Their Everyday Life and Routine

44 7 0
                                        

CAISAH'S POV

Maaga Akong gumising upang ihanda lahat ng Aming kakailanganin ni Ina sa Aming munting bukirin, araw araw Kaming tumutungo roon upang mamitas nang Aming mga pananim. Ang bukirin ay namana nang Aking Ama sa Kaniyang mga magulang, sakto lamang ang lawak nito kung pagmamasdan.

Bago namatay si Ama ay ipinagbilin Niya sa Aking Ina na, huwag na huwag Niyang ipagbibili ang Aming bukirin kahit Kanino man dahil pamana raw ito ng Kaniyang mga magulang, kaya labis itong pinahahalagahan ni Ina napakalaki ng naitutulong nito sa Amin, dahil ito ang nagbibigay buhay sa Amin ni Ina araw araw.

Matapos Kong maihanda ang lahat, Ako ay magluluto nang Aming makakain bago Ko gisingin ang Aking Ina upang sa ganoon ay wala na Siyang masyado pang aasikasuhin.

Nang matapos Ko na ang lahat ginising Ko na si Ina at kumain na Kami at pagkatapos ay nagbihis at magtutungo na sa Aming paroroonan.

Ang Aming tirahan ay nasa bandang kagubatan at ang Aming bukirin ay malapit naman sa may palasyo kaya sa tuwing Kami ay tutungo roon ay nadaraanan Namin ang palasyo at masasabi Ko na napakalaki nito, napapaligiran ito ng naglalakihang mga bakod at kayraming kawal ang nagbabantay rito.

Minsan napapaisip Ako ano kaya ang itsura ng loob ng palasyo, marami kayang mga silid ito at magaganda rin kaya ang mga kagamitan nito, mababait o masasama ba ang mga naninirahan rito?, pero alam Ko naman sa sarili Ko na hanggang sa Aking isipan na lamang ang mga katanungan na ito.

Sa tuwing naglalakad Kami ng Aking Ina sa daanan patungo sa Aming bukirin, ay nababalot Kami ng katahimikan, marahil may iniisip na napakalalim ang Aking Ina kaya tila ba hindi Niya Ako namamalayan na Ako ay kasama Niya.

Kapag ganoon Siya hindi Ko na lamang Siya pinapansin siguro'y naaalala lamang Niya ang mga panahon na kasama Niya pa si Ama na naglalakad sa daanang Aming dinaraanan, hindi Ko na kase naabutan pa ang Aking Ama, ngunit ganoon pa man alam Ko na minahal Ako ng Aking Ama gaya ng pagmamahal Niya Kay Ina.

Pagdating Namin sa Aming bukirin, ay agad na Naming sinisimulan ang pamimitas ng mga gulay at prutas ganoon rin naman ay nagtatanim rin Kami ng mga bagong buto upang may kapalit ang mga napitas Naming mga gulay at Prutas.

Cursing Face (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon