It was a Mess

18 5 0
                                        

Sa loob nang silid ay may kasuotan na mukhang pagmamay ari nang isang lalake at ito rin ay mukhang hindi ordinaryong kasuotan sapagkat nahahawig ito sa kasuotan nang mga Prinsepe sa Palasyo, na mukhang alam Ko kung Kanino, at hindi nga Ako nagkakamali.

" Prinsepe Dong--- "

" A-Anong gi-gi-na-gawa Mo-Mo rito--- "

" Sandali lamang po Mahal na Prinsepe Donghan! maaari lamang po ay huwag Kayong maingay! narito po ang Iyong kasuotan maaari muna po ba Niyong suotin upang hindi po nakikita ang Iyong katawan at upang makapagpaliwanag na rin po Ako, kung bakit Ako naririto sa Iyong silid! "

Iniabot Ko naman ang damit nang Mahal na Prinsepe Donghan habang Ako ay nakatalikod pa rin, sapagkat nakatitiyak Akong tanging saplot lamang nang pang ibaba ang tangi Niyang suot suot sapagkat Sila ay galing sa paliligo sa lawa, ngunit hindi Ko man lamang nalaman at hindi man lang rin Nila Ako namalayan.

Inabot naman agad nang Mahal na Prinsepe Donghan ang Kaniyang kasuotan at nagbihis pagkatapos ay dali daling nagtungo sa pintuan nang silid at ito ay isinara pagkatapos ay muling bumalik sa Kaniyang kinaroroonan.

" Maaari Kanang humarap sa Akin at magpaliwanag Binibining Sulca! mayroon na Akong kasuotan na nakasuot! "

Dahan dahan naman Akong  humarap sa Mahal na Prinsepe Donghan habang nakayuko.

" Patawarin Niyo po Ako Mahal na Prinsepe sa Aking nagawa! hindi Ko po sinasadiyang pumasok rito sa Iyong silid! kinailangan Ko lamang po, talagang magtago sa mga taong patungo rito kaya naman napilitan po Akong pumasok rito at magtago! wala po Akong ibang intensiyon sa Iyo o sa kahit Kanino man po sa mga Mahal na Prinsepe, sadiyang napadpad lamang po Ako rito sa Inyong tinutuluyan at nagandahan lang rin po sa lugar na ito, patawarin Niyo po Akong muli sa Aking nagawa! "

" Nauunawaan Ko! sapagkat namataan Kita Kanina bago Kami maligo at natakot Akong baka anong manyari sa Iyo kapag nakita Ka pa nang ibang Prinsepe kaya naman hinamon Ko Sila nang hamon kung saan ay patagalan Kami sa pagsisid sa tubig kaya marahil ay hindi Mo Kami na mataan, na Iyong ipinagtataka, kaya hindi Mo kailangan pang magpaliwanag at humingi nang kapatawaran sa akin, isa pa'y gumaang rin ang Aking pakiramdam nang napag alaman Ko na naririto Ka sa Aking silid at ito ang Iyong napiling pagtaguan! "

Nagulat Ako sa mga sinabi nang Mahal na Prinsepe Donghan ngunit na tuwa rin Ako sapagkat tinulungan at iniligtas Niya pala Ako, kaya naman naisipan Ko na Siya ay hagkan, na ikinagulat naman Niya, natigil naman ito nang may kumatok sa Kaniyang pintuan at pagkatapos ay nagsalita.

" Prinsepe Donghan!? tapos Ka naba sa Iyong pagbibihis?! halika na't upang Tayo ay makakain na at pagkatapos ay magbalik na rin sa Palasyo siguradong Tayo ay hinahanap naroon?! "

" Tapos na rin! sige at lalabas na rin Ako! "

Pagkatapos ay nagtungo agad Siya sa pintuan at lumabas, samantalang naiwan naman Ako nang mag isa at tahimik lamang habang hinihintay lamang ang Kanilang pag alis at ilang sandali lamang ay narinig Ko ang Kanilang mga tinig at yabag na papalayo mula sa lugar na iyon.

Naghintay pa Ako nang ilang sandali bago Ako tuluyang lumabas sa silid, paglabas Ko ay malinis na ang Kaninang napakaraming pagkain, ibigsabihin ay inubos lahat iyon nang mga Prinsepe?! hindi naman ganito karami ang Kanilang kinakain sa Palasyo ngunit ngayon ay makikita Kong wala na lahat nang pagkain at ang lahat nang ito'y naubos nang mga Prinsepe?!.

Ngunit hindi Ko na lamang iyon inintindi bagkus ay nagmamadali na Akong lumabas nang nabigla Ako sa Aking nakita, ang mga Prinsepe ay pabalik sa Aking kinaroroonan kaya naman ay naisipan Ko sanang bumalik sa loob ngunit baka mahuli rin Nila Ako kaya naman naisipan Ko na lamang na tumuloy sa paglabas at magkunwaring hindi Ko Sila nakita.

Napansin naman Nila Ako at hinarang.

" Binibining Sulca! ano ang Iyong ginagawa rito sa lugar na ito at saan Ka nanggaling?! "

Tiningnan Ko naman Sila at ngumiti nang peke.

" Namamasyal lamang po Ako mga Mahal na Prinsepe at tiningnan Ko lamang po nang saglit ang maliit na tahanan na iyon at sa ngayon ay pabalik na rin po Ako! ano rin po ang Inyong ginagawa rito?! hindi po ba't dapat ay naghahanda na po Kayo sa gaganapin na malakihang pagsasalo mamaya?! "

Nagtataka naman Sila kung bakit ganoon Ako kung magsalita.

" Alam Namin iyon! ngunit may nakalimutan lamang Ako roon sa maliit na tahanan na Iyong tinutukoy at magtutungo na rin Kami roon, kaya't kung ganoon na Ikaw rin ay pabalik nang tulad Namin baka maaari na--- "

" Naku! Mahal na Prinsepe Molaro, nais Ko po sana ito ngunit kailangan Ko na pong mauna sapagkat mayroon pa po Akong gagawin at baka rin po ay makaistorbo pa po Ako sa Inyong paglalakad kaya naman mauuna na po Ako sa Inyo! "

Pagkasabi Ko nito'y agad agad rin Akong naglakad at hindi na pinakinggan pa ang sasabihin Nila at nang makalayo na Ako sa Kanila'y minadali Ko na ang Aking paglalakad at pagkarating Ko sa Palasyo ay dali dali Akong nagtungo sa Aking silid at nahiga sa Aking higaan.

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon