Sa Aming paglalakad Ako ay labis na namamangha sa mga magagandang palamuti na Aking nakikita
" Caisah! maaari ba Akong magtanong sa Iyo?! "
" Maaari naman! ano ba Ang Iyong katanungan sa Akin? "
" Bakit balot ng balabal ang Iyong buong katawan at tanging mata Mo lamang ang nakikita? hindi ka ba naiinitan sa Iyong kasuotan?! "
Hindi na Ako magtataka kung bakit ito ang naging katanungan Niya sa Akin
" Dahil sa mayroon Ako sa ngayong impeksiyon sa Aking balat at hindi kaaya ayang pagmasdan kaya paumanhin kung hindi Mo maaaring masilayan ang Aking kabuuang wangis "
" Hindi! ayus lamang ito sa Akin at paumanhin rin kung naging mapangahas Ako na Ika'y tanungin ng ganiyang bagay. Saan Mo nga ba nais unang magtungo upang mamasyal? sabihin Mo't sasamahan Kita roon?! "
" Walang anuman Iyon! Sa tingin Ko sa palikuran sana kung saan naglilinis at naliligo ang mga kamahalan, maaari ba roon?! "
" Hindi Ko lamang batid!, pagka't maaaring may naroon ngayon na kamahalan at kasalukuyan itong naglilinis ng Kaniyang katawan "
" Kung ganoon sa Hardin na lamang siguro, nais Ko rin kaseng makakita ng mga halaman na rito lamang sa palasyo matatagpuan "
" Sige! sasamahan Kita roon "
Si Chensa ay Isang dalaga na masasabi Ko na may Aking ganda ngunit nakakalungkot isipin na Siya ay isinilang na Isang dukha, ngunit kahit ganoon nakatitiyak Ako na maaaring magbago ang Kaniyang buhay dahil sa Kaniyang taglay na ganda
" Caisah?!, bakit tila yata ang lalim ng Iyong iniisip at nakatulala Ka sa Akin o baka naman Ako'y mayroong rumi sa Aking mukha sabihin Mo naman at ng Aking mapunasan? "
Napakaganda naman Niyang pagmasdan habang pinupunasan ang Kaniyang magandang mukha
" Paumanhin kung Ako ay napatulala sa Iyong harapan, sadyang namangha lamang Ako sa Iyong kagandahang taglay "
" Salamat kung ganoon Caisah!, ngunit nakatitiyak Ako na wala lamang ang Aking taglay na ganda kung para sa Iyong ganda dahil sa ang Iyong tinig na nakakahumaling at kaysarap pakinggan kaya nakatitiyak Ako na tunay na kahanga hanga ang Iyong ganda "
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasyBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍