*Crescenta Bloody Moon POV*
Pagkatapos naming magpaalam kay tita Lucia ay gumawa na si ginoong Valmer ng portal papuntang Immortal World, hindi ko aakalaing ma mimiss ko ang Immortal World lalong lalo na si Fiona, Percy, Lilith at ang royal vampire.
Pagkapasok namin sa portal ay inilabas kami nito sa harap ng tarangkahan ng Vampire Academy, at pinagbuksan naman kami ni ginoong Mario ng tarangkahan pagkatapos namin itong batiin.
Nagtungo naman kami ni ginoong Valmer sa office ni madam Otelia upang ipaalam dito na nagbalik na kami ni ginoong Valmer sa Vampire Academy, pagkatapos iyon ay nagtungo na kami ni ginoong Valmer sa aking dorm.
Pagkadating namin sa aking dorm ay nagpahinga muna ako at mamaya ay sasama na ako sa pagsasanay sa mga haven vampires, at gusto ko na ding makita ang royal vampires.
MAKALIPAS ANG TATLONG ORAS...
Nakasuot ako ngayon ng P.E Uniform , sapagkat magsasanay din ako kasama ng ibang bampira. Pagkasuot ko ng aking P.E Uniform ay isinuot ko na din ang aking kapa na kulay itim, nagulat naman ako ng umilaw ito at nagbago ang kulay nito, naging kulay ginto ang aking kapa.
Nagteleport na ako ngayon sa battle arena sapagkat na pag alaman ko na naroon si Jezebel para sanayin ang mga bampirang may kapangyarihan ng tubig, si Amber naman ay nasa training room para sanayin ang mga bampirang may kapangyarihan ng hangin, si Drake naman ay nasa soccer field para sanayin nag mga bampirang may kapangyarihan ng lupa, si Alucard ay nasa gymnasium para sanayin din ang mga bampirang may kapangyarihan ng apoy at ang mga hydra o hydro vampires ay nasa isa pang training room at mayroong nagtuturo sa kanilang isang guro ng Vampire Academy dibale dalawa ang training room ng Vampire Academy.
Pagkadating ko sa battle arena ay bulong- bulungan ang tumambad sa akin, kung bakit daw kulay ginto ang aking kapa, anong klaseng kapangyarihan daw ang mayroon ako at marami pang iba.
Tinawag ko naman si Jezebel ng hindi ako nito mapansin , nakatalikod kasi ito sa akin at mayroong tinuturuang isang bampira, pagkaharap nito ay bigla na lamang itong sumigaw.
"Crescentaaaaa" sigaw nito sabay lapit sa akin at yakap ng mahigpit.
"Bakit ang tagal niyo sa misyon? Na miss tuloy kita" nakangiting sambit nito pagkatapos kumalas sa pagkakayakap sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi ni Jezebel.
"Na miss ko din kayo" nakangiting sambit ko dito sabay yakap ulit.
"Tara, puntahan natin ang iba, alam kong matutuwa sila kapag nakita ka lalong lalo na si Alucard" natatawang sambit nito sa akin.
Pinapahinga muna ni Jezebel ang kaniyang tinuturuan at sabay kaming nagtungo sa training room kung saan naroon si Amber.
Pagkadating namin doon ay tuwang tuwa din si Amber ng makita ako at niyaya naman namin ito na kumain, na siyang sinang ayunan niya.
"Yayain na din kaya natin yung dalawa" sambit ni Amber at ang kaniyang tinutukoy ay sina Drake at Alucard. Nagtungo muna kami sa training room na kung saan naroroon si Alucard.
Pagkadating namin doon ay nadatnan namin si Alucard na seryosong nagsasanay at tinuturuan ang mga bampira. Tinawag naman ito ni Amber kaya lumingon ito sa amin.
Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagbago ng kaniyang emosyon ng makita ako, ang kaninang seryoso ay napalitan ng saya. Ngumiti naman ako dito ngunit binaliwala lamang ako nito at tumungin sa dalawa kong kasama, kaya hindi ko mapigilang malungkot sa kanyang ginawa.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong nito sa dalawa at napansin ko na hindi na ito cold mag salita gaya ng dati.
"Gusto ko sana naming yayaing kumain, bumalik na kasi si Crescenta" nakangiting sambit ni Jezebel.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...