*Crescenta Bloody Moon POV*
Habang ako ay naglalakad mayroon akong nakitang babaeng kumakaripas ng takbo tila bay mayroong humahabol dito sinundan ko itong pumasok sa eskinita at laking gulat ko nang makita ko itong nakahandusay sa gilid ng basurahan, linapitan ko ito at nakita kong may kagat siya sa bandang leeg, nang hinawakan ko ang kanyang kamay nagulat ako dahil sa malamig at maputlang kamay nito at doon ko napagtanto na wala na itong buhay napatakip ako ng aking mukha dahil sa aking nakita, hindi ko alam ang aking gagawin nang biglang may lalaking sumulpot sa aking harapan, dahil sa katangkaran nito kailangan kong iangat ang aking ulo para masilayan ang kanyang mukha, laking gulat ko ng makita ko ang mga namumula niyang mata at dugo sa kanyang labi napaatras ang aking paa ng dalawang hakbang dahil sa itsura ng lalaki nais kong tumakbo ngunit hindi ko magawa dahil nanghihina at nanginginig ang aking mga tuhod dahil sa takot.
"S-Sino ka?" Nauutal kong tanong sakanya, imbis na sagutin ang aking katanungan ay ngumiti ito at doon ko nasilayan ang dalawang pangil nito at mabilis na lumapit sa akin at kinagat ang aking leeg. Bago ako nawalan nang malay narinig ko pa ang sabi nito...
"Kauri kana namin ngayon".
______________________________
Napabalikwas ako sa aking kama na hinihingal, daig ko pa ang tumatakbo ng ilang kilometro. Tumagaktak din ang malamig na pawis sa buong katawan ko. Pinunasan ko ang aking basang noo dahil sa pawis gamit ang aking kanang kamay. Laking tuwa ko dahil panaginip lang ang lahat at hindi totoo ang mga bampira. Bumangon na ako sa aking higaan at lumabas sa aking kwarto nadatnan ko si tita lucia na may kausap na lalaki sa sala.
"Oh, Crescenta gising kana pala, halika at ipapakilala ko sayo ang ating bisita". Nang nakalapit na ako sa pwesto ni tita Lucia ay nag simula ng magpakilala ang lalaking na sa harap namin, ito ay naka suot ng kapang kulay itim at mayroong dalang libro sa kaliwang kamay.
"Ako nga pala si Ginoong Valmer," pakilala nito.
"Ako naman po si Crescenta," magalang na saad ko dito.
"Crescenta, alam niya kung nasaan at kung ano nangyari sa iyong mga magulang, pumunta siya dito para tulungan ka at hanapin ang iyong mga magulang." Mahabang saad ni tita Lucia sa akin.
"Tama po ba ang sinabi ng aking tita Lucia? Kilala mo po ba ang aking mga magulang? Nasaan po sila?" Maluha luhang tanong ko dito dahil sa tuwa.
"Oo iha, ang iyong mga magulang ay malakas at mabait na bampira sila ay sina haring Cassius at reyna Celeste pinamumunuan nila ang Lux City sa immortal world na kung saan doon ka nabibilang, dahil sa tulong ng aking libro natuton kita dito sa mortal world, sa ngayon hindi ko nararamdaman ang presensya ng iyong mga magulang simula noong lumusob ang mga hades o masasamang bampira at noong araw na iyon ay sumuko ang iyong mga magulang para mailigtas ka at ang inyong kaharian, sumama sila sa pinuno ng mga hades na si haring Vladamir pagkatapos iyon hindi ko na nararamdaman ang presensya ng iyong mga magulang." Mahabang sabi at nagpagulat sa aking mga nalaman.
"Ako immortal? Bakit hindi ko maramdaman?" Naguguluhang tanong ko dito.
"Sapagkat tulog pa ang dugong bampira mo, sa pagsapit mo ng ika- 18 na taon doon mo lang mararamdaman na hindi ka tao at kailangan mayroong kakagat sa iyo ng bampira upang maging ganap kang bampira. Ayon sa propesiya ikaw ang pinakamalakas na bampira at magliligtas sa immortal world laban sa mga hades at lalong lalo na kay haring Vladamir , ng malaman kong gusto kang ipapatay ni haring Vladamir ay agad kong ikaw hinanap upang protektahan at sanayin kung paano lumaban." mahabang paliwanag nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...