CHAPTER 16 (The Traitor)

892 51 1
                                    

*Third Person POV*

May isang babae ang kakadating lamang sa Vampire Academy at lumapit ito sa kanyang dalawang alalay.

"Master, saan kaba galing halos isang buwan kang wala dito sa akademya?" alalay 1.

"Umuwi ako sa aming tahanan sapagkat nagkaroong ng problema" sagot ng babae.

"Ahh ganun ba, hindi mo tuloy alam ang mga nangyayari dito sa Vampire Academy"alalay 2.

"Bakit? Ano ba ang nangyari?" tanong ng babae sa dalawa.

"Ehh kasi naka uwi na ang royal vampire kasama si Crescenta galing sa isang misyon, nagtagumpay sila na makolekta ang mga coins ng ibat-ibang lugar ngunit nagtagumpay din ang mga hades na makuha ang mga coins sa atin, at ang sabi sabi ay mayroong taksil dito sa akademya" alalay1.

"At ipinahayag kanina ni madam Otelia na simula bukas ay magkakaroon ng training araw araw para maging handa tayo sa paglusob ng mga hades" alalay 2.

Napangiti naman ang babae sa kaniyang narinig.

"Hahaha humanda na kayo mga haven sa aming paglusob, sisiguraduhin namin na lahat kayo ay mamamatay" natatawang sambit ng dalaga sa kaniyang isipan.

"Bakit ka tumatawa Victoria?" alalay 1 pero imbis na sagutin ng dalaga ang alalay ay tinitigan niya ito ng masama.

"Patawad po master" paghingi ng tawad ng alalay 1 kay Victoria sa hindi pagtawag nito ng master.

Nagtungo ulit sa Tenebris City si Victoria para sabihin ang kanyang nalaman kay haring Vladamir. Naabutan niya sa Tenebris City ang hari na nakaupo sa trono nito at umiinom ng dugo.

"Mahal na hari simula bukas ay magsasanay araw-araw ang mga haven vampire para paghandaan ang ating paglusob" sambit ni Victoria dito.

"Hahaha alam kong takot na takot sila, sapagkat wala silang laban sa mga coins na nasa atin ngayon" natatawang sambit ni haring Vladamir.

"Maliban riyan ay hinahanap din nila ang espiya sa akademya" natatawang sambit din ni Victoria.

"Hahaha mga kawawang bampira, wala silang alam na nagpapasok sila ng hades sa kanilang paaralan. Mahusay ang lahat ng ginawa mo Victoria mahusay, hindi nila nalaman na ikaw ang espiya" sambit ng hari.

F L A S H B A C K

*Third Person POV*

Sa Tenebris City ay mayroong mga batang edad 17 ang nasa harapan ni haring Vladamir, naghahanap ang hari ng isang bampira na kaniyang magiging mata sa loob ng Vampire Academy para malaman niya kung ano ang mga balak ng haven vampire o kaya naman ay kailan sila lulusob at para na din hanapin ang babaeng sinasabi sa propesiya na siyang tatalo sa kaniya.

"Ikaw, lumapit ka dito" turo ng hari sa isang babaeng bampira.

"Ikaw ang aking magiging mata sa loob ng Vampire Academy" sambit ng hari at tumango naman ang babae.

"Bukas din ay kailangan mong mag-enrol sa Vampire Academy at magpapanggap ikaw na isang Bloody Moon, ang iyong magiging pangalan ay Victoria Bloody Moon. Maliwanag ba?" tumango naman ang babae sa sinabi sa kanya ng kaniyang hari.

"Bibigyan kita ng proteksiyon lalong lalo na sa aking kakambal para hindi nila malaman na isa kang hades" sambit ulit ng hari.

Sa araw ng pagsusulit ni Victoria ay nakasama niya si Crescenta at ang 18 pang bampira at lahat sila ay nakapasa sa pagsusulit.

Isang araw ay may naka-away si Victoria na isang bampira sapagkat natapunan ito ng juice ang kaniyang damit.

"Ano ba! Tignan nyo ang dumi na ng damit namin hindi kasi kayo tumitingin sa dinadaanan" inis na sabi ni Victoria sa dalawang babae.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon