CAISAH'S POV
Ang una at ikalawang asawa ng Hari ay masasabi Kong magkasundo ngunit ang ikatlong asawa Niya ay malayo ang loob sa dalawa Siya ay hindi nagpapadaig sa lahat ng bagay pagdating sa dalawa pang asawa ng Hari.
At halos lahat ng mga tao na nasasakupan ng Hari ay hindi nais ang Ikatlong Reyna marahil ito ay may kakaibang pag uugali lalo na sa pisikal na kagandahan Siya ay namumuhi sa mga katulad Ko na mahirap at may hindi kanais nais na itsura.
Masasabi Ko na may Aking ganda ang ikatlong Reyna kaya malamang mayroon Siyang karapatan na Ako ay kutyain, hindi naman kase talaga Ako maganda, sapagkat ang Aking mukha ay tunay na nakakatakot pagmasdan dagdag pa ang kulay Ko na kasing itim nang uling at ang Aking kaliitan masasabi na hindi Ako maihahalin tulad sa mga Binibini rito sa Aming Lupain.
Maraming nagsasabi na Ako raw ay ampon lamang ng Aking Ina sapagkat pinulot lamang raw Niya Ako dahil sa naaawa Siya sa Akin. Kung pagkukumparahin nga naman Kaming dalawa masasabi ko na hindi nga Kami magkamukha sapagkat may angking Ganda rin naman ang Aking Ina, mayroon Siyang makinis na balat na hindi masyadong kaputian, may katangkaran rin Siya at ang Kaniyang mukha ay maamo kahit na Siya ay may katandaan na, siguro ay tunay na pinagpala ang Aking Ama dahil ang Aking Ina ang Kaniyang naging asawa ngunit Ako'y labis na nasasaktan sa tuwing nakikita Ko Siya na naghihirap.
Hindi Ko naman Siya matulungan dahil Ako mismo hindi ko alam kung paano Ko matutulungan ang Aking sarili, palagi na lamang kase Akong pinagtatanggol nang Aking Ina mula sa mga taong may masasamang ugali at madalas Siya ang nasasaktan dahil Siya lahat ang sumasalo para sa Akin. Ganito palagi ang buhay namin Kaya minsan ayaw na nang Aking Ina na Ako ay lumabas pa nang bahay dahil ayaw Niya na mapahawak pa Ako, dahil alam Niya na salot ang tingin ng ibang tao sa Akin.
Ngunit kahit anong gawin Niya ay hindi Niya Ako mapigilan na hindi lumabas ng bahay at tulungan Siyang magtrabaho hindi Ko rin naman nais na maging isang pasanin para sa Kaniya, kaya minsan Ako na lamang ang nagtatrabaho sa Aming munting bukirin upang hindi na Siya masyado pang mag alala sa Akin at upang makaiwas narin Ako sa mga ibang tao na nais manakit sa Akin. Sa ganitong paraan rin Ako nakakapagbigay ng kasiyahan sa Aking Ina at nagkakaroon Ako nang kapanatagan.
![](https://img.wattpad.com/cover/223346099-288-k383720.jpg)
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasyBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍