CHAPTER 14 ( Success)

903 53 1
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Dahil sa kagat ni Alucard ay nahihilo ako kaya napa upo ako sa lupa tinignan ko naman ang aking mga kasama pero wala na silang malay.

Ang crook vampires naman ay nakatingin lamang sa akin.

"Patayin niyo siya, sagabal siya sa ating mga plano" sambit naman ni Katherine sa kanyang mga kasama.

Hinagisan ako ni Lazarus, Raul at Lucinda ng dark ball magic, hindi ko alam ang aking gagawin at tinitigan ko lamang ito na patungo sa aking direksiyon.

Nagulat na lamang ako ng ito'y malapit na sa akin ay bigla na lamang ito'naging abo at linapad lamang ng hangin.

*Third Person POV*

Nagulat naman ang crook vampires sa kanilang nakita ng umilaw ang mga mata ni Crescenta at ginawang abo ang kanilang dark ball magic.

"Siya ay ganap ng bampira, at ramdam ko na malakas siya" sambit ni Raul sa kanyang mga kasama.

"Huwag kayong matakot sa babaeng iyan, ngayon pa lamang siya naging ganap na bampira kaya nakasisiguro akong wala pasiyang alam sa kanyang kapangyarihan" sambit ni Katherine, "Lusubin niyo siya at patayin" dagdag na sabi pa nito.

Isa isang lumusob ang tatlo kay Crescenta, ang una ay si Raul ginamit niya ang kanyang dark ball magic na may lason habang naglalakad ito sa pwesto ni Crescenta pero gaya ng dati ay naging abo lang ito dahil sa titig ni Crescenta.

Tumayo naman si Crescenta at hinarap ang kanyang mga kalaban.Nawala na ang kanyang pagkahilo at pagkatapos iyon ay nababasa na niya ang nasa isip ni Raul pati narin ang tatlong kasama nito.

Nagteleport si Raul sa harap ni Crescenta at sinakal ito sa ere pagkatapos ay sinaksak niya ang tiyan ni Crescenta ng kanyang espadang may lason, binatawan niya na si Crescenta at ang babae naman ay lumagakpak sa lupa.

"Tama nga ang sabi ni Katherine, mahina ka lang" nakangiting saad ni Raul at tumalikod na ito kay Crescenta at babalik na sa kanyang kasama.

Samantala nagulat naman ang kasama ni Raul ng makitang naka tayo si Crescenta sa likod nito.

Hindi alam ni Raul kung bakit ganoon ang itsura ng kanyang kasama kaya tumingin ito sa kanyang likod at doon niya nakita si Crescenta na nakatayo at wala na ang sugat nito sa kanyang tiyan.

"Paanong nangyari iyon, walang sino man ang nakakagamot ng lason ko?" gulat na tanong ni Raul ,ngunit ngumiti lamang si Crescenta dito at sinakal niya ito.

"Hindi ako mahina, tandaan mo iyan" saad ni Crescenta sabay kagat sa leeg ni Raul at sinipsip ang dugo nito, kanina pa kasi siya nauuhaw sa dugo.

Pagkatapos sumipsip ng konting dugo ni Crescenta sa lalaki ay sinuntok niya ito sa dibdib at tumilapon naman si Raul sa pwesto ng kanyang mga kasama.

Ng hihinang tumayo si Raul habang hawak nito ang kaniyang dibdib.

"Malakas siya" tanging sambit nito.

"Kalokohan" sambit ni Lazarus.

Sabay na nagteleport si Lazarus at si Lucinda sa pwesto ni Crescenta, sinubukan ni Lazarus na pasukin ang isipan ni Crescenta para gamitin ang illusion power pero bigo siya.

'Bakit hindi ko mabasa at mapasok ang isipan niya?, sambit ni Lazarus sa kanyang isipan.

Samantala nagteleport naman si Lucinda sa likod ni Crescenta at hinawakan niya ito sa balikat para gamitin ang kaniyang kapangyarihan dito at magteteleport ulit sana siya para makalayo sa babae pero nahawakan ni Crescenta ang kamay ni Lucinda na kanina ay hawak siya sa balikat.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon