CHAPTER 19 (Pagtumingin ka, Akin ka) Part 1

866 49 0
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Narito kami ngayon ni ginoong Valmer sa likod ng bahay ni tita Lucia, siya ay gumawa ng portal papuntang Jerusalem sapagkat doon kami pinapapunta ng libro ni ginoong Valmer at doon namin makikita ang sandata na isang latigo.

Pagkapasok namin sa portal ay inilabas kami nito sa loob ng pyramid at sa gitnang bahagi nito ay mayroong isang kabaong ng pharaoh ang aming nakita. Lumapit kami dito at pagkalapit namin ay mayroon kaming nakitang dalawang latigo sa ibabaw ng kabaong.

Kinuha ko naman iyon para tignan kung iyon ba ang aming hinahanap at umilaw naman ito ng ito'y aking nahawakan.

"Mahal na prinsesa iyan na po ang pangalawang sandata, ang latigo" sambit ni ginoong Valmer at tumango naman ako dito sabay bigkas ng...

"ANATA MEUM VOBISCUM" nawala naman ang kaninang hawak kong dalawang latigo.

Aalis na sana kami ng yumanig ang loob ng pyramid at mayroong nagsilabasang mga insekto sa aming paligid. Nagulat naman kami ng bumukas ang kabaong ng pharaoh at tumayo ang isang mummy.

"Ginoong Valmer, nagising yata natin ang mummy" sambit ko kay ginoong Valmer na kinakabahan.

"Mummy ba ang tawag niyo riyan?" tanong nito at tumango naman ako dito.

"Bakit niyo kinuha ang aking latigo?" (In Israel Language ) sambit ng mummy pero hindi ko maintindihan.

"Hindi namin balak kunin ang iyong pagmamay-ari ngunit ito ay kailangan ng aming kaharian" (Israel Language) sambit naman ni ginoong Valmer ngunit hindi ko rin maintindihan.

"Wala akong paki alam sa sasabihin mo, ang alam ko ay magnanakaw kayo" (Israel Language) sambit naman ng mummy pero kahit na hindi ko ito maintidihan ay alam kong galit ito sapagkat tumataas na ang boses nito.

"Patayin niyo sila" (Israel Language) sigaw ng mummy at nagsilapitan naman sa amin ang mga maliliit na insekto at dahil nga sa ng didiri ako sa kanila ay ginamit ko ang aking apoy na kapangyarihan, gumawa ako ng fire ball sa dalawa kong kamay at inihagis sa kanila at nakita ko din ang pagbabago ng kulay ng aking buhok na ngayon ay kulay orange na kanina ay kulay puti.

"Mahal na prinsesa ngayon ko lamang nalaman na may kapangyarihan kana ng apoy" saad ni ginoong Valmer habang mayroong inihahagis na itim na powder sa mga insekto na nagsanhi ng pakawala ng mga ito.

"Ahh opo ginoong Valmer,simula noong kagatin ako ni Alucard ay lumabas itong kapangyarihan ko" sagot ko naman dito sabay hagis parin sa mga insekto ngunit hindi ito nawawala tila dumadami pa ito.

"Ginoong Valmer hindi sila na uubos" sambit ko dito.

"Kailangan nating maibalik sa kabaong ang mummy na iyan at natitiyak akong mawawala ang mga insektong ito" sambit naman ni ginoong Valmer.

"Pero paano?" takang tanong ko dito.

"Patamaan mo siya ng iyong fire ball para masunog siya" mabilis ko namang sinunod ang utos ni ginoong Valmer.

Hinagisan ko ito ng isang malaking fire ball at natamaan naman ito, nasunog ang tissue na nakapalibot sa katawan nito. Pagkawala ng tissue ay nakita namin ang buto buto nitong katawan at ilang sandali ay bumagsak ito sa lupa, na nagsanhi ng pagkawala ng mga insekto.

Pagkatapos naming ibalik ang katawan ng pharaoh sa kaniyang kabaong ay umalis na kami ni ginoong Valmer at patungo kami ngayon sa Gottesman Family Israel Aquarium na kung saan naroon ang animal spirit ng latigo.

_____________________________

Kanina pa kami ni ginoong Valmer narito sa Gottesman Family Israel Aquarium ngunit hindi pa rin namin nakikita ang fairy na siyang nagbabantay sa animal spirit ng latigo at ginabihan na kami sa paghahanap.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon