CHAPTER 34 (Crescenta is Alive)

690 41 0
                                    

*Third Person POV*

Nagulat ang lahat sa kwento ni haring Vladamir na kakambal ni ginoong Valmer, hindi makapaniwala si ginoong Valmer na mayroon siyang kapatid.

"Dahil sa iyong pagmamahal at pagkainggit kaya ka nagkakaganito Vladamir" galit na sambit ni ginoong Valmer dito.

"At dahil riyan sa pagiging sakim mo kaya nagpakamatay ang ating ama" dagdag na sambit ni ginoong Valmer.

"Wala kang alam VALMER!!" galit na sigaw ni Vladamir dito sabay labas ng kaniyang itim na libro at pinalutang sa kaniyang harapan, inihanda naman ni ginoong Valmer ang kaniyang puting libro. Nagpalitan ang dalawang magkapatid ng kani-kanilang spell samantala nagsimula na ang labanan ng mga haven at hades vampires, ang royal vampires ay kalaban ang crook vampires at si madam Otelia ay ang ibang hades, tumulong din ang mga hari at reyna pati narin ang dala nilang kawal, ngunit lamang padin ang hades sa digmaan dahil sa mga estudyante ng Vampire Academy na ngayon ay naging hades vampires na dahil sa mahika na ginawa ni haring Vladamir dito.

Ang crook vampires naman ay lalong lumakas dahil sa mahika ni haring Vladamir, mas dehado ngayon ang royal vampires lalo pa't pagod sila sa nakaraang araw dahil sa paghahanap nila kay Crescenta, kulang din sila sa pagsasanay dahil alam nila na mayroong magliligtas sa kanila.

Si madam Otelia naman ay gumagamit ng kaniyang spell, pinapatulog at pinaparalisa niya ang mga hades na dati niyang estudyante, ayaw niyang saktan ang mga ito sapagkat naniniwala siya na makakabalik ulit ito sa dati.

Ang mga hari at reyna naman ay malaki din ang itinulong sa labanan lalong lalo na si haring Cassius at reyna Celeste na mayroong dalawang special powers. Inilabas din nila ang kanilang mga dragon na si Ladon at Luna para tumulong sa labanan.

Marami ding mga kawal ang nasawi sa labanan at ang iba naman ay pinipilit lumaban para sa kanilang hari at reyna at para narin sa Immortal World.

Samantala ang dalawang magkapatid naman ay nageespadahan na ngayon, makikita sa kanilang mukha ang pagiging seryoso at ayaw magpatalo sa labanan.

"Aking kapatid sumuko na lamang kayo at ibigay mo sa akin ang iyong libro para matapos na ang digmaang ito" sambit ni Vladamir ngunit ngumiti lamang dito si Valmer at nagsimula na ulit silang lumaban.

Inilabas ulit ng dalawa ang kanilang libro at unang nagpalabas ng mahika ay si Vladamir.

Nagpalabas siya ng isang dark magic papunta sa pwesto ni ginoong Valmer pero hindi ito natamaan sapagkat gumawa ng harang si ginoong Valmer gamit ang kaniyang spell.

Nagpalabas naman ng maraming kutsilyo si ginoong Valmer sa pwesto ni haring Vladamir, nireverse naman ni haring Vladamir ang mahika ni ginoong Valmer kaya ang mga kutsilyo ay papunta na ngayon sa pwesto ni ginoong Valmer, at ng malapit na ito sa pwesto ni ginoong Valmer ay tumigal ito at pinasabog ni ginoong Valmer.

Nagpalabas naman siya ng isang malakas na hangin na may kasamang pangpatulog sa pwesto ni haring Vladamir, nag cast naman ng spell si haring Vladamir kaya hinigop ng itim na libro ang hangin na may kasamang pampatulog na gawa ni ginoong Valmer.

Nagcast ng spell si haring Vladamir, ito din ay isang hangin ngunit may kasamang lason, mabilis naman na gumuwa ng harang sa sarili si ginoong Valmer gamit ang spell ngunit sinira naman ni haring Vladamir ang spell ni ginoong Valmer na siyang itinuro ng kanilang ama kaya nasira ang pananggalang ni ginoong Valmer at nalanghap nito ang hangin na may kasamang lason.

Lumikha ng mga puppets si ginoong Valmer at inutusang atakihin si haring Vladamir at nagcast din siya ng isang spell para mawala ang lason na nasa kaniyang katawan, samantala nagcast ng spell si haring Vladamir sa mga puppets ni ginoong Valmer kaya naging abo ang mga ito.

Nagcast ng spell si haring Vladamir at iyon ay ang shadow magic na kung saan ang anino ni ginoong Valmer ay kayang utusan ni haring Vladamir.

"Lumapit ka dito" sambit ni haring Vladamir sa anino ni ginoong Valmer na siyang ginawa nito, nakalapit na si ginoong Valmer sa pwesto ni haring Vladamir dahil sa spell na gawa nito. Kukunin na sana ni haring Vladamir ang libro ni ginoong Valmer nang mawala ito sa kanilang harapan dahil na din sa pagcast ng spell ni ginoong Valmer.

Sinakal ni haring Vladamir ang kaniyang kapatid at galit na tinitigan ito.

"Ibigay mo sa akin ang puting libro Valmer" galit na sambit ni haring Vladamir.

"Hindi ko kailan man ibibigay sa iyo ang puting libro, lalo pa't ito ay kusang ibinigay sa akin ng ating ama" nakangiting sambit ni ginoong Valmer dito at nainis naman si haring Vladamir sa sinabi ni ginoong Valmer kaya hinigpitan pa niya lalo ang pagkakasakal dito.

"Tama nga ang ating ama, hindi ka karapat dapat na humawak ng kahit anuman sa dalawang libro" hirap na sambit ni ginoong Valmer dito.

"Tumigil ka!!" sigaw ni haring Vladamir dito.

"Hindi sa iyo ipanag kaloob ang puting libro sapagkat alam ng ating ama na hindi mo ito gagamitin sa tama" nang iinis pang sambit ni ginoong Valmer.

"Tumahimik ka" gigil na sambit nito sa kaniyang kapatid at naging pula na ang mga mata nito dahil sa galit, gusto na sana niya itong patayin ngunit hindi pa niya nakukuha ang puting libro dito.

"Kaya walang nagmamahal sa iyo Vladamir kasi wala kang kuwentang nilalang" nahihirapang sigaw ni ginoong Valmer sa kanyang kakambal.

"Tumahimik ka sabi!!!" sigaw ni haring Vladamir at malakas na itinapon si ginoong Valmer sa isang gusali na dahilan ng pagsuka ng dugo nito at pagkaguho ng gusali.

"Kung ibinigay mo na lamang sa akin ang puting libro sana hindi kana masasaktan ng ganyan" sambit ni haring Vladamir sa kanyang kapatid na hanggang ngayon ay naka-higa pa sa lupa at sumusuka ng dugo samantala natalo na ng mga hades vampires ang mga natitirang haven vampires.

"At kayo naman" sambit ni haring Vladamir sabay turo sa natitirang haven vampires.

"Sumuko na kayo wala ng magliligtas sa inyong lahat, pinatay ko na ang babae sa propesiya" sambit ni haring Vladamir.

Nagulat naman sila sa sinabi ni haring Vladamir, makikita sa kanilang mga mata ang galit dito.

"Sinungaling ka, hindi pa patay ang aking anak" sigaw na sambit ni reyna Celeste dito.

"Hahaha kung hindi pa siya patay, bakit wala siya dito? Bakit pinabayaan niya na mangyari ito sa inyo?" napaluhod naman si reyna Celeste sa sinabi ni haring Vladamir.

"Hahahahaha" nagtaka naman silang lahat sa pagtawa ni ginoong Valmer na ngayon ay naka upo na.

"Hindi mababago ang propesiya" sambit ni ginoong Valmer dito. Na inis naman si haring Vladamir sa sinabi ni ginoong Valmer patatamaan niya sana ito ng isang dark ball magic ng may pumigil sa kaniyang isang apoy na palaso at siya ay nasugatan sa kanang braso.

Hinanap niya kung saan galing ang palasong iyon at doon niya nakita sa himpapawid ang isang bampira na nakasuot na gintong kapa na natatakpan ang mukha nito na nakasakay sa dragon na mayroong ibat ibang kulay.

Bumaba sila sa pwesto ni ginoong Valmer at tinulungan ang lalaki, pinasipsip ng bampira na may suot na gintong kapa si ginoong Valmer kaya gumaling ito.

"Sino ka?" tanong ni haring Vladamir dito.

"Nakalimutan mo na ba ako haring Vladamir" sambit ng bampira sabay alis ng sombrero na naka takip sa kaniyang mukha na nagpagulat kay haring Vladimir.

"Hindi maaari" gulat na sambit ni haring Vladamir.

"Crescenta is Alive" natutuwang sambit ni madam Otelia.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon