CHAPTER 35 (Final War)

794 46 1
                                    

*Third Person POV*

"Paanong nangyari ito?" naguguluhang tanong ni haring Vladamir dito.

"Nagulat ba kita haring Vladamir?" tanong ni Crescenta dito.

"Napatay na kita" sambit naman ni haring Vladamir alam na ni Crescenta na magkapatid ang dalawa dahil narinig niya ang usapan ng dalawa.

"Masyado kang nag pakampante na patay na ako haring Vladamir" sambit naman ni Crescenta dito.

"Tignan mo tuloy para kang tanga na naka tayo sa aking harapan, natatakot kana ba ngayon?" pang iinis ni Crescenta dito na siyang nangyari kay haring Vladamir, hinagisan ni haring Vladamir ng maraming dark ball magic si Crescenta dahil sa pagkainis nito.

Inutusan naman ni Crescenta ang apat na Crescenta na tulungan ang royal vampires. Sumulpot ang apat na Crescenta sa harap ng mga royal vampires at tinulungan itong tumayo. Kinalaban ni Crescenta G. si Lucinda na kalaban kanina ni Jezebel.

Naglaban ang dalawa ang gamit na sandata ni Crescenta G. ay ang latigo at kay Lucinda naman ay espada, hindi nakakalapit si Lucinda kay Crescenta G. dahil sa latigo na sandata nito kahit dark ball magic na inihagis nito ay napipigilan din ng latigo. Nang makahanap si Crescenta G. ng pagkakataon ay inihampas niya ang latigo kay Lucinda na nagsanhi ng pagkatumba nito at ni Jezebel.

"Crescenta G. huwag ka basta basta aatake kay Lucinda sapagkat ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan kay Jezebel" sambit ni Crescenta gamit ang kanyang isipan.

"Hindi mo ako dapat sinasaktan Crescenta, dahil pati kaibigan mo ay nasasaktan din" nakangiting sambit ni Lucinda.

"Huwag mo akong isipin Crescenta, ang mahalaga ay matalo mo iyan" sambit ni Jezebel.

"Kung ganun ay papaslangin ko na lamang ang aking kaibigan para mawala ka na rin" sambit ni Crescenta G. at nagulat naman ang dalawang babae sa kanilang narinig.

"Jezebel, sumakay ka na lamang sa aking plano para alisin na ni Lucinda ang kaniyang kapangyarihan sa iyo" sambit ni Crescenta sa isipan ni Jezebel.

"Ohh sige Crescenta" sambit naman ni Jezebel.

Lumapit na si Crescenta G. sa pwesto ni Jezebel at kinuha ang sandata nito, itinutok ng dalaga ang espada sa puso ni Jezebelel at unti unting ibinabaon. Makikita sa dalawang babae ang ginawa ni Crescenta G. at ilang sandali lamang ay inalis na ni Lucinda ang kanyang kapangyarihan kay Jezebel kaya inalis na din ni Crescenta G. ang espada kay Jezebel.

"Hindi pa ako pwedeng mamatay" sambit ni Lucinda, hindi pa ito nakaka kilos ng inihampas ni Crescenta G. ang latigo at ito ay pumulupot sa leeg ni Lucinda at hinatak ni Crescenta G. sa kaniyang pwesto si Lucinda, inihanda naman niya ang isa niyang kamay na may hawak na espada at mabilis na pinugutan ng ulo si Lucinda. Natumba ang katawan ng babae at maraming dugo ang lumalabas dito samantala ang ulo naman nito ay tumilapon at kinain ng isang dragon.

Lumapit siya sa pwesto ni Jezebel at pina inom ang kaniyang dugo na kaya ding magpagaling ng bampira.

Samantala kalaban naman ni Crescenta H. si Raul na kanina ay kalaban ni Drake. Pina inom muna ni Crescenta H. si Drake ng kaniyang dugo para mawala ang lason nito sa katawan bago hinarap si Raul.

Tinapunan niya ito ng earth ball magic na tumama sa katawan ni Raul kaya tumilapon ito, tumayo naman si Raul at naglaho sa harapan ni Crescenta H. pabuti na lamang ay naramdaman ni Crescenta H. ang presensiya ni Raul kaya mabilis niyang inilabas ang arnis na sandata at hinarang sa paghampas ng espada ni Raul sa kanya. Malakas niyang tinulak ang espada ni Raul at malakas na inihampas ang dalawang arnis sa lupa na siyang nagsanhi ng pagyanig ng lupa at pagtilapon ni Raul dahil sa mga batong malalaki na lumabas dito.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon