Medyo uminam na ang Aking pakiramdam ng Ako'y makahigop ng sabaw at makainom ng gamot. Pero tinatanong Ko ang Aking sarili kung bakit Ako nagkaroon ng sakit, gayong sa pagkakatanda Ko hindi pa naman Ako nabasa ng ulan dahil ngayon palang naman bumuhos ang ulan, hindi rin naman Ako lumapit kahit Kaninong tao na may sakit kaya napakalaking katanungan ito sa Akin.
Pero mainam na rin siguro ito dahil Ayokong marinig ang sasabihin Ni Ginoong Alharo at Ni Amang Hari.
" Mahal na Prinsepe Delvis! narito po Si Ginoong Alharo nais Ka pong maka usap!? "
Bigla naman Akong nakaramdam ng kaunting kaba dahil nasa labas ng Aking silid Si Ginoong Alharo at nakatitiyak Ako na hindi Siya aalis hanggang hindi Niya Ako nakaka usap
" Sige papasukin Mo Siya! "
Bumukas naman agad ang pintuan at bumungad sa Akin ang isang mukha ng matandang lalake na seryoso ang ekspresiyon na nakatitig sa Akin, lumapit Siya sa Akin at naupo
" Magandang umaga Prinsepe Delvis! kamusta ang Iyong pakiramdam, mabuti na ba?! "
Umayos Ako ng puwesto at sumagot sa Kaniyang katanungan
" Magandang umaga rin Ginoong Alharo!, mabuti na ang Aking pakiramdam dahil sa tulong Ni Binibining Onie at ng gamot na Kaniyang ginawa. Ano nga pala ang Iyong sadiya sa Akin at Ika'y naparito?! "
Hindi Ko maiwasan na hindi mag isip sa mga bagay na posibleng maaari Niyang sabihin sa Akin
" Mabuti naman Kung ganoon!, dahil sa hindi Ka nakadalo kanina ng Ikaw ay ipinatawag dahil sa Ikaw ay may sakit, naisipan Ko na Ikaw ay puntahan na lamang upang personal na sabihin sa Iyo ang Aking mga pangitaing nakita patungkol sa Iyo "
Sinasabi Ko na nga ba't tungkol ito sa pangitain Niya, ngunit hindi naman siguro ito tungkol sa mapapangasawa Ko, dahil hindi galak ang nakikita Ko sa Kaniyang mata kundi lungkot
" Ano ba ang mga pangitain na Iyong nakita patungkol sa Akin?! "
" Tungkol ito sa Isang babae na Iyong malapit ng makita at makilala, Siya ay maganda. Magiging magkaibigan Kayo at hindi magtatagal ay iibigin Mo na rin Siya hindi dahil sa Kaniyang wangis kundi dahil sa Kaniyang mabuting kalooban, ngunit ang babaeng ito rin ang magdudulot sa Iyo at sa iba ng kapighatian at magiging dahilan rin ng pag aaway Ninyong lahat! "
Hindi Ako makapaniwala sa mga sinabi Niya patungkol sa mga pangitain Niya sa Akin, ngunit halos lahat ng Kaniyang pangitain ay nagkakatotoo kaya't hindi nakapagtataka kung magkakatotoo ang mga pangitain Niya sa Akin. Kaya nga't Siya ang inihalal bilang kanang kamay ng Aming Ama dahil tunay nga na may kakaiba itong kapangyarihan
" Kung totoo nga iyan! saan Ko Siya makikita at makikilala? "
" Sa labas ng palasyo, dahil Siya ay hindi isang maharlikang tulad Mo "
Ibigsabihin maaaring taga ibang lupain o di kaya'y isang simpleng mamamayan rito sa Aming Lupain
" Sa papaanong paraan Siya nakapagdudulot sa Aming lahat ng kapighatian gayon Ako ang makakakita at makakakilala sa Kaniya?! "
" Ikaw nga ang makakakita at makakakilala sa Kaniya ngunit makikita at makikilala rin Siya ng iba Mo pang mga kapatid at maging ng Isang Prinsepe na hindi taga rito "
Kung ganoon tunay nga siguro na maganda Siya, kaya maaaring kahumalingan rin Siya ng Aking mga kapatid na Prinsepe
" Kung mangyayari nga ito, gagawa Ako ng paraan upang hindi Siya maging dahilan nang pagkasira ng Aming buong Pamilya "
Nakatingin lamang Siya sa Akin ng seryoso
" Prinsepe Delvis!... gumawa Ka man ng paraan ay hindi Mo parin ito mapipigilan dahil ito ay nakatadhana na "
" Ako ang bahala!, basta pipigilan Ko ito sa abot ng Aking makakaya. Ito lang ba ang Iyong sasabihin o mayroon pang iba?! "
" Mayroon pang iba!, ang babaeng ito ay konektado sa Asul na Ulan "
Asul na Ulan?! pati ba naman sa ulan konektado Siya, ano ba talagang klaseng babae Siya at pati ang isang ordinaryong ulan may kinalaman sa Kaniya hindi kaya hindi Siya pangkaraniwan lamang na mamamayan gaya ng sinasabi Niya baka mahiwaga pala talaga Siya, mukhang nais Ko na nga yata Siyang makilala.
" Ano naman ang Asul na Ulan? isa ba ito sa Isang uri ng ordinaryong ulan?! at paanong konektado Siya rito?! "
" Ang Asul na Ulan ay Isang uri ng hindi pangkaraniwan ulan, ito ay may dalang sumpa at pagbabago. Ito ay Isang kaganapan na maituturing na salot dahil sa nakamamatay rin ito. Oras na madampian nito ang anumang uri ng may buhay tiyak na mamamatay agad ito, at ang ulan na ito ay darating sa Ating Lupain at marami ang masasalanta nito ngunit ang babae ay hindi mapapahamak kahit pa Siya ay maligo rito ngunit dahil doon magdadala Siya ng sumpa at ang sumpa na ito ay ang sinabi Ko, sa Iyong pag aaway away ng Inyong Pamilya "
Ngunit paano naman Kaya Siya nakarating sa Aming palasyo kung nagmula naman pala Siya sa labas
" Papaano naman Siya makakarating rito sa palasyo, kung taga labas Siya? hindi rin naman maaari na basta na lamang Siyang makakapasok rito, maliban na Lang kung may magpapapasok sa Kaniya at patutuluyin Siya, ang mga kapatid Ko bang Prinsepe ang gagawa noon?! "
" Hindi Ako nakatitiyak, ngunit tunay na hindi maganda ang dala Niya sa palasyo, kaya kung maaari ay huwag Ka na munang magtungo sa labas ng palasyo at makihalubilo sa mga ordinaryong mamamayan hanggang sa matapos ang Asul na Ulan, sa susunod na buwan ang pagdating at pagbuhos nito sa Ating Lupain, kaya ipinaalam Ko ito sa Mahal na Hari upang maipabatid rin ito sa mga mamamayan ng Liwanag upang Sila ay makapaghanda sa pagdating nito! "
Alam Niya ang tungkol sa pagnalis Ko at pagtungo sa pamilihan, ngunit hindi Niya kahit kailaman Ako isinuplong sa Amang Hari o Kahit Kay Ina, na labis na nakapagtataka
" Kung ganoon!... maraming salamat sa babala patungkol sa Iyong pangitain sa Akin!, huwag Kang mag alala hindi na muna Ako aalis at lalabas rito sa palasyo upang walang mangyari sa Akin at sa buong palasyo! "
Ngumiti Siya sa Akin ng makahulugan
" Walang anuman... Prinsepe Delvis! ginagawa Ko lamang ang Aking tungkulin bilang kanang kamay at manghuhula! aasahan Ko ang Iyong sinabi, mauuna na Ako "
Tinanguan Ko lamang Siya pagka't di Ko na nais pa na humaba ang Aming pag uusap pagka't nakatitiyak Ako na marami Siyang nalalaman sa Akin kahit itago Ko pa ito, paglabas Niya ay bumalik Ako sa Aking pamamahinga.
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasyBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍
