CHAPTER 3 (Welcome to Vampire Academy)

1.3K 90 0
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Pagkauwi namin ni ginoong Valmer ay nagluto ito ng maraming pagkain, habang kami ay kumakain bigla itong nagsalita.

"Crescenta? Paano mo napa-amo ang tatlong dragon na naka tatak na sa iyong kanang pulso?" tanong nito sa akin.

"Yun nga din ang pinagtataka ko ginoong Valmer, wala naman ako ginawa,pinakain ko lang naman sila ng tinapay, baka mababait talaga sila gusto lang nila protektahan ang isat isa lalo na ang mga mahihinang dragon tulad nitong isang dragon na ito" sabay turo ko sa dragon na may ibat ibang kulay.

"Nakakatuwa ka talagang bata ka, marami ka pang hindi alam dito sa ating mundo, alam mo ba na ang king and queen of dragon ay ngayon lamang ulit ito nagpakita, ito ay pagmamay-ari ng iyong ina at ama, bago mawala ang iyong mga magulang ay lumabas ang dalawang dragon para tulungan ang iyong magulang ngunit sumuko lamang ang iyong mga magulang para iligtas ka pati narin ang inyong kaharian, at ang legendary dragon naman ay hindi ito basta basta napapa-amo ng ibang nilalang dahil sa lakas nito kahit ang hari ng mga hades ay hindi ito napa-amo kahit ako at ng iyong ina at ama" mahabang salaysay sa akin ni ginoong Valmer.

"Wow naman! Anong klaseng dragon ba sila? Ano ang kanilang mga kulay?" Tanong ko dito na mayroong pagkamangha.

"Ayon sa aking libro at noong nagpakita ang hari at reyna ng mga dragon sa amin, ang kulay ng hari at reyna ay puti at itim samantala ang legendary dragon naman ay mayroong ibat ibang kulay." nakangiting sagot ni ginoong Valmer na nagpagulat sa akin, ang lahat na dragon na kanyang sinabi ay katulad din ng dragon na nasa akin ngayon.

"Huwag mong sabihin na ang hari at reyna pati narin ang legendary dragon ay nasa akin na ngayon." naguguluhang saad ko dito.

"Sila nga mahal na prinsesa, sila ang hari at reyna at legendary dragon ng mundong ito na nasa iyo ngayon, ito ay nag-iisang kulay lamang at walang kapares, kaya bilib ako sa iyo mahal na prinsesa dahil nagawa mong makakuha ng tatlong dragon na sino man ay hindi pa nakakagawa dahil sa kulang sila sa lakas, ikaw nga talaga ang sinasabi sa propesiya" masayang sabi sa akin ni ginoong Valmer habang ako ay hindi makapaniwala sa aking narinig.

"Imposible." ang tangi kong nasabi dahil sa pagkagulat sa aking narinig.

"Mahal na prinsesa, sa mundong ito ay lahat posible walang imposible" nakangiting sabi sa akin ni ginoong Valmer.

"Siya nga po pala tito sino yung babae nasi Victoria Bloody Moon? wala naman po ikaw na ikwento sa akin na may kapatid ako at kamag-anak dito sa mundong ito" tanong ko dito

"Siya ay nagpapanggap lamang na siya ay isang Bloody Moon, ako at si madam Otelia ay hindi niya maloloko" Seryosong sabi ni ginoong Valmer sa akin, hindi pa ako sanay na tawagin siyang tito.

"Mas mabuti na iyon Crescenta, walang maghihinala saiyo na ikaw ay isang Bloody Moon" dagdag na sabi pa nito at pagtango na lamang ang aking tugon dito.

"Bilisan mo na riyan Crescenta at magpahinga kana sa iyong silid, bukas na ang simula ng iyong pag-aaral sa Vampire Academy, kailangan mong maaga bukas" .bilin sa akin ni ginoong Valmer

Pagkatapos kong kumain ay nag paalam na ako kay ginoong Valmer na matutulog na at pagdating ko sa akin silid ay nagpahinga na ako.

K I N A B U K A S A N...

Maaga akong nagising ngayon para makapaghanda na papuntang paaralan, ang pangIt naman kasi kung mali-late ako. Pagkalabas ko ng aking silid nadatnan ko si ginoong Valmer na nagluluto ng almusal namin, nakasuot lang pala ako ngayon ng pantalon at puting t-shirt na mayroong itim na kapa na bigay sa akin ni ginoong Valmer.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon