PRINCESS DELLAR's POV
Hindi Ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay naririto pa rin ang babaeng iyon! nawala na nga Siya ngunit nagbalik pa rin Siya dahil hinanap Siya nang Delvis na iyon! bakit ba napakapalad Niya at pinapanigan Siya nang Mahabaging Maykapal?! ano ang Kaniyang ginagawa at halos lahat ay pinapanigan Siya?!.
" Dahil sa Kaniyang maamong wangis, kaya marahil siguro'y nagagawa Niyang paamuhin ang mga tao sa Kaniyang paligid at paamuhin ang mga tao sa Kaniyang paligid at pumapanig ito sa Kaniya ng mabilis at walang pag-aalinlangan!, at hindi ito tumalab sa Akin at hindi kailanman ito mangyayari sapagka't kung mangyari man ito ay sisiguraduhin Ko na hindi na Niya mapapakinabangan pa ang Kaniyang maamong wangis! "
" Tila yata napakasaya Mo naman Prinsesa Dellar?! mayroon bang magandang nangyari sa Iyo? "
Naririto na pala Siya.
" Naririto Ka na pala Prinsesa Monsarah! ikinagagalak Kong Ikaw ay makita!, hindi naman Ako labis na masaya mayroon lamang Akong magandang naisip! "
" Ikinagagalak rin Kitang makita Prinsesa Dellar! ano naman ang Iyong magandang naiisip? maaari Mo ba itong ibahagisa Akin?! "
Mainam naman ito dahil may makakasama Ako sa pagdidiwang sa mga pinaplano Ko na nakatitiyak Akong maisasakatuparan Ko rin, sapagkat alam Kong matutulungan Niya Ako at hindi Niya Ako puwedeng hindi tulungan dahil alam Niyang hindi Ako magandang kalaban.
" Ang sirain ang maganda, maamong mukha at pati na rin ang wangis nang babaeng iyon, ang pahirapan Siya hanggang sa tuluyan na Siyang umalis rito at hindi na magbalik kahit na kailanman! "
Pansin Ko na naguguluhan Siya, ngunit batid Kong alam na rin Niya kung Sino ang tinutukoy Ko at ang binabalak Kong gawin sa Aking iniisip.
" Kung ano man ang naiisip Mo at binabalak Mo sa mga ito Prinsesa Dellar ay Iyong itigil, hindi Ka ba natatakot na mapahamak at malaman Nila ang mga ginagawa Mo at isa pa'y wala namang ginagawa sa Iyo ang mga tao na ginagawan Mo nang hindi maganda kaya't bakit Mo pa Sila pinag aaksayahan nang panahon mabuti't ituon Mo na lamang ang Iyong sarili sa mga bagay na mas may kabuluhan?! bakit hindi Mo Ako gayahin inihahanda Ko ang Aking sarili sa pagiging isang mabuting asawa at reyna balang araw, hindi ba't mainam ito at iniisip Ko ang Aking magiging kinabukasan balang araw?! "
Sino ba Siya sa akala Niya upang pakialaman Ako sa Aking mga ginagawa at pangaralan Ako nang mas makabubuti sa Akin?! hindi naman Siya nakatitiyak na mangyayari nga ito sa Kaniya balang araw!.
" Nakakatuwa Ka naman! sinasayang Mo ang Iyong oras sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan kung mangyayari nga ito, gaya na lamang nang kondisiyon na inialok Ko sa Iyo, na gumawa Ka nang paraan upang matigil na ang kahibangan nang Aking kapatid na Si Prinsepe Delmir sa Prinsesang iyon, kapalit nang pangako Kong paglalapitin Ko Kayong dalawa!, at dahil sa labis Mong mahal ang Aking kapatid, ay tinanggap Mo ang Aking kondisiyon at ginawa ito nang walang pag aalinlangan at ginamit Mo pa ang Iyong kapatid upang matupad ito. At nagtagumpay Ka naman! lalo na Ako, ngunit hindi Mo ba naisip man lang na wala talaga Akong balak na tuparin o gawin ang kondisiyon?! sapagkat hindi Kita nais para sa Aking kapatid! dahil ang totoo ay Si Prinsesa Harna talaga ang Aking nais para sa Aking kapatid at ginawa Ko lamang iyon upang mapatunayan Ko kung mahal Mo ngang tunay ang Aking kapatid at tama nga Ako! kaya't anong gagawin Mo kung malaman nang Prinsepe Delmir na Ikaw ang dahilan nang pagkawala nang atensiyon at pagmamahal nang Prinsesa Harna sa Kaniya?! tiyak na hindi Kaniya mapapatawad pa at tiyak na kamumuhian Kaniya at hindi na mamahalin pa!, napakasakit at saklap naman pala nang posibleng mangyari sa Iyo! "
Natutuwa Akong pagmasdan ang Kaniyang mukha habang nag iinit ito sa galit dahil sa Aking mga tinuran sa Kaniya at napansin Kong pati ang Kaniyang kamay, at dumampi ito sa Aking mukha na inaasahan Ko naman talaga na Kaniyang gagawin, masakit ito ngunit sanay na Ako dahil ito talaga ang reyalidad at hindi Ka dapat na makaramdam nang kahit anong sakit dahil iyon ang magiging kahinaan Mo sa bandang huli, gaya Niya at nang iba pa.
" Sinasabi Ko na nga ba! kahit kailan ay mas masama Ka pa sa Akin, sa tingin Mo ba ay ganoon Ako katanga para tanggapin ang kondisiyon Mo?! puwes nagkakamali Ka dahil ginawa Ko talaga iyon upang mailayo Ko Si Prinsesa Harna Kay Prinsepe Delmir, upang mapasakin Siya at masasabi Kong nagtagumpay rin Ako ring patas lamang Tayo sa pagiging tuso! "
Akala Niya'y masisindak Ako sa mga sinasabi Niya?! nagkakamali Siya!.
" Kung ganoon!?... bagay pala talaga Tayong maging magkakampi?! dahil tiyak na magtatagumpay Tayo sa lahat nang Ating pinaplano, kaya inaalok Kitang muli na tulungan Akong muli sa Aking mga pinaplano at sa pagsasakaturan nang mga ito! "
" At sa tingin Mo ba ay tutulungan pa Kita?! pagkatapos nang ginawa Mo sa Akin?!! "
" Kung hindi Mo Ako tutulungan, siguradong tuluyan nang hindi mapapasa Iyo ang Aking kapatid dahil sa babaeng iyon, kaya pag isipan Mo ang Iyong mga sinasabi bago Mo ito pagdesisiyunan at baka pagsisihan Mo pa ito sa huli! "
Halatang nabigla Siya at nag isip habang nakatingin sa Akin nang masama.
" Hindi Ko alam ang Iyong mga sinasabi! at hindi Mo na Ako maloloko gamit ang Iyong kapatid, sapagkat hindi Ko naman kailangan ang Iyong tulong. At hindi Ako natatakot sa mga banta Mo at maaari Mong gawin sa Akin dahil sabi Mo nga maaari Tayong maging magkakampi marahil tuso rin Akong tulad Mo ngunit mas hamak na masama Ka nga lang sa Akin! kaya naman huwag Mo na Akong guguluhin pa! "
Hindi Niya talaga Ako lubusang kilala! akala Niya'y palalampasin Ko na lamang nang ganoon ang mga sinabi Niya sa Akin, makikita Niya! sa ayaw at sa gusto Niya ay tutulungan Niya Ako sa Aking mga pinaplano at sisiguraduhin Ko iyon!, hinding hindi Ako maaaring hamakin lamang at balewalain! hinding hindi Ko ito matatanggap, hinding hindi!!!.
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasyBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍