Finally Meet

21 5 0
                                    

Prince Delvis's POV

Hindi Ko maintindihan ang Binibining ito pagkat pinagmamasdan Niya ng mabuti ang Aking itsura at nalimot Niya ang pagluha ng dahil sa kalunos lunos Niyang sinapit.

Ngunit ipinagtataka Ko ang Aking sarili dahil hindi man lamang Ako nakaramdam nang kahit konting takot o pagkabigla ng makita Ko ang Kaniyang wangis, siguro'y hindi Ko naman talaga dapat na maramdaman ito dahil hindi naman nakakatakot o nakabibigla ang Kaniyang wangis dahil sa katunayan ito ay napakaamong pagmasdan dahil masasabi na ito ay sining nang Mahabaging Maykapal na labis na maganda.

" Binibini!... ayus lamang ba ang Iyong pakiramdam? kailangan Mo ba nang tulong?! "

Napansin Ko naman na natauhan Siya at bahagyang yumuko at pinunasan ang Kaniyang luha sa mata at mukha.

" Ayus lamang Ako Ginoo, salamat rin sa pag aalala sa Akin at paumanhin kung hindi Ako agad na nakasagot sa Iyong katanungan "

Kamangha mangha ang Kaniyang tinig, para Akong nakakita ng isang diyosa, hindi kaya Siya ang tinutukoy ni Ginoong Alharo sa Kaniyang pangitain patungkol sa Akin?!... pero imposible naman itong mangyari hindi umaayon ang Kaniyang wangis sa wangis ng babaeng nakatakda Kong makilala, marahil hindi nga Siya iyon.

" Nauunawaan Ko iyon! ngunit nais Kitang tulungan dahil hindi Ako nakatitiyak na ayus ngang tunay ang Iyong kalagayan, kung pahihintulutan Mo Ako ay nais Kong gamutin ang gasgas at sugat sa Iyong katawan, sa ganoon ay mapapanatag na Akong lubos "

Tumayo Siya mula sa pagkakaupo sa lupa at humarap sa Akin.

" Kung ganoon Ginoo!... sige maaari Mo Akong tulungan na gamutin ang gasgas at sugat Ko upang hindi Kana mag-alala pa sa Akin! Siya nga pala?! ano nga pala ang Iyong ngalan? "

Napakaganda talaga ng Kaniyang tinig.

" Mainam kung ganoon! Ako nga pala si Prinse--- Elvis! Ikaw naman Binibini, ano ang Iyong ngalan? "

Muntik Ko nang masambit ang Aking tunay na pagkatao na hindi dapat na mangyari upang mapanatili Ko ang Aking kaligtasan at nang Aming palasyo.

" Ikinagagalak Kitang makilala Ginoong Elvis! Ako naman Si Caisah "

" Ikinagagalak rin Kitang makilala Binibining Caisah! isang karangalan ang makilala ang tulad Mong Binibini na mayroong napakagandang pangalan "

Napansin Ko na medyo yumuko Siya pagkatapos Ko na purihin ang Kaniyang ngalan.

" Salamat Ginoong Elvis! O Siya! hantayin Mo Ako rito at maghahanap lamang Ako ng halamang gamot, upang malunasan na ang mga iyan! "

Tumango lamang Siya sa Akin, kaya nginitian Ko Siya bago Ako tuluyang umalis para humanap ng halamang gamot. Medyo natagalan Ako ngunit nakahanap rin naman Ako ng halamang gamot, nakakita rin Ako ng isang banga na may lamang tubig kaya ito ay dinala Ko na rin upang malinisan na rin Ni Binibining Caisah ang mga dumi sa Kaniyang katawan.

Pagdating Ko'y nakita Ko Siyang pinapagpagan ang Kaniyang damit at nilalagyan na nang lunas ang ilang sugat at gasgas Niya. Nilapitan Ko Siya at inilapag ang dala Kong banga at iniabot sa Kaniya ang halamang gamot na Aking nahanap.

" Salamat sa mga ito! tiyak na malaki ang maitutulong nito sa Akin tsaka pati rin pala sa tubig na iyan dahil malilinisan Ko na rin ang mga dumi na hindi matanggal sa damit Ko, tiyak na pagagalitan Ako ng Aking Ina pagnakita Niya na marumi ang Aking kasuotan at syempre pati na rin ang mga sugat at gasgas na natamo Ko "

Halata sa Kaniyang mukha ang pag aalala, marahil ay mahal na mahal Niya ang Kaniyang Ina.

" Walang anuman!... at hindi Mo kailangan na magpasalamat pa dahil sa simula palang ninais Ko na Ikaw ay tulungan at hindi ba't ayaw Mo naman at sa huli pumayag Kana rin dahil pursigido Ako na tulungan Ka, kaya sige linisin Mo na ang Iyong sarili at tatalikod na muna Ako upang hindi Ka mailang "

Pagkasabi Ko'y tumalikod na Ako kaagad, dahil hindi Ko nais na mailang Siya dahil sa Akin, ilang sandali rin at sinabihan na niya Ako na maaari na raw Akong humarap dahil tapos na raw Siya, pagharap Ko sa Kaniya ay nakita Ko siyang nakangiti, at napakaganda nito hindi Ko alam kung bakit lahat nalang sa Kaniya ay maganda para sa Akin.

" Maraming salamat uli Ginoong Elvis!, kung siguro hindi Ka dumating at hindi Ko rin tinanggap ang alok Mo siguro'y hanggang sa ngayon ay nahihirapan Ako, kaya maraming salamat talaga sa Iyo "

Hindi Ko alam ngunit biglang uminit ang Aking magkabilang pisngi mapatapos Niyang magsalita at magpasalamat sa Akin, kaya't upang hindi Niya mapansin ay tumingin Ako sa ibang direksiyon pansamantala at pagkatapos ay humarap Akong muli sa Kaniya.

" Binibining Caisah!... ayos na at hindi Mo na kailangan pang paulit ulit na Ako'y pasalamatan! Siya nga pala maaari Ko bang malaman kung saan Mo nakuha ang mga sugat at gasgas na iyan?! "

Nawala ang Kaniyang ngiti at napalitan ito ng seryoso ngunit may halong lungkot na mukha.

" Sa Pamilihan, kanina kase ay galing Ako roon at namamasyal Ako ngunit naipit Ako sa mga taong nag aaway kaya't pati Ako ay natamaan Nila nang hindi sinasadiya akala Ko nga'y hindi na Ako makakaalis roon kanina ngunit nakagawa rin Ako ng paraan at nagmamadali Akong magtungo rito, dahil sa napagod na Ako sa kalalakad napaupo na lamang Ako at kasabay nito ang pagbuhos ng mga luha sa Aking mga mata, yun yung nangyari kanina ng bago Mo Ako makita "

Hindi Ko maiwasan na magduda sa mga sinasabi Niya ngunit maaaring may katotohanan naman ang mga ito.

" Hindi pala maganda ang nangyari sa Iyo! paumanhin kung itinanong Ko pa! hindi na ito mauulit "

Nakita Ko naman na ngumiti Siyang muli matapos Kong sambitin iyon.

" Ayus lamang iyon!... hindi Mo rin naman alam ang nangyari sa Akin kaya Mo Ako tinanong, Siya nga pala kailangan Ko ng mauna baka kase nasa Aming tahanan na Si Ina at hinahanap Ako at isa pa Ako ang nagsabing Ako na ang magluluto ng Aming pananghalian "

Bigla Akong nakaramdam ng lungkot matapos Ko itong marinig ngunit hindi Ko ito ipinahalata sa Kaniya

" Kung ganoon!?... sige at mauuna na rin Ako at baka hinahanap na rin Ako sa Amin! nawa'y magkita Tayong muli at makapag usap nang mas matagal "

" Maaari naman! kung magkakasalubong o magkikita Tayong muli, ngunit nakatitiyak naman Ako na mangyayari iyon! "

Napangiti naman Ako sa tinuran Niyang iyon .

" Isang direksiyon lang marahil ang daraanan Natin, ngunit nakatitiyak Ako na hindi Ka naman sa may bandang kagubatan nakatira dahil roon Kami nakatira at wala nang iba pang tahanan na malapit roon kaya marahil sa ibang direksiyon Ka daraan kapag lumihis na Ako sa daan patungo sa Amin?! "

" O Siya! at maglakad na Tayo, upang makarating na Tayo sa Kaniya Kaniya Nating uuwian "

" Sige Tayo na! upang makapagpahinga na rin Tayo, dahil labis na nakakapagod itong araw na ito hindi ba?! "

" Siyang tunay! "

Nakangiti Ako sa Kaniya at ganoon rin Siya. Sa Aming paglalakad ay nagkukuwentuhan Kami nang kahit ano na makapaglilibang sa Aming dalawa dahil dito'y hindi Namin namalayan na lilihis na pala Kami sa magkabilang daan, malungkot Ako at alam Ko na pati rin Siya, ngunit kailangan talaga Naming magkahiwalay dahil magkaiba ang ruta ng daraanan Namin, kaya nagpaalam Kaming dalawa sa huling pagkakataon at naglakad na sa Aming direksiyon.

Cursing Face (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon