CHAPTER 27 (King Cassius & Queen Celeste)

786 44 0
                                    


*Crescenta Bloody Moon POV*

Nagulat naman kaming lahat na naririto sa gymnasium ng ang usok na lumabas sa katawang ng aking dalawang dragon ay nag anyong dalawang tao at lumiliwanag ang katawan nito.

Nang mawala na ang liwanag ay nagulat ako sa aking nakita, hindi ako pwedeng magkamali sila yung taong nasa picture frame na nasa bahay ni ginoong Valmer, ang aking...

"Mahal na hari, mahal na reyna" rinig kong sambit ni ginoong Valmer at ayon sa kanyang boses hindi din ito makapaniwala.

Hindi parin ako makagalaw sa aking kinatatayuan samantala ang lahat ng bampira na naririto ay yumuko sa aking magulang para sa paggalang.

Lumapit naman sa aking direksyon ang aking magulang.

"Crescenta, aking anak" sambit ng aking ina at itinaas ang dalawang kamay nito na ang ibig sabihin ay gusto ako nitong yakapin.

"Ina" naluluhang sambit ko sabay takbo dito at sinalubong ang kaniyang yakap, naramdaman ko naman na lumapit ang aking ama at niyakap kami nito.

"Crescenta, na miss ka namin" sambit ng aking ama at napansin kong pati sila ay umiiyak.

"Napakatagal na panahon ko kayong hinanap ama, ina" sambit ko dito pagkatapos kumalas sa pagkakayakap.

"Patawad anak, kailangan namin iyon gawin ng iyong ina para sa kaligtasan mo at ng ating kaharian" sambit ng aking ama sabay halik sa aking noo at nagyakapan na naman kaming tatlo.

"Mahal na hari at reyna ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ni ginoong Valmer sa aking magulang.

Ngunit ngumiti lamang dito ang aking ina at kumalas sa aming pagyayakapan.

"Mas mabuti yatang sa office ko na lamang natin ito pag-usapan" sambit ni madam Otelia na siyang sinang-ayunan ng aking ina at ama.

_________________________________________

Narito na kami ngayon sa office ni madam Otelia, naririto din ang royal vampires at ang kanilang mga magulang. Alam kong miss na din ng mga reyna at hari ang aking magulang at makikita sa kanilang mukha ang pangungulila din dito.

"Paano kayo nakaligtas mahal na hari at reyna?" tanong ni ginoong Valmer.

"Tinulungan kami ng aming mga dragon, tinulungan nila kaming magtago para hindi kami matuntun ni Vladamir" sambit ng aking ama.

"Noong nilusob ni Vladamir ang aming kaharian ay dumating ang aming mga dragon na si Luna at Ladon na hari at reyna ng mga dragon, sila ay kusa na lamang lumabas kahit hindi namin ito tinawag" sambit ng aking ina.

"Sila ang dahilan kung bakit nakapagtago kami ng aking asawa, dahil sa tulong ng kapangyarihan nila, gumawa sila ng dalawang bolang crystal at doon kami itinago at kinain nilang dalawa, at dahil dun ay naging iisa ang aming katawan ng mga dragon" sambit ng aking ama.

"Ang ibig sabihin ay ang hari at reyna ng mga dragon na nasa akin ay kayo din?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

"Oo anak" nakangiting sambit ng aking ina.

"Hindi kami nagpakilala sa iyo anak sapagkat kami ay mararamdaman ni Vladamir kapag kinausap ka namin" sambit naman ng aking ama.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon