PROLOGUE

4.4K 128 2
                                    

           Sa mortal ng mga tao ay may isang babae ang nangungulila ng lubos sa kanyang magulang, hindi niya alam kung :

          Paano niya mahahanap ang kanyang magulang kung hindi niya alam ang pangalan nito?

          Paano niya mahahanap ang kanyang magulang kung hindi niya alam ang itsura nito?

          Paano niya mahahanap ang kanyang magulang kung siya ay nasa mundo ng mga tao? At...

          Paano niya mahahanap ang kanyang magulang kung mismo ang kaniyang magulang ay nagtatago para sa kaligtasan ng lahat?

          Makikita pa kaya niya ang kanyang magulang o habang buhay na lamang siyang mangungulila dito.

          Paano kung isang araw ay mayroong magpakita sa kanyang isang lalaki na alam kung nasaan at kung ano ang nangyari sa kanyang magulang? Maniniwala ba siya rito o hindi?

          Lalo na ng sinabi nitong na bampira ang kanyang magulang at kailangan niyang sumama dito para makapunta sa Immortal World dahil siya ay isa ding bampira at siya ang sinasabi sa propesiya na siyang magliligtas sa lahat ng bampira sa Immortal World.

          Ang Immortal World ay mundo na ang lahat ng imposibleng gawin ay pwedeng maging posible basta't maniwala ka lamang na mangyayari iyon.

          Immortal World na kung saan naninirahan ang mga maligno, mangkukulam, bruho,diwata at mga bampira na mayroong ibat ibang kapangyarihan.

          Immortal World na laganap ang digmaan ng mga bampira laban sa mga bampira at sa...

          Immortal World na kung saan ay mayroong paaralan para lamang sa mga bampira at ito ay ang VAMPIRE ACADEMY.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon