CHAPTER 7 (King, Queen and Legendary Dragon)

1.1K 74 2
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Andito na ako ngayon sa aking dorm kakauwi ko palamang galing Lux City.

"Saan ka galing mahal na prinsesa? Ang aking pagkaka-alam ay wala kayong pasok kanina?" Tanong sa akin ni Fiona.

"Galing ako sa Lux City Fiona, at sobrang ganda pala doon" Nakangiting sagot ko dito.

"Paano mo naman nasabi mahal na prinsesa? Ang iyong lugar ay mayroong pananggalang at may makapal na hamog kaya hindi ito makikita" Naguguluhang tanong sa akin ni Fiona.

"Hindi ko din alam Fiona pero ng aking hawakan ang harang dito ay tumagos ang aking kamay at nawala ang makapal na hamog, at ng ako ay umalis na ay bumalik ulit ang harang at ang makapal na hamog" sagot ko dito

"Baka nasa malapit lamang ang iyong mga magulang kaya nawala ang harang, pero sana hindi" Sabi nito na nagpalito sa akin.

"Bakit naman Fiona?, ayaw mo yun babalik na ang aking ina at ama" naluluhang sabi ko dito.

"Mahal na prinsesa, ayaw ko man sabihin sa iyo pero once na malapit sa iyo ang mahal mo sa buhay ngunit hindi sila nagpakita sa iyo ay pwedeng kaluluwa na lamang iyon lalo pa't hindi namin maramdaman ang presensiya ng iyong ina at ama" malungkot na sabi nito sa akin.

"Anong ibig mong sabihin? Patay na ang aking mga magulang?" Naluluhang tanong ko dito.

"Huwag kang umiyak prinsesa yun ay konklusyon ko lamang baka itinatago lamang nila ang kanilang presensiya para hindi sila mahanap ni Vladamir, atsyaka magpaparamdam naman ang iyong ina at ama sa akin pati narin kay ginoong Valmer kung sakaling wala na sila" pagpapatahan sa akin ni Fiona at dahil sa kaniyang sinabi ay nabuhayan ulit ako ng loob.

"Maraming salamat Fiona, sana buhay pa sila" sabi ko dito

"Mahal na prinsesa ako ay may katanungan lamang" magalang na sabi sa akin ni Fiona.

"Ano iyon Fiona?" Tanong ko dito.

"Sino ang iyong kasama papunta doon?" Naguguluhang tanong sa akin ni Fiona.

"Si Percy Olivarius Fiona, sumakay kami sa kanyang dragon kaya kami naka tunton sa Lux City" sagot ko dito.

"Percy???, parang familiar sa akin ang pangalan na Percy pero hindi ko

matandaan, nakita niya ba ang lahat prinsesa?" tanong ulit sa akin ni Fiona.

"Oo Fiona, bakit may problema ba?" Tanong ko dito

"Wala naman prinsesa baka kasi ipagsabi niya sa iba ang kanyang nakita o baka siya ay isang hades at sinabi niya ang nangyari kanina kay Vladamir at baka malaman niyang ikaw ang sinasabi sa propesiya" sabi ni Fiona sa akin at makikita ang pangamba sa kanyang mukha.

"Huwag kang mag aalala Fiona mabait si Percy at sinabihan ko na siyang huwag muna ipagsasabi sa iba ang kanyang nakita" naka ngiting sabi ko dito.

"Sige na po prinsesa kumain nap o ikaw at magpahinga na alam kong pagod ka" malumanay na sabi sa akin ni Fiona at nginitian ko naman ito.

Makalipas ang dalawang araw...

*Crescenta Bloody Moon POV*

Ngayong araw na ito ay sabado, at ngayon ay magaganap ang pagpapalabas namin ng aming mga dragon. Sa nakalipas na dalawang araw ay wala pa akong naiisip na pangalan ng hari at reyna ng mga dragon, lahat ng aking napiling pangalan ay lahat rejected hindi nagustuhan ng dalawang dragon pati yung Luna at Ladon na pinangalan sa kanila ng aking ina at ama ay hindi din nila gusto pabuti pa ang legendary dragon hindi choosy, tinanggap agad nito ang pangalan na aking naisip.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon