*Third Person POV*
Makalipas ang limang taon ay malaki na ang mga anak ni Crescenta at ni Alucard. Sila ay nagkaroon ng quadroplets na anak na siyang ikinatuwa ng mga magulang, kaibigan at lahat ng kakilala ni Crescenta at ni Alucard.
Sa ngayon ay malalaki na ang mga anak nila, at sa susunod na buwan ang ikalimang kaarawan ng quadroplets, na ipasa na din sa dalawa ang pamumuno sa Lux City ng ligtas na inilabas ni Crescenta ang apat niyang anak na puro lalaki. Samantala si Amber at si Kieran naman ang namumuno sa Ignis City sapagkat nagluwal na din ng isang sanggol na lalaki si Amber na ngayon ay mag aapat na taong gulang na.
Ang namumuno naman sa Harenae City ay sina Lilith at Drake na nagsilang din ng isang babaeng sanggol na kaedaran lamang ng anak ni Amber at ni Kieran, samantala si Jezebel at si Percy naman ay malapit ng maging reyna at hari ng Aqua City sapagkat ngayon taon na manganganak si Jezebel sa una nilang anak ni Percy. Sa Caeli City naman ay malayo pang palitan ang namumuno dito na si haring Athan at si reyna Ambrosia sapagkat maliit pa lamang ang bagong anak nito na kapatid ni Amber at ito ay kaedaran lamang ng mga anak ni Crescenta at ni Alucard. Pero hindi nila alam kung nasaan na ngayon ang kanilang anak, noong mag-iisang taong gulang na ang kanilang babaeng anak, hindi nila alam kung ano ang nangyri dito pero nakakasigurado sila na may kumuha dito. Hanggang ngayon ay hinahanap nila ito.
M A K A L I P A S A N G I S A N G B U W A N
"Maligayang kaarawan aking mga anak" pagbati ni Crescenta sa apat niyang anak na ngayon ay gising na sa pagkakatulog sa kanilang kwarto.
"Salamat ina" masayang sambit ng apat kay Crescenta at yinakap nito ang kanilang ina.
"Ina, nasaan po si ama?" tanong ng isang anak ni Crescenta na may kulay berdeng buhok at berdeng mata, ito ang ang pinaka bunso sa kanilang apat halos dalawang minuto lamang ang agwat nila sa isa't isa, ang pangalan niya ay si Scean Agile Bloody Moon Fronius, ang sweet ngunit makulit na anak ng mag-asawa at mas close nito ang kaniyang ina.
"Inaasikaso lamang niya ang inyong kaarawan aking mga anak" sambit ni Crescenta at hinalikan ang kaniyang mga anak sa pisngi.
"Ina, hindi na po ako baby, Im a big boy now so please lang po don't kiss me again in my cheek" masungit ngunit magalang na sambit ng isa pa niyang anak na may kulay pulang buhok at pulang mata, ito ay si Llucas Ardent Bloody Moon Fronius ang panganay sa kanilang apat, ito din ay cold sa ibang tao na namana sa kaniyang ama na si Alucard kaya mas close ito dito.
"Hindi ka panga tuli baby, so pwede pa rin kita ikiss sa pisngi mo" natatawang sambit ni Crescenta dito.
Natawa naman ang tatlong kapatid ni Llucas sa sinabi ng kaniyang ina kaya hindi mapigilan ni Llucas na tignan ng masama ang tatlo nitong kapatid.
"Ohh tama na iyan mag ayos na kayo at may ibibigay ako sa inyong magandang regalo" nakangiting sambit ni Crescenta na ikinatuwa ng apat niyang anak.
"Ano po iyon ina?" excited na tanong ng isa pang anak ni Crescenta na may kulay asul na buhok at asul na mata, siya ay si Thcris Azure Bloody Moon Fronius ang pangalawang inilabas ni Crescenta sa kaniyang sinapupunan, ito ang pinaka gentleman na anak ni Crescenta at mas close nito ang kaniyang magulang o ang kanilang lolo at lola.
"Mag-ayos na muna kayo ng inyong sarili bago ko ito ibigay sa inyo" nakangiting sambit ni Crescenta dito at kinurot ang pisngi ni Thcris. Mabilis namang gumalaw ang apat na lalaki at pagkatapos nila ay lumapit ulit ito sa kanilang ina para malaman ang kanilang regalo dito.
"Ina tapos na po kami, nasaan na po ang aming regalo?" tanong ng isa pang anak ni Crescenta na may kulay hazelnut na buhok at mata, siya ay si Ckarl Austere Bloody Moon Fronius, ang pinaka matalino sa apat na magkakapatid mahilig itong magbasa ng libro kaya mas close nito si ginoong Valmer, siya din ang pangatlo sa magkakapatid.
"Halikayo dito aking mga anak" utos ni Crescenta dito at inutusang umupo sa tabi ni Crescenta na naka upo sa kama ng apat, sa kanang bahagi ni Crescenta ay naka upo ang kanyang dalawang anak na si Llucas at Ckarl samantala sa kaliwang bahagi naman ay sina Thcris at si Scean.
Pinatayo ni Crescenta sa kaniyang harapan si Scean, pinataas ang dalawang kamay at ilang sandali lamang ay umilaw ang palad nito at doon lumabas ang sandatang latigo ni Crescenta. Nagulat naman si Scean sa ipinagkaloob sa kaniya ng kanyang ina kaya yinakap niya ito. Bumalik ulit si Scean sa pagkakaupo habang hawak niya ang sandata ng latigo na regalo sa kanya ng kaniyang ina.
Pinatayo naman ni Crescenta si Ckarl sa kaniyang harapan at ibinigay niya dito ang kaniyang sandata na arnis at tulad ni Scean ay yinakap din niya ang kaniyang ina, sunod na pinatayo ni Crescenta ay si Thcris at ibinigay dito ang kanyang pamaypay na sandata at kay Llucas naman ay ang pana at gaya ng ginawa ng dalawa ay yinakap din nila ang kanilang ina at nagpasalamat.
Tumayo naman si Crescenta sa harapan ng kaniyang mga anak.
"Mga anak sambitin ninyo ang ANATA MEUM VOBISCUM, upang sa ganun ay maging sa inyo na ang mga sandatang iyan" nakangiting sambit ni Crescenta dito at siyang ginawa ng apat. Umilaw naman ang kaliwang tiyan ni Scean, umilaw ang kamay ni Thcris, umilaw ang paanan ni Ckarl at umilaw naman ang batok ni Llucas na ang ibig sabihin lamang iyon ay sakanila na ng tuluyan ang kanilang sandata na ipinagkaloob ni Crescenta dito at iyon din ay ang mga marka ng animal spirit ng kanilang mga sandata na una ay nasa katawan ni Crescenta pero ngayon ay nasa katawan na ng kaniyang mga anak.
Nagpagalingan naman ang apat sa kanilang mga nakuhang marka sa katawan, na mas malakas daw ang animal spirit ng isa pero hindi magpapatalo ang isa pa.
Naging masaya ang kaarawan ng apat na prinsipe ng Lux City at halos ng bampira ay dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng apat na anak ni Crescenta..
________________________________
Hello Readers, gusto ko lamang sabihin sa inyo kung paano ipronounce ang mga pangalan ng apat na anak ni Crescenta at ni Alucard. Unahin natin ang bunsong anak nila na si SCEAN AGILE BLOODY MOON FRONIUS, ang pagbasa lamang po ng name niya ay SEAN silent C lang po iniba ko lamang ang spelling nito para maiba naman, at ang AGILE naman ay A-GI-LEE na ang ibig sabihin ay MALIKSI kaya ang pag pronounce ng pangalan ng bunsong anak ni Crescenta at ni Alucard ay SEAN A-GI-LEE BLOODY MOON FRONIUS.
Next is CKARL AUSTERE BLOODY MOON FRONIUS, ang pag pronounce ng name niya ay simple lamang, CKARL ang pag pronounce nito ay KARL silent C dinagdagan ko lamang ng C sa unahan nito dahil gaya nga ng sinabi ko, PARA MAIBA NAMAN at ang second name niya naman ay AUS-TI-REE na ang ibig sabihin ay SIMPLE, kaya ang pag pronounce ng pangalan ng pangatlong anak ni Crescenta at ni Alucard ay KARL AUS-TI-REE BLOODY MOON FRONIUS.
Next is THCRIS AZURE BLOODY MOON FRONIUS. THCRIS ang pag pronounce nito ay CRIS silent TH dinagdagan ko lamang ng TH sa unahan nito dahil gaya nga ng sinabi ko, PARA MAIBA NAMAN at ang second name niya naman ay A-ZOO-REE na ang ibig sabihin ay ASUL NA KALANGITAN, kaya ang pag pronounce ng pangalan ng pangalawang anak ni Crescenta at ni Alucard ay CRIS A-ZOO-REE BLOODY MOON FRONIUS.
Last is LLUCAS ARDENT BLOODY MOON FRONIUS. LLUCAS ang pag pronounce nito ay LUCAS yun lang dinagdagan ko lamang ng isa pang L dahil gaya nga ng sinabi ko, PARA MAIBA NAMAN at ang second name niya naman ay AR-DENT na ang ibig sabihin ay MAALAB O MAAPOY, kaya ang pag pronounce ng pangalan ng panganay na anak ni Crescenta at ni Alucard ay LUCAS AR-DENT BLOODY MOON FRONIUS simple lang diba.
Thank you guys for reading my story
Love you all
Bye for now, muah.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...