Protect Caisah

29 5 0
                                        

SULCA's POV

Nakalipas na ang araw na iyon at ngayon na magsisimula ang tungkuling itinalaga sa Akin nang Mahal na Hari! kaya dapat Ko itong pagbutihin, ngunit hindi Ko paring maiwasang isipin kung gaano kanais nang Mahal na Prinsesa Dellar ang Aking pag alis at labis ang galit Niya sa Akin?!.

Naririto na Ako ngayon sa pamilihan sapagkat Ako ang kusang nagrepresinta upang mamili sapagkat nais Ko ring makita ang Aking Ina at upang humingi na rin nang tawad marahil hanggang ngayo'y iniisip pa rin Niya ang Aking mga sinabi sa Kaniya at labis na nagugulumihan rin Siya.

Nakakaramdam rin Ako nang kaba pagkat hindi Ko rin malilimutan ang nangyari rito noon, ngunit kailangan Ko itong balewalain sapagkat kailangan Kong gawin ang Aking tungkulin.

Naglakad na Ako upang hanapin ang lugar kung saan Namin madalas na pinupuntahan ang Binibining Onie sa tuwing dadalhin Namin sa Kaniya ang mga gulay at prutas na Aming pinitas.

Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito napakaingay pa rin nang mga tao at hindi nagsasawang magkuwentuhan nang kung ano anong bagay at mausisa sa mga nasa paligid Nila.

" Magandang Binibini?! ano ang Iyong hinahanap maaari Ka ba Naming matulungan?, pansin kase Naming ngayon Ka lang nagawi rito sa pamilihan, marahil hindi Ka madalas na lumabas at mamasyal?! "

Nakapagtatakang nag aalala Sila sa Akin at kinakausap Nila Ako samantalang noo'y halos patayin na Nila Ako upang lumayo lang Ako sa Kanila at sa lugar na ito, siguro'y dahil sa ang Aking mukha at wangis ay iba na at hindi na tulad noon na kahindik hindik.

" Naku! ayos lamang po Ako, kabisado Ko na rin naman po itong lugar, sapagkat nakapunta na rin po Ako rito marahil hindi Niyo lamang Ako nakikita o namamataan, magtutungo po kase Ako sa lugar kung saan Kami magkikita nang Ginang Nicia kaya naman naririto Ako ngayon "

Kabisadong kabisado Ko ito! sapagkat rito sa lugar na ito ipinaramdam sa Akin na wala Akong puwang sa mundo at kailanman ay hindi dapat at maaari na Ako'y maging masaya.

" Ganoon ba?! marahil hindi Ka nga lamang Namin nakikita o namamataan! ngunit Ano ang Iyong kailangan Kay Ginang Nicia?! sa pagkakatanda Namin ang madalas na makipagkita sa Kaniya ay ang Binibining Onie lamang upang bilhin ang mga prutas at gulay na pinitas Nila nang Kaniyang Salmaw na Anak!? "

Hindi Ako makapaniwalang maririnig Ko muli ang salitang iyan, samantalang iba na ang Aking wangis, siguro'y kahit na wala na Ako'y patuloy pa rin Sila sa pag aalipusta sa Akin.

" Bakit naman Ninyo tinatawag na Salmaw ang Anak nang Ginang Nicia?! mayroon bang maling ginawa ang Anak Niya para saktan Ninyo Siya nang ganoon?!, para ipamukhang hindi Siya maaaring makihalubilo sa iba at sa Inyo!? hindi ba't tao rin Siya?, may damdamin rin Siya at mas lalong nasasaktan rin Siya! naiiba man Siya kung maituturing! may karapatan pa rin Siyang maging masaya at maging malaya gaya Ninyo! "

Hindi Ko na napigilan pa ang mga luhang nais nang lumabas sa Aking mga mata dulot nang saya, sapagkat sa wakas ay naipagtanggol Ko na rin Si Caisah, ang Aking sarili sa mga panahong hinayaan Ko lamang Silang hamakin ang tulad Ko at saktan ang Aking damdamin, maging ang damdamin nang pinakamahalagang tao sa Aking buhay ang Aking Ina.

" Binibini?! bakit Mo ba tinatangisan ang babaeng iyon? wala nga ba Siyang ginawa sa Amin!? mukhang nagkakamali Ka yata may mali Siyanv ginawa at iyon ang pagiging isang Salmaw at hindi Namin Siya maituturing na tao kahit pa may damdamin at nasasaktan Siya! kaya naman Binibini! huwag Mo na Siyang tangisan pa, sapagkat hindi Mo dapat sinasayang ang Iyong luha lalo na sa tulad Niyang isang Salmaw! "

" Napakalupit naman Ninyo! at masasabi Kong mga wala talaga Kayong puso! pero ayos lamang sapagkat alam Kong naging masaya na rin ngayon sa wakas Si Caisah kahit na pa may nagbago! "

Labis Akong nagagalak, sapagkat na protektahan Ko na rin sa wakas ang Aking sarili nang buong lakas at tapang na hindi Ko ito pinagsisisihan kahit pa isipin Nilang nasisiraan Ako nang bait, ang mahalaga makakangiti na Ako nang sobra.

Tinuyo Ko na ang Aking luha sa mukha at nagtungo na Ako sa kinaroroonan nang Aking Ina at naroon na nga Siya, nagulat Siya nang makita Ako at napansing galing Ako sa pag iyak, nilapitan Ko naman Siya, kinamusta at humingi nang paumanhin sa Aking nagawa noon sa Kaniya at sinabing hindi na ito mauulit pa.

" Ano nga pala ang Iyong ginagawa rito? mayroon Ka bang hinahanap o hinihintay? "

Alam Kong hindi Niya alam kung ano ba ang dapat na sabihin sa Akin kaya tinanong na lamang Niya Ako.

" Wala po Akong hinahanap o hinihintay! nandito po Ako para kunin iyang mga dala Niyo pong prutas at gulay, Ako po kase ang nagrepresinta at upang makahingi na rin po Ako nang tawad sa Iyo "

" Kung ganoon sa Palasyo Ka pala nagtatrabaho? "

" Ganoon nga po! doon na rin po Ako nakatira sapagkat wala na po Akong mauuwian "

Tumango naman ang Aking Ina at kasabay nito ang pag abot nang Kaniyang mga dala, kinuha Ko naman ito at iniabot rin ang kabayaran para sa mga iyon.

Pagkatapos ay nagpaalam na rin Ako, sapagkat hindi Ko na nais pang magtagal sapagkat lalo lamang Akong masasaktan pagnagtagal Ko pa Siyang makasama, nang paalis na Ako ay pinigilan Niya Ako.

" Ano ang dahilan nang Iyong pagluha at ano nga pala ang Iyong ngalan? "

Nginitian Ko naman Siya at sumagot.

" Ako po Si Sulca at tungkol naman po sa Aking pagluha wala lamang po ito sadiyang masaya lamang Ako sapagkat may nagawa po Ako para Kay Caisah, na alam Kong labis na ikinatutuwa Ni Caisah na Iyong Anak! "

Pagkatapos noo'y tuluyan na Akong umalis at iniwanan nag mag isa Si Ina at bumalik na nang Palasyo.

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon