The King's Wedding Plan

26 4 0
                                        

QUEEN VEROÑA's POV

" Bakit ba agad Siyang nagpapadalos dalos sa pagdedesisyon?! hinahangad lamang naman nang mga mamamayan ang bagay na iyon! bakit naman Niya pinakinggan at sinunod iyon nang hindi man lamang ipinaaalam sa kahit Sino man sa Amin bago sana Siya gumawa nang Kaniyang hakbang at pasiya ukol rito?! hindi ba Niya iniisip ang papalitan bilang kasalukuyang Reyna!? at maging ang mga Anak Niya!? "

" Mahal na Reyna!? naririto na po ang Iyong mga Anak na Prinsesa at Prinsepe! "

Mainam kung ganoon, sapagkat nais Ko na Silang makausap ukol rito.

" Sige't maraming salamat! at dalhan Mo Kami rito nang maiinom! "

Mukhang nagtataka Sila kung bakit Ko Silang lahat ipinatawag nang biglaan pagkat halata iyon sa Kanilang mga mukha.

" Naririto na pala Kayo?! hali Kayo't maupo at nagpahanda Ako nang maiinom para sa Inyo! sapagkat may mahalaga Akong sasabihin sa Inyo, kaya naman ay pakinggan at unawain Ninyo na rin! "

Naupo naman Sila ngunit ganoon pa rin ang mga mukha at walang pinagbago.

" Mahal na Ina! ano po ba ang dahilan at ipinatawag Niyo Kaming apat?! ano po ba itong Iyong sasabihin at kailangan pa na Kaming lahat ay naririto at kailangan na pakinggan at unawain pa Namin ang mga ito!? importante po ba ito at ganoon na lamang Niyo kagustong sabihin at ibahagi sa Amin?! "

Kahit kailan talaga ay napakamainiping tao nang Prinsesa Dellar at napakasungit rin halatang Anak Ko nga talaga Siya!.

" Iyan ba ang magandang pagbati Mo sa Iyong Ina?! sana nama'y binigyan Mo man lamang Ako nang isang matamis na ngiti mula sa Iyong magandang mukha, dahil sa Iyong iniaasal dinarag dagan Mo pa ang nagpapainit sa Aking ulo ngayon--- "

" Kung maaari lamang Ina!, sabihin Mo na ito ngayon pagkat may Kaniya Kaniya pa Kaming importanteng ginagawa at gagawin, hindi naman po Namin ito maaaring ipagsalawang bahala at pabayaan pagkat Kami ay mga Anak nang Mahal na Hari at obligasyon Namin itong gawin at gampanan, kaya kung maaari lamang Ina ay huwag na po Niyong patagalin pa po ito! "

Hindi na nga talaga malapit ang kalooban nang Aking mga Anak sa Akin at hindi Ko labis na maunawaan ito, ngunit hindi naman maaari na lapastanganin na lamang Nila Ako at hindi na galangin! hindi Ko ito matatanggap!!! lalo't Ako ang Kanilang Ina at Ako rin ang kasalukuyang asawa nang Mahal na Hari na Kanilang Ama!.

" Mukha yatang nagiging matabas na ang Inyong mga dila?! at mukha ring wala na Kayong ganang makita at makausap Ako?! ganoon na Ninyo ba Ako kinasusuklaman bilang Inyong Ina!!?, kung ganoon ipinatawag Ko Kayo rito sapagkat napag alaman Kong binabalak raw nang Mahal na Hari na mag asawang muli, sapagkat ito ang hiniling nang mga mamamayan nang Liwanag at mukhang pabor ang Mahal na Hari rito!, sa katunayan ay inatasan at binasbasan na Niya ang mga taong kumakatawan sa mamamayan nang Liwanag at balita Ko ri'y nag uumpisa na Sila sa paghahanap nang bagong mapapangasawa nang Mahal na Hari! "

Labis na nagulat ang Prinsesa Dellar sa pagkarinig sa Aking sinabi ngunit ang mga kapatid Niya ay wala man lamang reaksiyon, hindi Ko maiwasan na mainis sa Kanila! hindi man lamang Sila nangangamba na mapapalitan na ang posisyon nang Kanilang Ina!? ganoon na ba talaga Ako Ka walang halaga sa Kanila?!!.

" May katunayan ba ang Iyong mga sinambit Ina?! kung ganoon pala'y mahalaga nga ito! sapagkat patungkol rin ito sa Iyo Ina! at sa Iyong posisyon bilang kasalukuyang Reyna at hindi maaari na basta Ka na lamang palitan nang Mahal na Hari at nang buong mamamayan nang Liwanag! hindi Namin ito mapapayagan Ina! kaya naman tutulungan Ka Namin nang Aking mga kapatid upang hindi matuloy ang binabalak nang Amang Hari at nang mga mamamayan nang Liwanag! "

" Ngunit sandali lamang!,mukhang hindi Ako sang ayon riyan sa Iyong binabalak Aming kapatid na Dellar!, sa katunayan wala naman Akong nakikitang mali sa gagawin nang Ating Amang Hari at sa tingin Ko rin naman ay gagawin Niya ito alang alang sa kapakanan nang Ating kaharian at nang buong Lupain, kaya naman Ina wala Kang dapat na ikabahala, sapagkat hindi Ka naman matatanggal bilang Reyna at mananatili pa rin naman ang Iyong posisyon, ngunit hindi na biglang kasalukuyang Reyna kundi biglang ikatlong asawa na lamang nang Hari! "

Hindi Ko maiwasang mag init ang Aking ulo dahil sa tinuran nang Prinsepe Delmir! sapagkat ipinamumukha talaga Niya sa Akin na Ako'y wala nang karapatan pa sa pagiging kasalukuyang Reyna! napakawalang puso Niyang Anak!!.

" Ano ba ang Iyong mga sinasabi Kuya Delmir?! hindi Mo ba naiisip na masasaktan ang Ating Ina! wala Ka bang pakialam sa nararamdaman Niya!? hindi ba't Atin Siyang Ina! "

" Pagpaumanhin Niyo po Ina! ang mga nasabi nang Aming kapatid na Delmir!, ngunit kung iisipin mayroon naman po itong katuwiran at sinasang ayunan Ko po ito! patawarin Niyo rin po Ako kung hindi Ko po Kayo maaaring tulungan! "

" Pati Ikaw!? Delvis!, ano ba ang nangyayari sa Inyo Ina Natin Siya!? nauunawaan Niyo ba ito?! kaya namn ano--- "

" Tama na! mabuti pa't umalis na lamang Kayo at iwan Ninyo na lamang Akong mag isa! sapagkat hindi Ko kailangan ang mga Anak na tulad Ninyo, na walang Kwenta!!! kaya naman umalis na Kayo! ngayon na!!! "

Mas nanaisin Ko pa ang mag isa na lamang kaysa asahan Ko ang mga tulad Nila na wala naman talagang pakialam sa Akin! at tingin sa Akin ay masama at makasariling tao.

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon