Wrong Attempt

29 5 0
                                    

CAISAH'S POV

" Caisah Anak!... mauna na Ako! kapag Ika'y natapos nariyan, umuwi Ka na rin sa Ating tahanan, upang Ikaw ay makapagpahinga na. Sandali lamang naman Ako sa pamilihan pagkatapos ay uuwi narin Ako agad! "

" Sige po Ina! mag ingat Ka po sa Iyong paglalakad, Ako na lamang po siguro ang magluluto ng Ating pananghalian, para hindi Niyo na po ito isipin pa "

" Sige! kung Iyon ang gusto Mo! "

Ngumiti Si Ina sa Akin bago ito umalis, tinanaw Ko naman Siya bago Ako bumalik sa Aking ginagawa.

Masaya Ako sa ginagawa Ko, pero hindi Ko parin maiwasan na hindi naisin na muling makita ang mga bagay noon na nakikita Ko, pero desisyon Ko ito at dapat Ko itong sundin at gawin, mabuti pa siguro ay tapusin Ko lamang ito at umuwi na nang tahanan Namin upang hindi na Ako malungkot pa.

" Sa wakas! natapos narin Ako, ano kaya ang maaari Kong ilutong pagkain para Kay Ina?!, siguro'y pag iisipan Ko na lamang iyon kapag Ako'y nasa tahanan na Namin "

Inayos Ko na ang mga kagamitan Namin at nag umpisa nang maglakad, nakalilibang talagang pagmasdan ang mga halaman tila nadadala Ka nito sa kumpas ng Kanilang mga dahon, ngunit tila may hatid rin itong pangamba marahil ay hindi pa muli itong nakararamdam ng kaginhawaan dulot mula sa tubig ng ulan. Buti pa sila'y malayang nagagawa ang Kanilang nais kasama ang Kanilang kauri na hindi man Lang kailangan na matakot o mag alinlangan.

Kung muli kaya Akong magtungo sa pamilihan kahit saglit lamang?! upang maibsan ang Aking pananabik at kalungkutan, hindi naman siguro Ako mapapahamak kung sasaglit lamang Ako at hindi magtatagal. Siguro'y hindi na lamang Ako magpapakita sa mga tao roon upang walang maging problema tsaka hindi naman talaga Ako maaaring magtagal dahil baka hanapin Ako ng Aking Ina at isa pa Ako'y nagsabi sa Kaniya na Ako ang maghahanda ng Aming makakain para mamaya.

Bibilisan Ko na lamang ang Aking paglalakad upang makarating Ako agad sa pamilihan. At ilang sandali lamang ay nakakarinig na Ako ng mga maiingay na mga tao galing sa pamilihan, muling sumigla ang Aking buong pagkatao marahil narinig Kong muli ang mga iba't ibang tinig na dati Kong naririnig tuwing nagtutungo Ako rito kasama Ni Ina.

" Kailangan Kong mag ingat, hindi Nila dapat Ako makita, dahil siguradong sasaktan na naman Nila Ako at ayokong mangyari itong muli sa Akin, pero saan kaya Ako maaring magtago upang hindi Nila Ako makita?! "

Masiyadong maraming tao, mukhang mahihirapan yata Akong magtago?, siguro hindi na dapat Ako pumunta pa rito, mainam pa siguro kung umuwi na lamang Ako dahil baka nakauwi na Si Ina at hinahanap Ako. Ngunit bakit bigla yatang tumahimik ang buong paligid, ano kayang nangyari?

" Sandali lamang! saan Ka magtutungo?! "

Nagulat at nabigla Ako ng marinig Ko ang isang tinig mula sa Aking likuran. Hindi Ko Siya nakilala dahil sa nakatalikod Ako, dahil nga sa naisipan Ko na lamang na bumalik na lamang sa Aming tahanan, hindi Ko alam ang Aking mararamdaman dahil sa nangyayari sa Akin ngayon.

" Hindi Ka yata makasagot!?, Caisah! hindi pala Salmaw!, kamusta Kana ba?! ang tagal Ka Naming hindi nakikita, ang akala nami'y patay Kana, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin pala! "

Nabigla Ako sa mga kamay na biglang humawak nang mahigpit sa Akin at iniharap Ako, nakita Ko ang halos lahat nang mukha nang mga tao na nasa pamilihan na Iyon Sila'y nanlilisik ang mga mata at gusto Akong saktan. Biglang bumalik lahat sa Akin ang mga ala ala nang mga panahong sinaktan at nasasaktan Ako na unti unting dumudurog sa Aking buong puso.

" Ayus na sana ang lahat! ngunit muli kana namang nagbalik at nagpakita rito!!! ano ba ang binabalak Mo?! bakit ayaw Mo pang umalis sa mga buhay Namin gayong napakaayos na nito simula nang Ikaw ay hindi na Namin pa nakikita!!!, ano sabihin Mo Salmaw?!!? "

Hindi Ko alam ang dapat Kong sabihin dahil nanginginig ang buo Kong katawan.

" Wa-Wa-Wala Akong bi-binalak sa Inyo, sa-sa katunayan a-alis na-na nga Ako, ka-kaya maaari na-na ba A-Akong u-umalis?! pa-pasensiya na-na ku-kung na-nakita Ninyo pa-pa A-Ako, pa-paumanhin sa--- "

Napatigil na lamang Ako sa pag sasalita dahil sa biglaang pagsampal sa Aking mukha na nagdulot sa Akin nang sakit at biglaang pagpatak nang Aking mga luha.

" Huwag Kang magmukhang nagmamakaawa dahil ang tulad Mo kahit kailan ma'y hindi magiging kaawa awa!... alam Mo kung ano ang nababagay sa Iyo?! ito!!! "

Sinabuyan Niya Ako ng tubig at pagkatapos noo'y sunod sunod na Akong nakatanggap nang iba't ibang bagay galing sa Kanila. Patuloy lamang ang pagbuhos ng Aking mga luha at nakatingin sa kawalan, hindi Ko rin nadarama ang sakit ng mga tinatama sa Akin.

" Ano't hindi ka man lamang ba magsasalita?! marahil masyado Mong dinaramdam ang sakit na dulot Namin sa Iyo! ano Salmaw kaya Mo pa ba?! "

" O!... mahabaging maykapal!... ano't pinaparusahan Niyo Ako nang ganito?! hindi pa po ba sapat ang kasumpa sumpa Kong mukha?! wala naman po Akong ginagawang hindi Niyo nagugustuhan... kung mayroon man po patawarin Niyo po Ako! ngunit maaari po bang alisin Niyo sa Akin ang ganitong kasaklap na kapalaran pagkat nahihirapan na po Akong lubos, paki-usap mahabaging maykapal! dinggin Niyo po Ako!!!... "

" Sa tingin Mo ba talaga, naririnig Ka nang mahabaging maykapal!? huwag Kanang umasa pa Salmaw!!! mabuti pa'y umalis Kana rito at sana'y hinding hindi Kana babalik pa rito kahit kailanman! "

" Mainam nga ito nang ang pagpapala ay lubos Naming maramdaman at makamtan! kaya sige alis na!!! Salmaw!!! "

Hindi Ko magawang makapagsalita dahil tumutulo parin nang tuloy tuloy ang mga luha sa Aking mata. Tinulak tulak Nila Ako hanggang sa mapagod na Sila at iwan Ako nang mag-isa napuro gasgas at sugat ang buong katawan, natanggal at nasira rin ang Aking dalang balabal kaya lantad na lantad ang Aking napakapangit na itsura.

Nang makita Ko ang Aking sarili sa ganoong kalagayan, labis na awa ang Aking naramdaman sa Aking sarili at pinagsisisihan Ko nang labis ang kapangahasan Ko na muling masilayan ang lugar na iyon! hindi Ko alam ang dapat Kong sabihin Kay Ina kapag nakita Niya Ako sa ganitong kalagayan

" Binibini!? ano ba ang nangyari sa Iyo at kalunos lunos ang Iyong sinapit? Sino ba ang may gawa Niyan sa Iyo?! "

Napatigil Ako sa pagluha at tinignan ang nagsalita, Siya ay isang Lalake na makisig at maamo ang mukha na may magagandang mata at makinang na kulay ng balat, hindi Ko naiwasan at napatulala Ako sa Kaniya.

Cursing Face (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon