*Crescenta Bloody Moon POV*
Pinatigil muna ni madam Otelia ang pagsasanay namin at bukas na lamang ito ipagpatuloy dahil nga sa nangyari sa mga hari at reyna.
Narito ako ngayon sa aking dorm at hinihintay ko si ginoong Valmer, mayroon kasi siyang sasabihin sa akin pero kakausapin muna niya si madam Otelia. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero alam kong importante ito.
Ilang sandali lamang ay bumukas ang gintong pinto ng aking dorm at doon ko nakitang pumasok si ginoong Valmer, napatayo at lumapit naman ako dito para kausapin ito.
"Ginoong Valmer ano ang sasabihin niyo sa akin?" tanong ko dito.
"Kailangan mong maghanda sapagkat tayo ay aalis ng Vampire Academy sapagkat hahanapin natin ang limang sandata na ipinagkaloob sa iyo ng iyong magulang bago sila mawala" sagot nito sa akin.
"Huwag kang mag-alala, pinag paalam na kita kay Drucilla, kaya mag impake kana baka abutan tayo ng buwan sa paghahanap ng mga sandata lalo pa't hindi ko alam kung anong sandata at anong espiritu ang ipinagkaloob sa iyo ng iyong magulang" dagdag na sabi pa nito.
"Ano ang tinutukoy niyong espiritu ginoong Valmer?" tanong ko dito.
"Ang animal spirit. Bawat sandata ay mayroong animal spirit pero hindi ko alam kung anong hayop na espiritu ang ipinagkaloob sa iyo ng iyong magulang" sagot nito.
Tumango naman ako dito at mabilis na nag-impake ng aking mga gamit sapagkat ngayon din ay aalis na kami ni ginoong Valmer. Pagkatapos kong mag-impake ay lumabas na ako ng aking dorm at nadatnan ko si ginoong Valmer sa sala, ito ay naka upo at nakatingin sa kanyang bukas na libro.
"Ginoong Valmer, tapos na po akong mag-impake" sambit ko dito at lumingon naman ito sa akin.
"Kung ganun tayo na mahal na prinsesa" sambit nito sabay tayo at nagcast ng spell.
"Ginoong Valmer, saan po ba tayo dito sa Immortal World pupunta?" tanong ko dito.
"Ayon sa aking libro wala rito sa Immortal World ang limang sandata" sagot nito na nagpagulo sa akin.
"Kung wala dito sa Immortal World saan?" takang tanong ko dito.
"Sa Mortal World Crescenta, naroon ang limang sandata at ang unang clue na ibinigay sa atin ng aking libro ay ang bansang Pilipinas doon natin makikita ang arnis na sandata" sambit nito.
"Doon tayo pumunta sa bahay ni tita Lucia, alam kong alam niya kung saan makikita ang arnis" natutuwang sambit ko kay ginoong Valmer.
Sinunod naman ni ginoong Valmer ang aking sabi kaya pagkabukas ng portal ay pumasok na kami at inilabas kami nito sa pinto ng bahay ni tita Lucia na minsang aking naging tahanan.
Kumatok naman ako ng tatlong beses at binuksan ito ni tita Lucia, makikita sa kanyang mukha ang gulat na napalitan ng tuwa ng makita muli ako.
"Crescenta" sambit nito at yinakap ako ng mahigpit.
"Tita Lucia, miss na miss nakita" sabi ko dito at hindi ko mapigilang umiyak.
"Miss na miss na din kita Crescenta" sabi naman nito at humiwalay na sa aming pagkakayakap.
"Ano pala ang ginagawa mo dito? Ang akala ko na sa Immortal World ka?" tanong nito sa akin.
"Tita Lucia kasama ko po pala si ginoong Valmer, narito po kami para sa isang misyon" ipinaliwanag ko naman kay tita Lucia kung ano ang ginagawa namin dito at kung ano ang hahanapin namin at hindi rin maiiwasan ang tanungin niya ako tungkol sa aking buhay, kung ganap na ba akong bampira, kung nahanap ko na ba ang aking magulang at kung okay lang ba ako sa Immortla World.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...