CHAPTER 12 (Ignis City)

889 63 0
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Gabi na kami nakatunton dito sa Ignis City sa tahanan ni Alucard. Pagkapasok namin sa kanilang palasyo ay nakita namin ang kanyang magulang at ang dalawang lalaki na nakatayo sa tabi ng magulang ni Alucard.

"Anak pabuti naman at dumalaw ka" nakangiting sambit ng ina ni Alucard sa kanya habang yakap ito.

"Magandang gabi mahal na hari at reyna pati narin sa inyo prince Kieran and prince Blade" sabay na pagbati ng tatlo samantala ako ay yumuko lamang.

"Magandang gabi mga bata, ano ang ginagawa niyo dito?" tanong ng mahal na reyna

"Kami po ay may misyon dito sa inyong lugar, kailangan po naming maunahan ang mga hades para kunin ang coin ng inyong lugar" magalang na paliwanag ni Drake.

"Coin?, bakit naman nila balak kunin iyon?" tanong ng hari

"Gagamitin nila iyon para lusubin ang Vampire Academy at ang iba pang lugar dito sa Immortal World" paliwanag naman ni Jezebel dito.

"Anong pangalan mo iha? Parang baguhan ka yata? Ngayon lamang kita nakita" singit na tanong ng reyna na nagpagulat sa akin, hindi ko ito napansin na nasa aking tabi na pala .

"Crescenta Wang po kaibigan po nila" magalang na sagot ko dito.

"Ang ganda mo namang bata, alam mo may kamukha ka?" Nakangiting saad ng reyna.

"Hahaha si reyna Celeste po ba ang tinutukoy ninyo mahal na reyna?" tanong ko dito, wala na akong kabang nararamdaman, na sanay na siguro ako sa mga sabi ng ibang reyna na kamukha ko ang aking ina.

"Oo siya nga" nakangiting saad nito. "Anak kaba niya Crescenta?" Tanong nito na nagpagulat sa akin hindi ko aakalaing itatanong niya iyon.

"Hindi po mahal na reyna, ako po ay pamangkin ni ginoong Valmer" pagsisinungaling ko dito. "Ina, kong naririnig niyo man po ang aking sinabi sana mapatawad niyo po ako, kailangan ko pong gawin ito hindi pa po ito ang tamang panahon para malaman nila ang totoo". Sambit ko sa aking isipan

"Kasintahan kaba ng kuya Alucard ko?" .tanong ng maliit na lalaki na sa tingin ko ay 6 years old na ito.

"Naku hindi bata, kaibigan ko lang ang iyong kuya" sambit ko naman dito

"Pwede ba kitang ligawan binibini?" tanong naman ng isang lalaki na sa palagay ko ay 20 years old na ito.

"Ako?" gulat na tanong ko dito at ngumiti lamang ito sa akin.

"NO!!! manliligaw niya ako, kaya lumayo ka sa kanya" sigaw na sabi ni Alucard na napagulat sa akin pati narin sa tatlo kong kasama.

"Hindi pa naman kayo, kaya I guess may chance pa ako sa kanya" nakangiting sambit ng lalaki at tinitigan siya ng masama ni Alucard pero dedma lamang ito. Sino ba ang dalawa lalaking ito.

"Tumigil na nga kayo, baka saan pa yan mapunta" pagpigil ng hari sa dalawa samantala ang reyna ay nakangiti lamang

"Siya nga pala Crescenta, ako pala si reyna Amdis Fronius" pagpapakilala sa akin ng reyna.

"Ito naman ang aking asawa, si haring Alaric Fronius" pakilala naman nito sa kanyang asawa at ngumiti naman sa akin ang hari.

"At ito naman ang dalawa ko pang anak bukod kay Alucard" turo niya sa dalawang lalaki na kausap ko kanina, may kapatid pala si Alucard.

"Hi ate Crescenta, Im Blade Fronius" pagpapakilala sa akin ng batang kapatid ni Alucard sabay yakap sa akin.

"Ate Crescenta, sagutin mo na lang si kuya Alucard para ngumiti na siya at hindi na niya ako awayin at para narin may ate na ako" natawa naman ako sa sinabi ni Blade habang nakayakap sa akin pati kasama ko ay natawa naman sa sinabi ni Blade at ng aking tingnan si Alucard ay naka ngiti ito sa akin, hindi ito yumuko o nagbago ang emosyon ng makita nitong nakatingin ako sa kanya.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon