dahil doo'y mas lalo Akon lumuha, nalungkot at masaktan.

" Ina! pakinggan Niyo naman Ako! huwag Niyo naman gawin ito sa Akin, hindi Ko po ito makakaya! Ikaw nalang po ang natitirang mayroon Ako at ayaw Ko pong mawala Ka pa sa Akin! kaya naman ay paniwalaan Mo na Ako! parang awa Mo na Ina!!! "

Halos mapaos na Ako sa pagsigaw habang kinakausap Ko ang Aking Ina at nagmamakaawa sa Kaniya.

" Parang awa Mo na! pabayaan Mo na lamang Ako at umalis Kana Binibini! huwag Mo na ring pahirapan pa ang Iyong sarili dahil sinasaktan Mo lamang ito! "

Napahandusay na lamang Ako sa lupa at napatulala habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang Aking luha. Dahil wala na Akong magagawa dahil hindi na Ako paniniwalaan pa nang Aking Ina at wala na rin Akong mapupuntahan pa.

Napakasalap naman pala talaga nang Aking kapalaran, mabuti pa't hindi nalang nangyari sa Akin ang mga bagay na ito, kung hindi ay kasama Ko pa rin hanggang ngayon ang Aking Ina.

Dahil sa wala na Akong kailangan rito ay aalis na lamang Ako at maghahanap nang bagong matitirhan nang malungkot at nag iisa at paalam na rin Ina, mahal na mahal po Kita!

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon