PRINCE DELVIS's POV
Hindi pa rin Ako makapaniwalang ang babaeng ito pala ang ninanais Ko nang makita, ang Babaeng naging malapit sa Akin at ang Babaeng una Kong Minahal at nais Ko pang mas lalong mahalin.
At hindi Ko man lamang sinubukang kilalanin Siya at alamin kung may katotohanan nga ba ang Kaniyang mga sinasabi! napakawalang kwenta Kong tao dahil nagawa Kong baliwalain ang Aking kaibigan at taong mahal, nawa'y mapatawad Niya Ako!.
" Paumanhin kung Ikaw ay Aking nabigla sa Aking ginawa! ito lamang ang Aking naiisip na paraan upang makausap Ka ng walang ibang makagagambala! paumanhin kung hindi Kita pinaniwalaan at nasaktan Ko pa ang Iyong damdamin ng Ako ay Iyong makita at kausapin at banggitin ang Aking ngalan na Elvis!, hindi Ko malaman kung papaano Ko pa nagagawang matulog at kumain samantalang iniisip Mo kung ano ba ang nangyayari sa Akin! patawarin Mo Ako Caisah! patawarin Mo Ako! "
Hindi Ko maunawaan kung bakit puno ng lungkot ang Aking tinig habang nagwiwika Ako sa Kaniya marahil siguro'y masaya at nalulungkot lamang rin Ako, kaya ganoon ang Aking tinig.
" Ano po ba ang nangyayari sa Iyo Prinsepe Delvis?! hindi Ko po Kayo maunawaan sa Iyong mga sinambit?! "
Siguro'y kinalimutan at hindi na Niya ito nais pang maalala pa dahil sa Aking mga tinuran sa Kaniya.
" Alam Kong hindi maganda ang naging pakikitungo Ko at nasaktan Kita, at pinagsisihan Ko ng labis ang mga ito! kaya kung maaari ay patawarin Mo Ako sa mga iyon Caisah! hindi Ko iyon sinasadya, kaya kung maaari lamang ay huwag Mo na Akong pahirapan pa at sabik na sabik na Akong makausap Ka at mahagkan narin, sapagka't ang tagal Kitang hindi nakita at nakausap ng ganito at labis Ko itong hinahangad ngayon! "
Napansin Ko sa Kaniyang mukha labis Siyang nalilito at nabigla sa Aking mga sinambit at iniisip kung ano ba dapat ang Kaniyang itugon at maging reaksiyon.
" Ang Iyo bang ibigsabihin ay kilala Mo na kung sino Ako?! at nais mong ito'y Aking aminin at Iyo ring inaamin na Ikaw talaga Si Elvis na Aking kaibigan at labis Mong pinagsisihan ang mga nasabi Mo sa Akin na hindi kaaya aya?! ganoon po ba iyon Mahal na Prinsepe Delvis?! "
" Oo iyon nga ang ibig Kong sabihin!, ngunit nais Ko lamang linawin na hindi lamang Kita basta kilala dahil kilalang kilala na Kita ng sandali pa lamang Tayong nagkakilala at nais Ko ring linawin na hindi na Ako ang kaibigan Mong si Elvis kundi Ako na ngayon Si Prinsepe Delvis na Iyong manunuyo, sapagkat iniibig na Kita simula palang ng Tayo ay nagkakilala at ito ay dahil sa Iyong napakaganda at napakabuting kalooban! at nais Ko itong sambitin ngayon sa Iyong hapapan Caisah! na Mahal Kita! Mahal na Mahal!!! "
" Ngunit sa palagay Ko'y nasasabi Mo lamang iyan dahil sa magandang Caisah ang nasa Iyong harapan ngayon, ngunit kung ang Caisah ang kasumpa ang mukha ay tiyak Akong mahihirapan Kang sambitin ang mga sinasambit Mo ngayon sa Akin! sapagkat ang totoo ay gaya nang iba ay hindi Mo rin nanaisin na Ako ay makasama ng matagal, at aaminin Ko sa Iyo na iniibig Kita sa mga panahon na magkasama Tayo ngunit sa bawat araw ring iyon ay ipinapaalala ng Aking isipan na huwag Kang ibigin sapagkat hindi naman Ako nakatitiyak na maaari Mo rin Akong ibigin at suklian ang Aking pagmamahal. Kaya kung maaari lamang at huwag Mo nang sambitin pa ang mga iyan! at kalimutan Mo na lamang na magkakilala Tayo noon at tawagin Ako sa ngalan Sulca! at paumanhin at mauuna na Ako sa Iyo Mahal na Prinsepe Delvis! "
Alam Ko na labis Siyang nasasaktan kaya mas pipiliin na lamang Niyang umalis at umiyak ng umiyak ng walang nakakakita sa Kaniya, kaya't hindi Ako papayag na umalis Siya at umiyak ng mag-isa.
" Caisah! hindi totoo ang Iyong sinasabi at iniisip dahil kahit na Ikaw man ang Caisah noon at ngayon ay hindi parin magbabago ang Aking pagtingin sa Iyo dahil ang maganda at mabuti Mong kalooban ang Aking Minahal, sana'y huwag Mo namang isiping katulad rin lamang Ako ng iba dahil kung sa simula palamang ay hindi Ko na ginustong tulungan Ka at maging malapit at magkaibigan Tayo, ngunit hindi di ba!?, sapagkat kailanman ay hindi Ako natatakot sa Iyo, bagkus Ako ay masaya dahil nakakilala Ako ng tulad Mo! kaya kung maaari Mo Akong sandalan ar iyakan Caisah! "
Nagulat Ako ng bigla Niya Akong hagkan at umiyak ng sobra.
" Ina!... labis na Akong nanabik sa Iyo!, araw araw iniisip Ko ito, tapos ngayon nandito ang Aking kaibigan sinasabing Mahal Niya Ako! Ina!!! hindi Ko alam kung dapat ba Akong maniwala sa Kaniya at sa mga sinasabi Niya?!, ngunit ang puso Ko'y sinasabing Mahal Niya Akong tunay at hindi Siya nagsisinungaling sa mga sinasabi Niya sa Aking!!! "
"Sige't umiyak Ka lamang sa Aking bisig, at hayaan Mo lamang ilabas Mo ang lahat ng Iyong luha na dulot ng sakit at kalungkutan, naririto lamang Ako at hindi Ka iiwan! "
Labis Akong nasasaktan a mga luhang lumalabas sa Kaniyang mga mata at hindi Ko na ito kaya pang hayaan lamang, kaya naman tinanggal Ko Siya sa pagkakahagkan at iniharap Ko Siya sa Akin at hinawakan Ko ang Kaniyang maamong mukha at dahang dahan Kong inilalapit ang Aking labi at Siya ay hinalikan, at batid Ko rin ang pagtugon Niya rin sa Aking halik na ikinatuwa Ko naman dahil pinapatunayan lamang nito na Mahal rin Niya Ako.
Ilang minuto rin na Kami ay magkalapit ng mga labi ng bigla Siyang kumalas at humarap sa Akin ng may seryosong mukha.
" Nagpapasalamat Ako at Minahal Mo Ako nang tunay at hindi Mo Ako kinakatakutan kahit na kailanman ngunit hindi natin mababago ang katotohanang Ikaw ay isang Prinsepe at maaaring susunod na humalili sa Hari, kaya naman ang mas nararapat sa Iyong pag-ibig at pagmamahal ay isang Prinsesa na katulad Mo'y isa ring maharlika at hindi ang tulad Kong isang hamak na tao lamang! kaya kung maaari lamang ay kalimutan Niyo na po Ako Mahal na Prinsepe! "
Iniwan Niya Akong mag isa pagkatapos Niyang sabihin ang mga iyon na labis Kong ipinagtaka dahil akala Ko'y tinaggap na Niya ang Pagmamahal sa Kaniya at ayus na ang lahat, ngunit hindi pa pala.
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasiaBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍
