*Crescenta Bloody Moon POV*
Nagsasanay ako ngayon kasama ang royal vampires, mag isa ako laban sa kanilang apat.
"Ready na ba kayo?" tanong ng aming guro sa twilight section.
Tumango naman kami sa kaniyang sinabi at nagsimula na ang labanan. Nagtitigan naman kaming lima bago unang lumusob si Jezebel habang may hawak ng kaniyang espada. Iniilagan ko naman mga atake nito at inilabas ang aking espada, ilang sandali lamang ay tumilapon ang espada ni Jezebel sa malayo dahil sa lakas ng aking paghampas dito.
Nabasa ko naman ang kaniyang isipan na balak niyang maglaho at pumunta sa pwesto ng kaniyang espada at kunin ito. Inilabas ko ang aking latigo at inihampas sa pwesto ng espada ni Jezebel at ito ay pumulupot sa espada, mabilis ko naman itong hinatak ng nagpakita na si Jezebel sa pwesto ng espada.
Hawak ko na ngayon ang espada ni Jezebel, at makikita sa kaniyang mukha ang pagkagulat dahil sa hawak kong sandata. Tinunaw ko naman ang espada ni Jezebel gamit ang kapangyarihan ng apoy.
Hinagisan naman ako ni Jezebel ng water ball at ginamit ko naman ang aking latigo upang pigilan ang water ball na papunta sa kin, ng makita kong pagod na si Jezebel ay mabilis kong inihampas ang aking latigo sa kaniyang katawan na siyang pagtilapon nito sa kaniyang mga kasama.
Dahil doon sunod na umatake si Amber mabilis itong tumakbo sa aking pwesto kaya inilabas ko naman ang aking pamaypay at ikinumpas sa hangin na siyang nagsanhi ng pagkakaroon ng malakas na hangin.
Hindi naman makatakbo si Amber dahil sa lakas ng hangin na galing sa akin kaya ang kaniyang ginawa ay gumawa siya ng pananggalang kaya hindi na siya nililipad ng hangin.
Naglaho naman ako at pumunta sa kaniyang likuran sabay hagis sa kaniya ng air ball na siyang pagkatumba nito. Sunod namang lumusob ay si Drake, ginamit nito ang kaniyang kapangyarihan na nagsanhi ng pagyanig ng aking pwesto at may lumabas na mga ugat at pinuluputan ang aking katawan na sobrang higpit, nakita ko naman ang paghagis nito ng isang earth ball sa aking pwesto kaya gumawa ako ng pananggalang para protektahan ang aking sarili.
Pagkatama ng earth ball sa aking pananggalang ay nagsanhi ng makapal na usok at ng mawala ang usok ay inilabas ko ang aking arnis at pinukpok ito sa mga ugat at nawasak naman ito, nakita ko namang nagulat si Drake sa aking giniwa.
Bago paman makakilos si Drake ay inihampas ko na ng malakas ang aking dalawang arnis sa lupa na nagsanhi ng pagkatilapon ni Drake.
Mabilis naman akong hinagisan ni Alucard ng fire ball na siyang ginawa ko naman, inilabas ko naman ang aking pana at pinatamaan ito ngunit naiiwasan lamang niya ito. Pinatamaan ko ulit ito ng tatlong palaso na siyang nailagan niya na naman ngunit ang tatlong palasong ito ay sinusundan siya kahit saan siya pumunta.
Mabilis naman tumakbo at minsan ay naglalaho si Alucard para iwasan ang tatlong palaso, habang tumatakbo ito ay gumawa ito ng fire ball sa dalawa nitong kamay at inihagis sa aking palaso, natamaan naman ang aking dalawang palaso kaya nawala na ito.
Nakita kong gumawa ulit ng fire ball si Alucard para sa isa pang palaso, ngunit pinigilan ko ito gamit ang aking sandata na latigo, ipinulupot ko sa kaniyang paa ang aking tubig na tali na latigo na nagsanhi ng pagkabagsak niya sa lupa samantala ang palaso naman ay tuloy tuloy lang at ng malapait na ito kay Alucard ay gumalaw ito kaya natamaan lamang siya sa braso.
Tumayo naman ito at pumasok sila Drake, Jezebel at Amber, at pinalibutan ako ng apat. Nakita kong napangisi si Alucard at ang mga kasama nito, gumawa sila ng malaking ball magic na nakatutok sa akin at ng tumango na si Alucard sa kanyang kasama ay sabay sabay nilang inihagis sa akin ang malalaking ball magics.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampirosImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...