The Goddest of Beauty

23 5 0
                                        

Prince Mondin's POV

" Huwag Kang mag alala, Prinsepe Mondin! nakakatitiyak Ako na nasa maayos Siyang kalagayan at siguradong gigising rin Siya! "

" Nakatitiyak naman Ako riyan Binibining Onie, dahil napakagaling Niyong tagapangalaga at manggagamot ng maysakit! kaya walang duda na Siya ay gagaling, ngunit iniisip Ko lamang ay kung kailan Siya gigising, simula kahapon ng Siya ay Aming dalhin rito ni Prinsipe Donghan ay hindi parin Siya nagkakamalay at nagigis
ing "

Ano nga kaya ang nangyari sa Binibining Ito at nakahandusay Siya sa daanan ng mag-isa? mabuti na lamang at Siya'y Aming namataan at natulungan, marahil kung hindi ay isa na lamang Siyang malamig na bangkay.

" Gigising rin po Siya, ngunit hindi pa sa ngayon, dahil kailangan Niya po munang magpahinga at magpalakas, ang isa pa po'y mataas parin po ang Kanyang lagnat at kailangan na Siya ay bantayan, upang mabantayan ang temperatura ng Kaniyang katawan! "

" Sa tingin Ko'y tama Ka nga, marahil ay kailangan Niya pang magpahinga at magpalakas, kung ganoon maaari ba munang Ako ang magbantay sa Kaniya at gawin Mo na muna ang iba Mong gawain, pagkatapos ay tsaka Ka nalang magbalik rito "

" Kung iyon ang Iyong nais?! mauuna na muna Ako Prinsipe Mondin! "

Sino Kaya ang babaeng ito? napakaamo ng Kaniyang mukha, tila isa Siyang diyosa na iniluwa ng langit, ngayon lamang Ako nakakita ng ganito kagandang mukha at maski ang ganda ng Reyna Veroña ay walang sinabi sa taglay nitong ganda at labis na nakabibighani ang Kaniyang ganda, nakatitiyak Ako na lahat ng kalalakihan ay mahuhumaling ng lubos sa Kaniya.

" Nagising na ba Siya o hanggang mgayo'y natutulog parin Siya? "

Narito pala si Prinsipe Donghan, hindi Ko na malayan ang Kaniyang pagdating, marahil ay nabaling ang Aking atensiyon sa maamo at magandang mukha ng babaeng ito.

" Narito Ka pala Prinsipe Donghan, paumanhin kung hindi Ko namalayan ang Iyong pagdating, sadiya lamang nakabibighani ang Kaniyang maamo at magandang mukha "

Ngumiti naman Siya.

" Siyang tunay! kahit nung makita Natin Siya sa daan at tinulungan hindi Ko na malimutan ang Kaniyang wangis, para bang mayroon Siyang kapangyarihan na manipulahin ang isipan ng tao na nasa Kaniyang paligid. At masasabi Kong isa Siyang diyosa ng kagandahan dahil sa Kaniyang wangis "

Maski si Prinsipe Donghan ay nabibighani sa Kaniyang ganda at ang tingin rin sa Kaniya'y isang diyosa, sa tingin Ko'y may kakaiba sa Kaniya.

" Iyan rin ang Aking naisip! na isa Siyang diyosa, subalit Ako'y nagtataka sa nangyari sa Kaniya, kung bakit naroon Siya sa daanan at nakahandusay habang nababasa ng asul na ulan? maging sa Ating dalawa hindi ba't dapat ay wala na Tayong taglay na hininga ngayon dahil sa nabasa Tayo ng asul na ulan, ngunit hanggang sa ngayon ay naririto Tayo at humihinga at wala rin Tayong naramdaman na kahit ano, sa tingin Ko'y may hiwagang nangyari sa Atin at maging sa Kaniya "

" Marahil mayroon pagbabago at sumpa ang asul na ulan, at iyon ang naging dahilan kung kaya't walang anumang nangyari sa Atin at maging sa Kaniya, kaya siguro'y dapat Natin itong ipagpasalamat  sa Mahabaging Maykapal pagkat hindi Niya pinahintulutan na Tayo ay mamatay at hinayaang matulungan Natin ang Binibining iyan, hindi ba't dapat ay magsaya Tayo? "

Maaaring tama nga Siya at dapat nga Naming ipagpasalamat ito sa Mahabaging Maykapal ganoon rin ang pagkakakita Namin sa Binibining ito dahil isang karangalan ang tulungan ang isang diyosa na katulad Niya.

" Siguro nga ay dapat Tayong magdiwang ngunit dapat siguro'y hintayin na muna Natin ang Kaniyang paggising upang masigurado Nating hindi Tayo nabigo sa Ating pagtulong sa Kaniya at ipanalangin na rin ang Kaniyang mabilisang paggaling dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumababa ang Kaniyang lagnat dahil sa pagkabasa sa ulan at hindi maaari na mamatay na Siya ngayon dahil tiyak na marami pa Siyang gustong gawin "

" Sang ayon Ako riyan!  hindi rin ito dapat na mangyari dahil hindi pa Natin nalalaman ang Kaniyang ngalan at kung taga saan Siya at nais Ko sanang malaman rin kung tunay nga na isa Siyang diyosa! ano sa Iyong palagay?! "

Napangiti naman Ako sa Kaniyang tinuran, ngunit may punto naman ito.

" Malalaman rin Natin iyan! ngunit sa ngayon ay maghintay na muna Tayo at pabayaan na Siya na magpahinga at magpalakas, sa ngayon maaari Mo muna ba Siyang bantayan at Ako ay magtutungo lamang sa Aking silid upang magpalit ng Aking kasuotan dahil pagkagising Ko'y agad na Akong nagtungo rito dahil nagbabakasakali Akong nagising na Siya, sandali lamang Ako! "

Ngumiti at tinanguan naman Niya Ako upang sumangayon, tinanguan at nginitian Ko rin Siya.

Pagkatapos ay lumabas at umalis narin Ako sa silid kung nasaan Sila ng Binibini.

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon