CHAPTER 30 (Land of Mantiner)

662 41 1
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Nagising ako sa isang maliit na bahay at hindi ko alam kung paano ako napunta dito at kung anong lugar ito.

"Pabuti naman at gising kana binibini" sambit ng isang maliit na nilalang.

"Anong ginagawa ko dito?, Nasaan ako? Sino ka?" sunod sunod na tanong ko sa maliit na nilalang na may mahabang tenga.

"Narito ka ngayon sa aming lugar, lugar ng mga Mantiner (Dwarf) at ako pala si pinunong Dwart ang lider ng mga mantiner" sambit nito sa akin.

May pumasok namang isang lalaki na kasing laki ng mga bampira na may dalang pagkain, ang akala ko nga Mantiner lamang ang naririto, bakit kaya siya naririto, isa siyang bampira dahil na din sa amoy ng kaniyang dugo kaya ko nalaman.

"Siya ang nagdala sa iyo dito binibini?" sambit ni pinunong Dwart.

"Ako nga pala si Valmon, nakita kita sa ilog na may nakabaon na espada sa iyong likod kaya dinala kita dito" sambit nito sa akin.

"Ano ba ang nangyari sa iyo binibini?" tanong sa akin ni pinunong Dwart. Kinuwento ko naman ang lahat na nangyari sa akin.

"Ok kana ba ngayon?" tanong sa akin ni Valmon at makikita sa kaniya ang pag-aalala sa akin, napangiti naman ako dito, hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko ay ang gaan gaan ng loob ko sa kanya samantala ngayon ko pa lamang siya nakilala at nakita.

"Ok na ako Valmon pero isa lamang ang gumugulo sa aking isipan kung bakit ginawa sa akin iyon ni ginoong Valmer, alam kong hindi siya iyon, baka may gumaya ng kaniyang wangis" sambit ko sa kanila.

"Binibini, walang ganun na kapangyarihan dito sa Immortal World kaya imposible ang iyong sinasabi" sambit naman ni pinunong Dwart.

"Pero walang imposible dito sa ating mundo" sambit ko naman dito.

"Alam ko iyon binibini pero wala pang nakakadikubre ng ganoong abilidad" sambit naman ni pinunong Dwart.

Natatakot ako na si ginoong Valmer talaga ang may gawa nito sa akin pero alam kong mabait sa akin si ginoong Valmer at noong nagkasama kami alam kong totoo lahat ang pinapakita niya sa aking pag-aalaga at kabutihan.

"Kailangan kung bumalik sa Vampire Academy para malaman kung bakit nagkaganun si ginoong Valmer? at bakit gusto niya akong patayin?" sambit ko sa kanila at bumangon sa kama, wala na ako ngayong naramdaman na sakit sa aking katawan lalong lalo na sa aking likuran.

"Hindi maaari binibini" sambit sa akin ni pinunong Dwart.

"Bakit naman po?" takang tanong ko sa kaniya.

"Kung babalik ka sa iyong tahanan binibini baka maulit ang mangyari ngayon pag nalaman nila na buhay ka pa at baka sa susunod ay tuluyan ka na niyang patayin" sambit nito sa akin.

"Kahit hindi ako bumalik sa aking tahanan, mararamdaman parin nila ang aking presensiya" sambit ko dito.

"Nagkakamali ka binibini sapagkat kapag naririto ka sa aming tahanan mawawala ang iyong presensiya sa labas, kaya aakalain nila na patay kana" sambit sa akin ni pinunong Dwart.

"Ilang oras na ba akong tulog?" tanong ko dito.

"Hindi lang oras binibini kundi linggo, dalawang linggo ka ng tulog" sambit sa akin ni Valmon.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon