*Crescenta Bloody Moon POV*
Andito na ako ngayon sa harap ng new moon section, late na ako ng limang minuto kumatok ako ng tatlong beses bago ito buksan ng aming guro.
"Magandang umaga po maam" naka ngiting pag-bati ko dito.
"Magandang umaga din sayo iha, ikaw ba si Crescenta Wang?" Naka ngiting tanong nito sa akin.
"Opo, sorry Im late" paghingi ko ng tawad dito.
"Ok lang iha, sige na pasok kana at magpakilala" nakangiting sabi nito sa akin. Pagkapasok ko sa classroom ay lahat sila napatingin sa akin yung kaninang maingay ay napalitan ng bulong bulongan tungkol sa akin noong pagsusulit.
"Magandang umaga" kinakabahang panimula kong sabi sa kanila dahil sa kanilang mga mukhang hindi maipinta lalo na si Victoria kung makatingin parang gusto na akong patayin.
"Ako pala si Crescenta Wang, 17 years old galing sa Lux City pero nakatira ako ngayon sa aking tiyo, that's all" pagpapakilala ko sa kanila.
"Ok iha, ako nga pala si Ms. Lenora Adam ang inyong magiging guro niyo habang kayo ay hindi pa ganap na bampira, pwede ka ng umupo doon" sabay turo nya sa upuang bakante sa hulihan.
Umupo na ako sa bakanteng upuan at pansin ko na ang aking mga kaklase ay yung 19 na kasama ko din sa pagsusulit, dibale kami ay 20 lamang.
"Hi Crescenta, Im Lilith Conception galing sa Harenae City, and im also 17 years old" pakilala sa akin ng babaeng na sa unahan ko.
"Hello, nice to meet you" tugon ko dito at nginitian niya naman ako sabay harap niiya sa unahan dahil sa nagsisimula ng magdiscuss si maam Adam.
"Dito sa ating mundo tayo ay may tinatawag na HAVEN at HADES", simula ng aming guro. "Pag sinabing HAVEN ito ay ang mga mababait na bampira kabilang dito ang 5 kaharian ng Immortal World samantala ang HADES naman ay mga bampirang masasama at ang hangad lamang ay kapangyarihan, ang namumuno dito ay si Vladamir. Si Vladamir ay hindi talaga masama noon pero ng siya ay nabigo sa kanyang pagmamahal kay reyna Celeste ay nagbago ang kanyang ugali at gumawa siya ng sariling lugar, ang Tenebris City..." Pagpapaliwang ni madam adam sa amin at ngayon ko lang nalaman na mahal pala niya ang aking ina. "at ang mga naninirahan dito ang mga bampirang gumagamit ng dark magic, na kung saan walang tigil na nanggugulo sa limang Cities pero ayon sa libro ni ginoong Valmer may isang babae ang magpapabago sa lahat ng mga hades at hanggang ngayon hindi pa nahahanap ang babaeng magliligtas sa ating lahat." dagdag na paliwanag sa amin ni madam Adam
"Sino sa inyo ang may tanong?" Tanong nito sa amin.at ng walang tumaas ng kamay ay nagsalita ulit ito.
"Kung wala na kayong tanong, pwede na kayong mag-lunch at babalik ng 1 pm, at mamaya ididiscuss ko naman sa inyo kung ano ba ang ibat ibang kapangyarihan ng isang bampira" pagkasabi iyon ng aming guro ay nagsilabasan naman ang aking kaklase at ako naman ay hinintay silang umalis.
"Crescenta, sabay na tayo pumunta sa canteen" sabi ni Lilith sa akin at nginitian ko naman ito.
Habang kami naglalakad ni Lilith papuntang canteen ay nag-usap lamang kami nito at ng pagpasok naman sa canteen ay hindi namin napansin ang tatlong babaeng palabas ng canteen, ang ending ay nagkabanggaan kami nito, at ang hawak naman nilang juice ay natapon sa kanilang damit.
"Ano ba! Tignan nyo ang dumi na ng damit namin hindi kasi kayo tumitingin sa dinadaanan" inis na sabi ni Victoria sa amin.
"Sorry Victoria, hindi naman sinasadya ni Crescenta" pagpaumanhin ni Lilith sa kanila.
"Anong hindi sinasadya, ang sabihin niyo ang tatanga niyo, mga bwesit" sigaw na sabi sa amin ni Victoria.
"Hindi nga naman sinasadya, ehh di sana binuhos na lang namin yang mga juice niyo sa inyong pagmumukha" Sigaw ko din sa kanila.
"Abah sumasagot ka pa hah" mahinang tulak nito sa akin.
"Hindi mo ba ako kilala? Ako ay isang Bloody Moon pwede kitang tirisin ng walang kahirap hirap" mayabang na sabi nito sa amin.
"Ang tanong, totoong Bloody Moon kaba?" tanong ko dito na nakangiti habang siya ay hindi maipinta ang mukha dahil sa tanong ko.
"A-anong pinagsasabi mo? Tunay akong Bloody Moon noh" nauutal na sagot nito sa aking tanong na nagpangiti sa akin.
"Anong ngini-ngiti mo jan ahh? Maka-alis na nga, hindi pa tayo tapos tandaan niyo yan" pikon na sabi nito.
"Lets go girls" Tawag niya sa kanyang alalay este sa dalawang babae at umalis na sila sa canteen.
Nag-order na kami ni Lilith ng pagkain naman, pagkatapos namin mag-order ay umupo na kami ni Lilith sa bandang labasan ng canteen at nagsimula na kaming kumain dahil malapit na mag time. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa aming silid, pagdating namin ay umupo na kami sa aming upuan at ilan sandali ay dumating na si madam Adam.
"Good afternoon class" bati nito sa amin.
"Good afternoon maam" sabay sabay na bati din namin dito.
"Ngayon ay tatalakayin natin ang ibat ibang kapangyarihan ng isang bampira, unahin natin muna ang elements power at ito ay ang apoy, hangin, tubig at lupa, itong kapangyarihan na ito ay tinatawag din na special power dahil may ibang bampira ang hindi nabiyayaan ng powers na ito at sila ay nabibilang sa Lux City na ngayon ay wala ng nakatira dahil sa nawawala ang hari, reyna at ang kanilang anak, sila ay mayroon lamang abilidad, ang pagbasa at pagkontrol ng isipan ng ibang bampira o mindreading, may kakayahang manggamot o healing power, matalas ang pangrinig, matalas ang pakiramdam, matalas ang pang-amoy, mayroon din silang super speed, kaya din nilang maging hayop o shapeshifting at mag teleport kung saan saan, ito palamang ang abilidad ng isang bampira ang na discover namin at hanggang ngayon ay wala pang panibagong abilidad ang lumilitaw. Ang isang bampira ay biniyayaan lamang ng isang special power, at kung sakaling ikaw ay may special power ay mayroon ka ding abilidad na pwedeng isa lamang o kaya naman ay lahat ng abilidad ng isang bampira lalo pat kung ikaw ay prinsesa o prinsipe ng inyong lugar. Mayroon din tayong tinatawag na dark magic tulad ng illusion, poision at body switch. Ang dark magic ay ng galing sa itim na libro na kung saan ay hawak ito ng pinuno ng mga hades."
RINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
RINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
Tumunog na ang bell at nagpaalam na sa amin si madam Adam, habang ang aking mga kaklase ay unahan sa paglabas ng aming classroom at pati si Lilith ay nauna narin sa paglabas. Paglabas nilang lahat ay umalis nadin ako at pumunta na sa aking dorm para magpahinga. Pagpasok ko sa aking dorm ay nakita ko si Fiona na nag-aayos ng aking dorm at binati ko naman ito at binati niya din ako, pagkatapos niyon ay nagpaalam nako dito na magpapahinga na ako sa aking kwarto, at bago ako natulog ay naligo muna ako at kumain.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...