Hindi Ko namalayan na nakatulog pala Ako at ngayon ay malapit na palang gumabi at kanina pa pala Ako tinatawag Ni Chensa upang samahang maligo at pagkatapos ay aayusan Ako.
Kaya dali dali Akong nagpasama sa Kaniya upang maligo at ngayon ay naririto na Ako at inaayusan na rin nang mga inutusan at ipinadala nang Mahal na Prinsesa Delfañia upang Ako ay ayusan, pinadalhan na rin Niya Ako nang Aking maisusuot sa salo salo.
Nang natapos na ang lahat ay pinagmasdan Ko nang mabuti ang Aking itsura at sobrang saya Ko dahil napakaganda nang ginawa Nila at ganoon rin ang Aking kasuotan na ipinadala nang Mahal na Prinsesa Delfañia, nagpasalamat naman Ako sa mga tao na ipinadala nang Mahal na Prinsesa Delfañia bago Sila tuluyang umalis.
Maging Si Chensa ay Akin ring pinasalamatan sapagkat tinulungan Niya Ako at sinamahan, ngunit sinabi Niya sa Akin na hindi raw dapat sa Kaniya Ako magpasalamat kundi Kay Binibining Onie at Mahal na Prinsesa Delfañia kaya naman ay nginitian Ko Siya at hinagkan.
" Nararapat pa rin na Ako ay magpasalamat sa Iyo dahil napakabait at buti Mo sa Akin at sa pagiging kaibigan Mo rin sa Akin, sapagkat na patunayan Ko na tunay na mabuti pala talaga ang Iyong kalooban! "
" Ginagawa Ko lamang po ang ipinag uutos sa Akin, sapagkat ito po ay parte nang pagiging utusan Ko rito sa Palasyo at maraming rin po sa Iyo Binibining Sulca sapagkat itinuring Niyo Akong isang kaibigan Niyo! "
Nginitian at muli Ko na naman Siyang hinagkan, sapagkat labis Akong natutuwa sa Kaniya, pagkatapos ay sinabihan Niya Akong magmadali na, sapagkat maaaring naroroon na ang mga kamahalan at marahil Ako na lamang raw ang hinihintay at maaaring magsimula na rin ito ano mang sandali.
Hindi Ko mapigilang kabahan nang marinig Ko ito Kay Chensa at magdalawang isip na magtungo roon, ngunit ipinaalala muli Ni Chensa sa Akin na kailangan Ko nang magtungo at tiyak na hinihintay Ako nang Mahal na Prinsesa Delfañia at nang iba pang naroroon.
Kaya naman nagtungo na rin Ako at kasama Ko Si Chensa, pagdating Ko sa hapagkainan ay iniwanan na Ako Ni Chensa hindi Ako makapaniwala at namamangha sa Aking nakikita pagkat para Akong nasa ibang lugar sapagkat ibang iba ngayon ang hapagkainan.
Napapaligiran ito nang napakarami at iba't ibang klaseng mga bulaklak at napakaliwanag rin sapagkat napapalibutan ito nang mga ilaw, ang lamesa at upuan ay mayroon ring mga bulaklak na nakakabit at nakadiseniyo, at sa ibabaw nang lamesa ay napakaraming iba't ibang pagkain rin ang nakahain, at maging ang mga Kamahalan ay napakaganda at kaaya ayang pagmasdan sa Kani Kaniyang kasuotan at kapwa nagniningning rin Sila, naglakad naman Ako nang nakangiti habang patungo sa hapagkainan nang Aking mapansin na tumayo mula sa kinauupuan Niya ang Mahal na Prinsepe Delvis at Ako'y sinalubong Niya at inalalayan hanggang sa Aking pag upo.
Nagpasalamat naman Ako sa Kaniya at kasabay na rin nito ang Aking pagbati sa mga Kamahalan na naroroon, tinanguan naman Nila Ako sa Aking pagbati sa Kanila maliban lamang sa Mahal na Reyna Veroña at Mahal na Prinsesa Dellar.
" Napakaganda Mo naman at nang Iyong kasuotan Binibini!. hindi nakapagtatakang mabighani ang halos lahat nang kalalakihan, kahit na pa ang mga Hari! marahil Ikaw ang Binibining Si Sulca na tinulungan nang Aking Anak at nang Prinsepe Donghan?! "
" Ako nga po Mahal na Reyna Damhian! ikinagagalak Ko po Kayong makita at makilala! at maraming salamat na rin po sa Iyong pagpuri sa Akin! at sa Mahal na Prinsesa Delfañia, sa pagpapadala sa Aking kasuotan ngayon sapagakat labis Ko po itong naibigan! masasabi Ko rin naman po na napakaganda at nakbibighani ang Iyo rin pong kagandahan Mahal na Reyna Damhian! "
Napangiti naman ang Mahal na Reyna Damhian, samantalang tinanguan at nginitian naman Ako nang Mahal na Prinsesa Delfañia ngunit Aking napansin nasa pagpuri Ko sa Mahal na Reyna Damhian ay ang bahagyang pagkairita nang Mahal na Reyna Veroña at nang Kaniyang Anak na Si Prinsesa Dellar na para bang sa wari Ko'y nais nang umalis sa Kanilang kinauupuan at kumain na lamang nang mag isa.
Naroroon na ang tatlong pamilya nang Mahal na Haring Rakkus at maging Sina Ginoong Alharo at Mahal na Prinsepe Donghan ngunit mayroon pa Kaming hinihintay bukod sa Mahal na Haring Rakkus, ito ay ang apat na pinuno nang mga kawal nang Palasyo na Siyang nagbabantay sa bahagi nang lupain, Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran.
Ito ay ang Pinunong Huro at ang Kaniyang mga Anak na Sina Perdo, Zarro at Hilno, hinihintay rin Namin Si Binibining Onie at Chensa na balitang kasama nang Binibining dadalo sa hapagkainan, kaya naman nagkukuwentuhan muna ang mga naroroon samantalang Ako'y tahimik lamang habang Sila ay pinagmamasdan.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay dumating na rin ang Binibining Onie at kasama nga Niya Si Chensa, nginitian Ko Si Chensa nang Akin Siyang makita, kaya naman nginitian rin Niya Ako. Naupo sa kanang bahagi nang upuan na malapit sa Mahal na Reyna Veroña ang Binibining Onie at sa kasunod na upuan naman Niya Si Chensa at hindi rin naman nagtagal at dumating na rin ang mga Pinunong kawal at naupo sa bakanteng upuan sa kanang bahagi nang hapagkainan, pagkatapos ay kasunod na ring dumating ang Mahal na Haring Rakkus kasama ang ilang kawal.
Napakaeleganteng pagmasdan nang Mahal an Hari at ang Kaniyang kasuotan, mababakas rito ang Kaniyang kakisigan at ang Kaniyang ring wangis na may kabataan pa.
Napakaginoo rin Niyang pagmasdan sa paraan nang Kaniyang paglalakad at siguradong titingalain Mo Siya kapag makita at makasalubong Mo Siya, sa puntong ito ay labis Akong nagagalak at hindi makapaniwala na naririto Ako at nakita Ko na ang Mahal na Haring Rakkus at makakasalo Ko rin sa hapagkain, isa itong karangalan para sa Akin.
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasiBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍
