" Caisah! Anak! siguro ay mainam na ang mga ito?! halika na't magtungo na Tayo sa pamilihan dahil tiyak naroon na si Binibining Onie naghihintay sa Atin "
" Sige po Ina! aayusin Ko lamang po ang Ating mga dinalang gamit "
Si Binibining Onie ang kataas taasang tagapangasiwa ng mga lingkod sa palasyo, Siya ay matagal ng namimili sa Amin ng mga gulay at prutas pagka't batid Niya na ito ay sariwa at kapipitas pa lamang sa mga puno.
Napakaraming tao sa pamilihan Kaniya Kaniya Sila ng mga binibili, ganoon rin sa pag uugali, karamihan sa Kanila mga walang puso, walang alam gawin kundi ang mang api. Lalo nasa katulad Ko na hindi kaaya aya ang itsura, bukod kase sa mga sinabi Ko tungkol sa Akin, ang Aking mukha ay mayroong mga puting mga guhit na tila pinintahan ng kulay puting pang kulay.
Kaya dahil sa Aking kalagayan Ako ay palaging may dalang balabal upang hindi masyadong mahalata ang Aking itsura, dahil rin sa Aking hindi kaaya ayang wangis ang mga tao rito ay tinatawag Ako sa ngalang Salmaw at hindi sa Aking tunay na ngalan.
" O! mahabaging Aming diyos maawa naman po Kayo sa Amin at Iyong tanggalin sa Aming lupain ang Salmaw na naririto, pagka't maaari po Siyang magdulot ng kamalasan sa Amin at sa Aming lupain! "
Dahil sa paulit ulit Ko na itong narinig tila nasanay na Ako, Kaya hindi Ko na lamang Sila pinapansin kahit na nasasaktan na Nila Ako.
" Tama na nga Iyan! hindi pa ba Kayo nagsasawa at na aawa Kay Caisah?!, hindi naman Niya ginusto na magkaganiyan ang Kaniyang wangis at wala naman Siyang ginagawa sa Inyo, hanggang sa ngayon naman ay nasa mabuting kalagayan parin Kayong lahat at walang anumang sakit, kaya kung maaari lamang ay manahimik na Kayo! "
" Ikaw pala Binibining Onie!, salamat po sa pagtatanggol Kay Caisah, hindi Niyo naman ito kailangang gawin pa "
" Nicia! hayaan Mo na Ako ginagawa Ko lamang ang alam Kong tama tsaka isa pa ay alam Kong nahihirapan Ka na rin naman at nais Ko na Ika'y tulungan maging Si Caisah "
" Maraming salamat po Binibining Onie! ngunit ayos lamang po Ako nasanay na po Ako sa Kanila, Siya nga po pala, eto na po ang mga gulay at prutas na Aming pinitas sa Aming bukirin "
" Oo nga pala! pinasasabi ng Reyna Veroña na isama Ko raw Kayong dalawa sa palasyo upang makilala raw Niya Kayo ng personal. Na ikuwento Ko kase sa Kaniya na sa Iyo Ako namimili ng mga gulay at prutas at ito'y tunay na gustong gusto Niya, Kaya halina Kayo sa sasakyan at ng makarating na Tayo na palasyo "
" Sa palasyo ho Binibining Onie?! Ina narinig Mo iyon?! magtutungo raw Tayo sa palasyo at makikita rin Natin si Reyna Veroña, hindi ba't isa itong karangalan para sa Atin?! "
" Ngunit, Binibining Onie?! maaari bang Ako na lamang ang magtutungo sa palasyo at maiwan na lamang si Caisah sa Aming tahanan?! "
" Kung Yan ang nais Mo Nic--- "
" Hindi! Binibining Onie sasama po Ako maaari Ko naman pong takpan ang Aking sarili upang hindi po Ako katakutan ng Reyna at ng iba pang tao roon "
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasyBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍
