*Crescenta Bloody Moon POV*
Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama ang royal vampires, pinag-uusapan namin ang nangyari noong isang araw yung pagpapakilala ko at ang paglitaw ng aking magulang.
Hindi parin ako makapaniwala na natagpuan ko na ang aking magulang, siya nga pala na sa office sila ngayon ni madam Otelia at kasama ang ibang hari at reyna para kausapin ito sa hindi ko alam na dahilan.
"Crescenta masaya ako at nakita mo na ang iyong magulang" nakangiting sambit ni Jezebel sa akin.
"Salamat Jezebel" sambit ko naman dito.
Napatingin naman ako sa aking kanang bahagi ng may umakbay sa akin at nakita ko sil Alucard na naka ngiti sa akin.
"Nagkatotoo na din ang hiling mo Crescenta na makita ang iyong magulang sa mahabang panahon" sambit sa akin ni Alucard.
"Hindi na ako makakapayag na mawala pa sila sa akin, gagawin ko ang lahat para maprotektahan sila laban kay haring Vladamir" sambit ko naman dito at yinakap naman ako ni Alucard, siya nga pala magkasintahan na kami ni Alucard at tanggap naman kami ng mga magulang namin.
Alam niyo ba noong nalaman nila ang tunay kong pagkatao ay naging magalang na sa akin ang lahat ng mag-aaral dito sa Vampire Academy na siyang kinailang ko. Kapag naglalakad ako sa hallway,lahat ng nakakasalubong ko ay yumuyuko sa akin. Pinabayaan ko na lamang sila.
Napatingin naman ako pintuan ng Cafeteria ng pumasok ang aking magulang at kasama nila ang mga hari at reyna. Lumapit sila sa aming pwesto, tumayo naman ako at yinakap ang aking magulang.
"Ama, Ina ano po ang pinag-usapan ninyo sa office ni madam Otelia?" tanong ko sa kanila.
"Anak balak namin ng iyong ina na ibalik muli ang ating lugar at ang ating kaharian, kaya humingi kami ng permiso kay Drusilla sa aming gagawin" sambit ng aking ama.
"Sa susunod na linggo namin ito balak gawin at sa linggo ding iyon ay babalik na ang mga hari at reyna sa kanilang lugar sapagkat nabawi na natin ang mga coins" sambit naman ng aking ina.
Napangiti naman ako sa sinabi ng aking magulang, gusto ko ng makita ang aming tirahan hindi na ako makapaghintay.
M A K A L I P A S A N G I S A N G L I N G G O...
Nakasakay kami ng aking magulang sa aming mga dragon, at kami ay patungo sa aming lugar, at sa aming likuran ay ang mga mamamayan ng Lux City. Tinipon sila ng aking ina at ama para sabay sabay kami pumunta sa aming tahanan.
Hindi ko na ngayon pagmamay-ari ang itim at puting dragon, naroon na sila ngayon sa aking magulang na silang tunay na amo nito. Tuwang tuwa naman ako sapagkat nakaka usap kuna ito hindi gaya noon na walang kibo.
Pagkadating namin sa Lux City, hinawakan ng aking ina at ama ang harang na nakapalibot sa loob ng Lux City at ilang sandali ay nawala ang harang at ang makapal na hamog na nakapalibot dito.
Naghiyawan naman ang lahat ng hydra at hydro vampires na aming kasama ng makita ulit ang kanilang tunay na tahanan. Nagsilakad na ito at tinungo ang kanilang mga bahay at kami naman ay nagtungo sa aming kaharian, ang aming tirahan.
Pagkapasok namin sa palasyo ay isang malaking picture frame ang aking nakita tulad din ito sa bahay ni ginoong Valmer. Ikinumpas naman ng aking ina ang kanyang kamay at doon lumabas ang kapangyarihan ng hangin na patungo sa picture frame at tinakpan ito.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...