CHAPTER 6 (Lux City)

1.1K 67 6
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Hanggang ngayon ay hindi parin ako maka-move on sa nangyari kahapon, hindi ko alam kong paano nangyari ang lahat ng iyon at kung paano nawala ang sugat ko pero sabi ni Fiona ay mayroon na daw akong healing ability galing sa aking dugo na siya din nagpagaling sa legendary dragon noon sa pagsusulit, pero at the same time masaya naman ako dahil natalo ko si prince Alucard at nag upgrade ang aking level, andito ako ngayon sa aming classroom at ako pa lang ang narito, maaga kasi akong nagising at ilang sandali ay nagsidatingan na ang iba ko pang kaklase.

"Crescenta, congrats pala kahapon, ang galing mo huh napabilib mo ako" pag congrats sa akin ni Lilith.

"Ang galing mo palang makipaglaban, alam mo bang wala pang nakakatalo kay prinsipe Alucard at ikaw lang ang nakatalo dito" dagdag pa nasabi ni Lilith sa akin.

"Hindi ko nga din alam kong paano nangyari iyon" sabi ko dito.

"Ang sabihin mo nagpapapansin ka lang sa aking prinsipe, naka chamba ka lang naman pero ito ang tatandaan mo mas malakas ako kesa sa iyo dahil isa akong Bloody Moon" galit na sabi sa akin ni Victoria.

"Wala ka namang ginawa kahapon ehh hindi ka nga naka abot ng isang minuto dahil sa kalandian mo, tapos sasabihin mo na malakas ka dahil isa kang Bloody Moon" matapang na sagot ni Lilith dito.

"Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng ganyan" galit na saad ni Victoria at sasampalin sana niya si Lilith pero dumating na si madam Adam.

"Hindi pa tayo tapos" sabi ni Victoria sa amin sabay alis sa aming harapan.

"Good Morning class" pagbati sa amin ni madam Adam.

"Good Morning maam" pagbati din namin dito at ngumiti naman ito sa amin bago nagsalita.

"Ngayon ay ating batiin at palakpakan si Crescenta Wang dahil sa kanyang pagkapanalo kahapon" sabi ni madam Adam at nagpalakpakan naman ang aking mga kaklase maliban kay Victoria.

"Para yun lang, big deal na ba iyon sa inyong lahat" maarteng tanong ni Victoria habang siya ay naka-upo sa kanyang upuan.

"Alam mo kasi Victoria, si Crescenta lamang ang new moon section ang nakatalo sa isa sa mga prinsesa at prinsipe na sino man ay wala pang nakakagawa at ang ibang guro at si madam Otelia ang ating HM ay nagulat din sa aking ibinalita kahapon pati na rin ang tatlong kasama ni prinsipe Alucard sa twilight section ay hindi rin makapaniwala sapagkat alam nila na si prinsipe Alucard ang pinakamalakas dito sa Vampire Academy, at kung babae lamang ito ay pagkakamalan siyang babaeng sinasabi sa propesiya at kahit ibang section ay wala ring nakakatalo kay prinsipe Alucard" mahabang paliwanag ni madam Adam sa amin.

"Ilang taon ka na nga ulit Crescenta?" tanong sa akin ni madam Adam.

"17 years old po maam" sagot ko dito

"Saan kang lugar nabibilang?" tanong ulit nito

"Sa Lux City po maam" sagot ko ulit dito.

"Ahhh isa ka palang Hydra vampire?" tanong ulit nito at pagtango na lamang ang sagot ko dito.

"Class nasabi ko naman sa inyo kahapon na sa sabado ay tuturuan ko kayo kasama ang prinsipe at prinsesa kung paano palabasin ang inyong mga dragon, ang unang step para lumabas sila ay isipan sila nang pangalan na magugustuhan nila, mayroon pa naman kayong two days para isipan sila ng pangalan, at dahil sa may nanalo sa section niyo kahapon, walang pasok mamayang hapon ipinaalam ko na ito sa HM natin at pumayag naman ito bilang reward ninyo at pwede din kayong lumabas ng akademya pero dapat bago mag gabi ay nasa dorm na kayong lahat kaya enjoy this day" Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa kanilang narinig kaya pagkaalis ni madam Adam ay nagmadali ring umalis ang aking mga kaklase.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon