The Moment

19 5 0
                                        

CAISAH's POV

Kahit anong gawin Ko hindi Ako makatulog, marahil hindi Ako sana'y na hindi Ko kasama at katabing matulog Si Ina at pati na rin ang higaan na ito, hindi rin Ako kumportable, kahit gusto Ko na namang makita na ang Aking Ina ay hindi pa maaari dahil sa hindi pa tumitigil ang pagbuhos ng Asul na Ulan, na ayon Kay Binibining Onie ay delikadong bagay.

Isa rin sa gumugulo sa Akin ay ang mga sinabi Ni Binibining Onie tungkol sa Asul na Ulan at sa hindi Nila maipaliwanag na pangyayari na nangyari sa Akin dahil sa hindi Ako namatay kahit na nabasa Ako nang Asul na Ulan at maging qng Prinsepe Mondin at Prinsepe Donghan na napag alaman Kong, ang mga tumulong pala sa Akin at ang dahilan kung bakit Ako naririto ngayon sa Palasyo.

Ngunit sinubukan Ko na munang huwag itong isipin at bagkus ay magpasalamat na lamang sa Mahabaging Maykapal dahil sa Kaniyang ginawa sa Akin. Binigyan Niya Ako nang panibagong buhay na dapat Kong ingatan at pahalagahan mula ngayon, kaya't gagawin Ko ang lahat upang magawa ito.

Dahil sa gising na gising ang Aking diwa at dahil sa hindi rin Ako makatulog ay naisipan Kong lumabas muna nang silid at maglakad lakad.

Paglabas Ko'y bumungad sa Akin ang mga naggagandahang mga pinta na nakasabit sa mga haligi at kapansin pansin ang katahimikan sa paligid dahil ang silid Ko lamang ang naroroon, sa may dulong bahagi ay mayroong balkonahe na mayroong mga upuan na kahoy at maliit na lamesang sa kahoy rin gawa na may nakapatong sa ibabaw na paso na may lamang magaganda at iba't ibang uri ng mga bulaklak.

Gusto Ko pa sanang pagmasdan ang mga bulaklak sa paso ngunit, bukas Ko na lamang ito gagawin, kaya naisipan Ko na maglalakad lakad na, sa Aking paglalakad ay naaaliw Ako pagka't iba't ibang diseniyo ng pintuan ng kuwarto at balkonahe ang Aking nakikita ganoon rin naman ang mga pinta na nakasabit sa mga haligi na nakamamangha.

Sa paglalakad Ko ay nakarating Ako sa isang balkonahe na puno nang mga iba't ibang uri nang bulaklak at naisip Ko na maaaring ito ay isa sa mga Prinsesa na naririto, ngunit ang pintuan nang silid na naririto ay napakasimple lamang nang diseniyo at hindi Mo aakalaing isang maharlika ang nagmamay ari rito.

Dahil sa ito ay maaaring isa sa Prinsesa ay naisipan Kong iwanan na lamang at huwag nang tingnan pa nang mabuti, ngunit nang Ako'y magbabalik na sa Aking silid upang magpahinga na, ay Siya namang pagkaramdam Ko nang gutom, kaya naman ay naisipan Ko na bumaba sa ibabang bahagi ng palasyo upang hanapin ang lugar kung saan Ako maaaring makakuha nang makakain.

Nagmadali Ako sa pagbaba at paghahanap ng lugar na iyon, ngunit naalala Ko palang nasa bandang likurang bahagi iyon ng Palasyo kaya naman nagtungo Ako sa dulong bahagi ng Palasyo upang tumingin kung may daan na maaari Kong daanan roon.

At nang Ako'y nasa dulong bagagi na ay walang ibang daan Akong nakita kundi isang pintuan lamang, binuksan Ko ito upang malaman ang naroroon, sa pagbukas nang pintuan bumungad sa Akin ang napakaraming ilaw at isang lamesa na sadiyang napakalaki at napakahaba na mayroon ring mga upuan na kahoy sa paligid sa ibabaw naman nito ay may mga iba't ibang mga bulaklak ang nakalagay sa mga naggagandahang paso, Akin ring napansin na may mga pagkain at inumin ang nakahain, dahilan na tumunog ang Aking tiyan at naghudiyat sa Akin na maupo sa upuan at kumain.

Nag umpisa Akong kumain at sarap na sarap Ako dahil labis na kaysarap nang mga pagkain na nakahain, sinubukan Ko ang lahat ng mga iyon at lahat ay nais Ko at walang maaaring sayangin, ngunit bigla Akong napatigil nang mapansin Kong may tao sa Aking harapan at pinapanood Ako habang kumakain.

" Ano't Ika'y natigilan sa Iyong pagkain?! sige at ituloy Mo lamang! paumanhin kung naabala Kita! "

Nilingon Ko naman ang nagsalita at bumungad sa Akin ang mukha ng Prinsepe na pinag iwanan Ko nang Aking tula na sa pagkaka alam Ko'y Si Prinsepe Delmir.

" Sa Iyo po ba ang mga pagkain na ito Mahal na Prinsepe Delmir?! Paumanhin po kung Aking kinain nang walang pahintulot Niyo! hindi Ko naman po sinasadiya na ito ay galawin, ang akala Ko po'y walang nagmamay ari kaya't Akin pong kinain dahil sa nakaramdam po Ako nang gutom! patawarin Niyo po Ako sa kapangahasan na Aking ginawa! "

Naupo naman ang Prinsepe sa upuan na nasa Aking harapan at nginitian Ako.

" Hindi Mo kailangan pa na humingi nang paumanhin sa Akin! napakarami naman nang pagkain ng iyan at sa tingin Ko'y hindi Mo naman iyan mauubos kahit na pa Ikaw ay nagugutom, kaya ituloy Mo na ang Iyong pagkain at sasabayan na lamang Kita! "

" Kung ganoon po?!, ay maraming salamat po at paumanhin pong muli sa Aking ginawa at maaari niyo po Akong sabayang kumain sapagkat aa Iyo naman po pala ang lahat nang mga ito Mahal na Prinsepe Delmir! "

Kumain nga Kami nang magkasabay Ni Prinsepe Delmir, ngunit hindi naman Kami parehas na umiimik at tanging sa pagkain lamang nakatuon at hindi Ko ito nais dahil sa tuwing kumakain Kami Ni Ina nang magkasabay ay palagi Kaming nagkukuwentuhan dahil sabi Niya sa Akin na masarap raw ang kumain na nagkukuwentuhan dahil mas sumasarap raw ang pagkain ang pagkain, nalungkot na naman Ako dahil sa naaalala Ko na naman Si Ina.

" Binibini! ayos Ka lang ba?! huwag Kang mag alala hindi Ako magagalit sa Iyo, kaya kung maaari ay ituloy Mo na ang Iyong pagkain at huwag Mo nang isipin pa iyon!? "

Tiningnan Ko naman Siya at tumango.

" Paumanhin po Mahal na Prinsepe Delmir!, ngunit naalala Ko lamang ang Aking Ina! ngunit ayus lang naman po Ako, sige po at ituloy na po Niyo ang pagkain "

" Kung ganoo'y sige! ngunit maaari bang Prinsepe Delmir na lamang ang itawag Mo sa Akin? masyado kaseng pormal pakinggan ang Mahal na Prinsepe Delmir, maaari ba iyon?! "

" Maaari naman po kung iyon ang iyong nais! "

At dahil doo'y nag umpisa na ang Aming pag uusap at pagkukuwentuhan at napakasayahing tao pala nang Prinsepe Delmir, Siya lahat halos ang nagkukuwento dahil kapag Ako ay nagiging malungkot lamang Ako. Halos nga naikuwento na nang Prinsepe Delmir ang buong buhay Niya at nang mga nakatira sa Palasyo kasama Niya.

Hanggang sa matapos na rin Kami sa Aming pagkain ay wala pa rin Siyang tigil sa pagkukuwento, hanggang sa makaakyat na rin Kami sa itaas at makarating sa balkonahe na nakita at nadaanan Ko kanina, at nalaman Kong sa Kaniya pala ito dahil mahilig pala Siya sa mga halaman lalo na sa bulaklak, kaya pala pinuno Niya ang Kaniyang balkonahe nang mga ito.

" Nais Mo muna bang manatili sa Aking balkonahe o magtungo na sa Iyong silid at magpahinga na?! "

Napaisip naman Ako, kaya lamang ay nakaramdam na Ako nang pagkaantok kaya naman sinabi Ko Kay Prinsepe Delmi na Ako'y nakararamdam na nang antok at Ako'y magtutungo na sa Aking silid, ngunit inalok Niya Ako na samahan Ako sa Aking silid hanggang sa Ako'y makatulog, dahil nag aalala Siya na baka Ako raw ay hindi sana'y nang mag isa.

Hindi Ko na lamang Siya pinigilan at pinabayaan Ko na lamang Siya, nang nasa may harap na Kami nang Aking silid ay pinatuloy Ko Siya sa loob.

" Sigurado po ba Kayong Ako'y Iyong babantayan hanggang makatulog?! alam Niyo po Prinsepe Delmir hindi Niyo na po ito dapat pang gawin dahil mas kailangan Niyo na pong matulog kaysa sa Akin at hindi naman po Ako isang mahalagang tao para Iyo pa pong bantayan, kaya maaari na po Kayong bumalik an at magpahinga sa Iyong silid, ayos lang naman po Ako kahit na mag isa po Ako tiyak na makakatulog naman po Ako, kaya huwag na po Kayong mag alala pa sa Akin! "

" Ibigsabihin Nito'y tinatanggihan Mo Ako at ang Aking kusang loob na alok sa Iyo?! sa tingin Mo ba'y may masama Akong binabalak sa Iyo o tingin Mo ba ay hindi Ko kayang tuparin ito?! "

Nahiya Akong bigla nang marinig Ko ang mga sinabi Ni Prinsepe Delmir at tiyak Kong seryoso Siya sa mga ito.

" Hindi po sa ganoon!, ngunit inaalala Ko lamang naman po ang Iyong kapakanan, ngunit hindi Ko naman po Kayo tinututulan sa Iyong nais bagkus natutuwa nga rin po Ako dahil sa babantayan Niyo po Ako hanggang sa Ako'y makatulog at labis Ko po itong ipinagpapasalamat sa Iyo! "

" Kung ganoon!... hayaan Mo na bantayan na Kita at Ikaw ay magpahinga na nang makapagpahinga na rin Ako upang hindi Mo na Ako alalahanin pa! "

Nginitian Ko naman Siya at nahiga nasa Aking higaan, ngunit nagpaalam muna Ako sa Prinsepe Delmir bago tuluyang nahiga at ipinikit ang Aking mata. Ilang sandali rin at Ako'y tuluyan nang nakaramdam nang antok na Kanina'y hindi Ko maramdaman dahil sa wala Akong kasama, ngunit ngayon na mayroon na ay masasabi Kong maaari na Akong matulog nang malalim at mahimbing at nakatulog na nga Ako nang lubusan.

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon