Connected with the Rain ( Continuation )

18 5 0
                                    

Natakot Ako sa Kaniyang mga sinasabi at maging sa Kaniyang tono nang pananalita, ngunit nakaramdam rin Ako nang saya sa mga iyon marahil mayroon nang kahit isang nakaaalam nang Aking tunay na pagkatao o pakiramdam Ko'y maaari Niya Akong matulungan na ipaliwanag ang kakaibang nangyari sa Akin.

" Sa tingin Ko nga'y hindi Ko Kayo maaaring lokohin o linlangin pa!? kaya naman Kayo na po ang bahalang magsalita ngayon! dahil sa tingin Ko'y mayroon Akong malalaman na napakaimportanteng bagay mula sa Iyo! "

" Tama ang Iyong tinuran may malalaman Ka nga! kaya nqais Ko na pakinggan Mo ang lahat nang ito nang mabuti, kaya hqlika't maupo Tayo roon upqng mas maging komportable Kang makinig sa Akin! "

Inanyayahan Niya Ako sa may dakong upuan at Kami ay naupo.

" Napakagandang ngang tunay ang kinalabasan nang Iyong pagbabagong anyo sapagkat tama lamang ang Iyong kulay nang at ito ay napakagandang tingnan at marahil ay ito ang nakamtan Mo mula sa Asul na Ulan ngunit hindi lamang ito dahil may sumpa rin itong kasama at hindi ito basta bastang mawawala hanggat Ikaw ag nabubuhay at humihinga pa! "

Hindi Ko lubos maunawaan ang Kaniyang winika at naguguluhan rin Ako, ano bang pagbabagong anyo at kasamang sumpa?! pakiramdam Ko'y para Akong nasa isang napamaimposibleng pangyayari at hindi ito maunawaan nang Aking isip.

" Hindi Ko po ito lubos maunawaan!, ang pagbabago na Iyong tinutukoy ay ang nangyaring ito sa Akin?! ngunit ano naman po ang sumpa at hindi ito basta bastang mawawala hanggat Ako'y nabubuhay pa at humihinga?! "

" Ang Asul na Ulan na dumating rito sa Ating Lupain ay isang salaot na maituturing dahil sa may dala itong pagbabago at sumpa, at dahil sa Iyo napunta ang pagbabagong dulot nang Ulan ay sa Iyo rin napunta ang sumpang kasama nito, hindi ito mawawala hanggat sa Ikaw ay nabubuhag at himihinga pa! "

Ibigsabihin Ako ngayo'y nakapaloob sa sumpa nang Asul na Ulan at mawawala lamang ito kung Ako'y mamamatay?! at hindi lamang basta himala ang nangyari sa Aking itsura, ang imposible palang bagay ay maaaring maging imposible kung paniniwalaan Mo lamang ito.

" Kung ganoon po! ano po ang posibleng mangyari sa Akin at sa mga taong nakapaligid sa Akin? dapat po ba na lumayo o layuan Ko na lamang Sila, upang hindi na Sila pa maapektuhan nang sumpang nasa Akin?! "

" Mabuti't naitanong Mo iyan! walang mangyayari sa Iyong masama bagkus Ikaw ay pinagpapala pa dahil halos lahat nang tao ay kagigiliwan Ka, samantalang ang mga tao na nasa Iyong paligid ang magtatamasa nang Iyong sumpa dahil Sila ay mag aaway away at magkakagalit sa isa't isa dahil sa Iyo at sa itsura Mong iyan na tinataglay! at ito ay nag uumpisa na rito sa Palasyo "

Naging seryoso Akong bigla at mas naging interesado Akong malaman pa ang ibang bagay patungkol sa Akin at sa Asul na Ulan.

" Kung tunay nga po iyan! ay dapat na po Akong umalis at lumayo sa mga tao rito at sa mismong lugar na ito upang hindi na mas lalo pang maapektuhan Sila nang sumpa, ngunit papaano Ko po ito magagawa?, kung hindi naman po Ako maaari pang umalis, sapagkat hindi pa rin tumitila ang Asul na Ulan hanggang sa ngayon. Ngunit kung mas magtatagal pa Ako rito ay baka mas lalo pang mag away away at magkagalit ang mga taong naririto at hindi ito dapat na mangyari pa! hindi Ko po nanaisin na Ako ang maging dahilan pa nang mga kaguluhan rito sa palasyo, sabihin Niyo po ang Aking nararapat na gawin, Ginoong Alharo?! "

Tumayo naman bigla ang Ginoong Alharo at may kinuhang maliit na aklat at pagkatapos ay nagbalik rin sa Kaniyang kinauupuan at tinititigan ang aklat.

" Sa ngayon ay wala Ka munang dapat na gawin, bagkus ipagpatuloy Mo na lamang ang Iyong pagkukunwari upang masigurado Mong hindi Ka Nila pagkakamalang may sira sa pag iisip at subukan Mo ring umiwas sa mga tao rito sa palasyo lalo na sa mga Mahal na Prinsepe, kung nais Mo nga talagang mailayo Sila sa sumpa. Heto ang Aklat na naglalaman nang mga kaalaman patungkol sa Asul na Ulan, kunin Mo ito upang maging karagdagan Mong gabay at kung maaari lamang ay ipangako Mong sa oras na tumila na ang Asul na Ulan ay agad Mong lilisanin ang Palasyo at kalilimutan Mong Tayo ay nagkita at nagkausap, maliwanag ba iyon! Sulca?! "

Tinanggap Ko naman ang Aklat at tumango rin bilang pagsang ayon sa Kaniyang mga tinuran sa Akin.

" Kung ganoon ay nagkakaintindihan naman pala Tayo!, maaari Kanang bumalik sa Iyong silid, ngunit paalala lamang siguraduhin Mong walang ibang makaaalam nang Ating pinag usapan at ang tungkol sa Aklat na iyan, itagao Mo iyan nang mabuti at isauli sa Akin kapag Ikaw ay aalis na rito sa Palasyo, malinaw ba iyon?! magandang umaga nga pala sa Iyo Sulca! "

" Maraming salamat po Ginoong Alharo! makakaasa po Kayo na mananatili lamang po itong lihim sa pagitan Nating dalawa at iingatqn Ko rin po ang Aklat na ito at isasauli sa Inyo sa tamang panahon, magandang umaga rin po Ginoong Alharo! at Ako po ay mauuna na rin po at baka po'y may nagtungo na sa Aking silid at Ako'y hinahanap "

Ngumiti naman ang Ginoong Alharo sa Akin at tumayo sa Kaniyang upuan at inalalayan Akong makatayo at inihatid sa may labas nang silid aklatan.

Pagbukas nang pintuan ay bumungad sa Amin ang mukha nang Prinsepe Delvis, binati Ko siya at maging Ni Ginoong Alharo at pagkatapos ay pinaalis na Ako Ni Ginoong Alharo.

Cursing Face (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon