I Saw You Again

19 5 0
                                    

Panibagong na naman at hindi Ko parin maaaring masilayan ang Aking Ina, hindi parin kase tumitila ang Asul na Ulan. At ang balita Ko'y totoo palang napakadelikado nito dahil napakarami na nitong napinsala at halos hirap na ang mga mamamayan ng Liwanag at halos lahat rin Sila'y dumadaing sa Hari, ngunit lingid sa Kanilang kaalaman na mayroong sakit ngayon ang Hari at hindi Nito kayang kumilos nang maayos.

Kaya ang mga Prinsepe at ang Reyna Veroña na muna ang gumagawa ng paraan upang matulungan ang mamamayan ng Liwanag, sa pamamagitan ng pagbibigay sa Kanila ng mga makakain at ilan pang pangangailangan sa pamamagitan ng kawal ng palasyo nagsusuot ito ng sobrang kapal na kasuotan na siguradong hindi basta basta mababasa ng ulan.

Sa ngayon ay naririto Ako sa hapagkainan sapagkat ipinasundo Ako ng Prinsepe Delmir Kay Binibining Onie, upang kumain raw ng kasalo Siya at ang mga kapatid Niya sa Kaniyang Ina at pati na rin ang Kanilang Inang Reyna Veroña.

Sa simula'y hindi Ako sumang-ayon dahil hindi Ako karapat dapat na sumalo sa Kanilang pagkain sapagkat Ako ay nakikituloy lamang at Ako'y tinulungan lamang ng Kaniyang kapatid na Si Prinsepe Mondin at Ni Prinsepe Donghan at sa tingin Ko'y dapat na Aking alamin kung saan Ako nararapat.

Ngunit sinabihan Ako Ni Binibining Onie na tanggapin Ko na lamang raw ang paanyaya ng Prinsepe Delmir dahil madalang lamang raw itong mag-anyaya na sumalo sa Kaniyang pagkain maliban na lamang raw kung nais Niya ang isang tao gaya raw ng Prinsesa Harna noo'y madalas raw na Sila ay magkasalong kumain at kapwa palaging nakangiti ngunit ito'y natigil, simula nang tanggihan na ng Prinsesa Harna ang mga paanyaya ng Prinsepe Delmir sa Kaniya.

Labis itong ikinalungkot at ipinagtaka nang Prinsepe Delmir dahil ang tanging dahilan lamang raw ng Prinsesa ay wala raw Siyang ganang kumain na kasalo ito, ngunit ang totoo nama'y palagi itong kumakain na kasama ang Prinsepe Molaro.

Kaya naman labis na nasaktan ang Prinsepe Delmir at magsimula noo'y mag-isa na lamang Siyang kumakain, ngunit ngayon ay nagbago na ito dahil bigla Niyang tinanggap ang paanyaya nang Kaniyang Ina na Siya ay sumalo raw sa Kanila nang Kaniyang mga kapatid kaya sa huli pumayag na rin Ako, pagdating Namin rito sa hapagkainan ay iniwanan na Ako Ni Binibining Onie, dahil mayroon pa raw Siyang gagawin hintayin Ko na lamang raw ang mga kamahalan at parating na rin daw ang mga ito, tinanguan Ko na lamang Siya at tinanaw hanggang sa Kaniyang paglaho sa Aking paningin.

Maraming pagkain ang nakahain at mukhang napakasarap ng mga ito, may mga prutas rin nakahain na batid na napakasarap dahil ito ay nagmula sa Aming munting bukirin at ito ay ang bunga ng Aming pagtitiyaga at pagpapagal Ni Ina. Kamusta na Kaya Si Ina nalulungkot ba Siya at Ako'y hinahanap?! nakakain rin Kaya Siya ng maayos, nag-aalala at umiiyak rin ba Siya araw araw?! hanggang ganito lamang ang maaari Kong gawin upang maalala Si Ina kahit na Kami ay magkalayo.

Ilang sandali lamang at mayroon na dumating sa hapagkainan at ito ay napakapamilyar ng mukha sa Akin, hinding hindi Ko maaaring makalimutan ang katulad Niya, katulad Niya na Aking kaibigan, Si Elvis! Siya ang nakikita Kong patungo rito sa Aking kinaroroonan at nakatingin rin Siya sa Akin at sa Aking mata napara bang kinakausap Niya Ako.

Dumaretsiyo Siya sa upuan na nasa Aking harapan at nakatingin parin, hindi Ko rin maialis ang Aking tingin sa Kaniya dahil nasasabik Akong makita Siya at makausap amg tagal Ko rin Siyang hindi nakita.

" Binibini?! Binibini?! ayus Ka lang ba?!..."

Pati ang boses Niya ay kinasasabikan Ko! ngunit teka ano ba ang nangyari sa Akin?!.

" A!... paumanhin!.. kung hindi Ko agad narinig ang Iyong katanungan, hindi lamang Ako makapaniwala na Ikaw ay naririto rin sa palasyo! sa bagay ay kaibigan Mo naman pala ang Prinsepe Delmir! kamusta Ka naman na?! anong nangyari sa Iyo, ang tagal din Nating hindi nagkita Elvis?! "

Pagkasabi Ko ng ngalan Niyang Elvis ay bigla Siyang nanlaki ng mata at halatang na gulat rin,  na ipinagtaka Ko naman ng labis dahil ikinagulat Niya ang Kaniyang ngalan samantalang ngalan naman Niya ito at bigla Kong naisip na maaaring hindi Siya sa pangalan Niya nagulat kundi sa Aking itsura dahil na ito tulad ng dati dahil ito ay normal ng tingnan at hindi rin pala Niya ito kilala sapagkat ngayon nga lang Kami nagkitang muli.

" Pa-Paano Mo na-lamang ang-ang ngalan na-na iyan?! "

Nauutal Siya habang tinatanong Ako at nagtataka naman Ako dahil sa ngalan nga Niya Siya nagulat, ano ba ang problema Niya pinalitan na ba Niya ang Kaniyang ngalan o kaya'y hindi naman talaga iyon ang Kaniyang ngalan bagkus ito'y Kaniya lamang ginamit upang itago ang tunay Niyang pagkatao.

"Hindi ba't iyan ang Iyong ngalan at Ikaw ang nagsabi Nito sa Akin ng Tayo ay unang magkita at magkakilala, nung araw na Ako'y umiiyak dahil sa nangyari sa Akin, tinulungan Mo pa nga Ako na gamutin ang Aking sugat at gasgas na natamo, nalimutan Mo na ba ang mga iyon?! "

Lalo Siyang nagulat at hindi makapaniwala sa mga sinasambit Ko at mababakas sa Kaniyang mukha ang pagkalito at pagkatakot.

" Ano ba ang Iyong mga sinasabi!? hindi Ako Si Elvis Ako ang Prinsepe na Si Delvis at ngayon lamang Tayo nagkita! dahil sa Aking pagkakaalam ay dinala Ka lamang rito ng Prinsepe Mondin at Prinsepe Donghan dahil nakita Ka Nila sa daanan na nakahandusay at walang malay habang nababasa ng ulan at inaapoy ng lagnat. Kaya napakaimposible ng mga Iyong sinasabi! at kung maaari lamang ay tigilan Mo ang pagsasabi rito ng mga ganyan lalo pa't Ika'y nasa harapan ng hapagkainan at patirin ang pakikipag-usap Mo sa Akin ng walang paggalang dahil maaari itong gayahin at gawin ng iba na makakarinig sa Iyo! naiintindihan Mo ba Binibini?!! "

Biglang tumigil ang Aking paggalaw at pag-iisip dahil sa Kaniyang mga sinambit, hindi Ako makapaniwalang kakausapin Niya Ako ng ganito at aakalaing nagsisinungaling at gumagawa lamang ng kuwento?! talaga bang nakalimutan na Niya ang mga Iyon?!.

" Paumanhin po mahal na Prinsepe Delvis! hindi Ko po sinasadya na banggitin ang mga bagay na iyon, paumanhin rin po kung napagkamalan Ko po na Kayo ang kaibigan Ko na Si Elvis at patawarin Niyo rin po Ako sa Aking kapahangasan na Ikaw po ay hindi galangin! maasahan Niyo rin po na ito'y hindi namauulit pa! "

Yumuko na lamang Ako matapos Ko itong sambitin dahil pakiramdam Ko'y maluluha Ako at ayaw Ko itong makita pa ng Prinsipe Delvis at baka'y isipin Niya pang Siya pa ang lumabas na may kasalanan sa Aming dalawa at hindi Ko ito nais na mangyari.

Cursing Face (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon