CHAPTER 17 (Twilight Section and Invasion of Hades Vampire)

882 55 0
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Nagising ako dahil sa naaamoy kung pagkain, natitiyak akong si ginoong Valmer ang nagluluto ngayon kaya lumabas na ako sa aking kwarto at pumunta na sa kusina.

"Magandang Umaga Crescenta, umupo kana para makapag almusal kana at para nadin makapaghanda ka sa inyong training" pagbati sa akin ni ginoong Valmer at nginitian ko naman ito.

Umupo na ako at nagsimula ng kumain, pagkatapos kung kumain ay nagtungo na ako sa aking kwarto para maligo. Pagkapasok ko sa aking Cr ay agad kong nakita ang aking mukha dahil sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng Cr.

Mapapansin na malaki na ang aking pinag bago ang dating itim na buhok ay ngayon ay kulay puti na at ang dating itim na mata ay kulay pula na ngayon, bukod pa riyan ay ang talas na ng aking pakiramdam, nababasa ko nadin ang mga nasa isip ng bampira at marunong na akong maglaho.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng P.E uniform ay sinuot ko na ang aking kapa na kulay itim at ang aking I.D, at bigla na lamang itong umilaw. Ang dating itim na kapa ay naging kulay ginto na kapa at ng aking tignan ang aking I.D ay nagulat ako sa aking level, ako ay level 100 na.

Mabilis akong lumabas sa aking kwarto para ipakita kay Fiona at ginoong Valmer ang aking level at sila naman ay natuwa sa akin.

"Ang ibig sabihin ba nito ginoong Valmer ay ipapakilala niyo na ako sa lahat ng haven vampire bilang isang prinsesa ng Lux City o ang babaeng sinasabi sa propesiya?" tanong ko dito.

"Hindi pa ito ang oras mahal na prinsesa, malalaman din nila ang totoo sa oras na lusubin na tayo ng mga hades vampire" sagot nito sa akin at tumango naman ako dito.

Pagkatapos kung magpaalam kay ginoong Valmer at kay Fiona ay ginamit ko ang aking abilidad na maglaho para mabilis akong makatunton sa gymnasium, nag announce kanina si madam Otelia habang ako ay nag-aayos na lahat daw ng mag-aaral at guro ng vampire academy ay tutungo sa gymnasium lalong-lalo na ang new moon section.

"Magandang Umaga sa inyong lahat, dahil sa kompleto na kayong lahat ay magsisimula na tayo" paunang pagbati sa amin ni madam Otelia na nasa stage ng gymnasium at kasama niya ang royal vampires at si ginoong Valmer.

"Pinapunta ko kayo dito para ating malaman kung ang New Moon section ay pwede na bang lumipat ng ibang section, kailangan na natin malaman kung ililipat na ba sila para maturuan sila ng maayos lalo pa't mayroong digmaan ang magaganap. Kailangan nilang maging handa at matutong protektahan ang kanilang sarili" mahabang sambit ni madam Otelia.

Nagsimula na ang paglilipat ng section, pumila kaming 20 students ng New Moon section at ako ay nasa huli. Ang na unang tumaas sa stage ay si Victoria.

"Victoria anong level kana ngayon?" tanong ni madam Otelia.

"Ako ay nasa level 75 na po madam Otelia" sagot nito.

"Napakataas na ng iyong level Victoria simula noong naging ganap ka ng bampira" pagpuri ni madam Otelia kay Victoria.

"Ngayon ay nasa Full Moon section kana, konting tiyaga pa Victoria malapit ka ng makatunton sa Twilight section" nakangiting dagdag ni madam Otelia at pinababa na niya si Victoria at nagtungo na sa kanyang bagong section.

Sumunod ang iba ko pang classmate at lahat sila ay napunta sa Crescent Moon section at nahati naman sila sa pangkat , ang iba ay nasa fire group at water group ang iba naman ay nasa air, earth and light group.

"Crescenta maaari ka nang tumaas dito sa stage" sambit ni madam Otelia.

Pagkataas ko ng stage ay nagbulong-bulongan silang lahat.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon