CHAPTER 31 (Tenebris City)

616 42 0
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Ngayon na ang araw na pagpunta ko sa Tenebris City para imbestigahan ang nangyayari sa Vampire Academy, sa nakalipas na tatlong araw na pagkakagising ko dito sa lugar ng mga Mantiner ay ngayon lamang ako pinayagan ni pinunong Dwart na umalis at magtungo sa kuta ng mga hades vampires.

"Ayaw mo ba talagang samahan kita?" nag-aalalang sambit ni Valmon sa akin.

"Kaya kuna ito Valmon, ayaw kong madamay ka pa kung sakaling magkagulo doon" nakangiting sambit ko dito.

"Basta mag-iingat ka doon, mahal na prinsesa" sambit nito sa akin.

"Oo Valmon, mag-iingat ako babalik ako dito na walang sugat, salamat sa pag-aalala" nakangiting sambit ko dito at ngumiti naman ito sa akin.

"Mahal na prinsesa, inumin niyo po ito para hindi kayo maramdaman ng mga bampira na nasa labas ng aming lugar" sambit sa akin ni pinunong Dwart at binigay sa akin ang isang sisidlan na may lamang dilaw na likido.

Pagkainom ko ng dilaw na likido ay nagtungo na kami nila Valmon at pinunong Dwart sa lagusan para makalabas ako dito sa lugar ng mga Mantiner. Pagkadating namin ay may inihagis si pinunong Dwart na isang pulbos na kulay ube sa isang malaking puno na nasa aming harapan at may lumabas na portal dito.

"Mahal na prinsesa, katukin niyo lang po at tawagin ang aking pangalan para mapahintulutan kitang makapasok muli sa aming lugar" nakangiting sambit sa akin ni pinunong Dwart at tumango naman ako dito bago pumasok nasa lagusan.

___________________________________________

Narito na ako ngayon sa harap ng kaharian ng Tenebris City, tumago ako sa isang malaking bato ng mapansin kong may isang hades vampire ang papalabas. Inilabas ko naman ang aking sandatang pana at pinatamaan ang likod ng bampira na siyang ikinatumba nito at ikinamatay.

Lumapit ako dito at hinubad ang kapang may sombrerong suot nito at aking sinuot para makapasok ako sa loob na hindi nila napapansin samantala ang bangkay naman nito ay inilagay ko sa likod ng malaking bato para hindi makita ng ibang pang hades.

Naglakad lakad ako at hinanap ang trono ni haring Vladamir at ng matagpuan ko ito nakita ko si haring Vladamir na nakatayo sa harapan ng kaniyang trono na nakasuot ng kapa at natatakpan ang mukha nito at sa kanyang harapan naman ay ang lahat na hades vampire na nakaluhod sa kanilang hari. Nandito kasi ako sa gilid ng trono ng hari nakatago sa isang kurtina para hindi ako nito makita. Kitang kita ko dito ang lahat na bampira at ang crook vampires na nakatayo sa gilid ng hari. May dalawang bampira naman na may hawak na isa pang bampira at sa aking palagay ay isa itong haven, dinala nila ito sa harap ng kanilang hari, sinakal ni haring Vladamir ang bampira at may binigkas na salita na hindi ko maintindihan at ilang sandali lamang ay binitawan niya ang bampira at lumuhod naman ito sa kanyang harapan. Naisip ko na kaya pala nagkaroon ng hades vampires dahil sa spell at librong itim na hawak ni haring Vladamir.

"Katherine, Lazarus, Lucinda at Raul" sambit ni haring Vladamir at nagtungo naman ang apat sa harap ng kanilang hari at lumuhod ng sandali at tumayo ulit.

"Gusto kong bantayan ninyo ang ating lugar hanggat wala ako dito" sambit ni haring Vladamir.

"Masusunod po haring Vladamir, pero nais ko po sanang malaman kong saan kayo paparoon?" sambit ng taksil na si Katherine o mas kilala bilang Victoria sa Vampire Academy.

"Tutungo ako sa Vampire Academy at paparamihin ko ang ating lahi" sambit ng hari, alam kong nakangiti ito kahit na natatakpan ang mukha nito.

"Ang ibig mo bang sabihin, gagawin mong hades ang mga haven vampires sa Vampire Academy?" nagulat naman ako sa tanong ni Lazarus.

"Oo Lazarus at pagkatapos iyon ay aatake ulit tayo at pababagsakin na natin ang iba pang haven vampires lalong lalo na ang royal vampires at ang mga magulang nila wahahahahaha" natatawang sambit ni haring Vladamir at gumuwa ng isang portal pa puntang Vampire Academy. Bago ito pumasok sa portal may sinabi ito sa crook vampires na nagpagulat sa akin.

"Aalis na ako at siguraduhin ninyong mababantayan ninyo ang ating lugar at ang ating bihag na si Valmer" seryosong sambit nito na nagpagulat talaga sa akin. Tama talaga ang aking hinala na may kinalaman talaga ang hades vampires sa nangyayari kay ginoong Valmer, isang hades vampires talaga ang may gawa ng pagpaslang sa akin pero sorry na lang sila sapagkat hindi sila nagtagumpay sa kanilang plano. Ang iniisip ko na lamang ngayon ay kung sino ang may gawa sa akin iyon?, baka si haring Vladamir pero paano niya iyon gagawin?, baka naka diskubre na siya ng bagong abilidad at iyon ay ang panggagaya ng itsura ng isang bampira?.

"Crescenta, huwag mo munang isipan iyon, kailangan mo munang hanapin si ginoong Valmer bago dumating si haring Vladamir" sambit ko sa aking isipan. Aalis na sana ako sa aking pwesto para hanapin si ginoong Valmer ng tawagin ako ni Raul.

"Hoyyyyy bampira, tignan mo nga doon ang ating bihag, huwag mo iyon iiwan, bantayan mo ito ng mabuti at huwag hahayaang makatakas" sambit nito sa akin at tumango naman ako dito.

"Nasaan po ang kinalalagyan ng ating bihag?" tanong ko dito at iniba ang aking boses para hindi nila malaman na ako si Crescenta.

"Huwag ka ngang tatanga tanga, edi hanapin mo!!!" sigaw sa akin ni Raul.

"Sabihin niyo na lang po para mabilis ako maka punta doon" inis na sambit ko sa siraulong na nasa aking harapan.

"Aba, sumasagot ka pa hah!!!" galit na sambit ni Raul at susuntukin na sana ako nito ng pinigilan siya ni Lucinda.

"Tama na nga iyan Raul" inis na sambit ni Lucinda kay Raul.

"Hoyyy ikaw, naroon sa pinakahuling bahagi ng ating kaharian ang ating bihag" sambit sa akin ni Lucinda.

Pagka alis ko sa kanilang harapan ay napangiti ako sapagkat umaayon sa akin ang panahon. Mabilis naman akong nagtungo sa kinalalagyan ni ginoong Valmer at pagdating ko doon ay nadatnan ko si ginoong Valmer na nakatayo at may kadena ang kanyang dalawang paa at nakataas ang kanyang dalawang kamay na may kadena din. Nakita ko itong nahihirapan dahil na rin sa mga sugat sa kanyang katawan na sa aking palagay ay hinampas siya ng latigo.

"Ginoong Valmer, gising ako ito si Crescenta" sambit ko dito habang tinatapik-tapik ang kanyang pisngi para magising.

"M-mahal n-na p-prinsesa" nahihirapang sambit nito at iminuklat ang kaniyang mga mata.

Inilabas ko ang aking espada at sinira ang kadena na nasa kanyang mga paa at kamay, mabilis ko naman itong sinalo ng ito ay matutumba na. Inilabas ko din ang apat na Crescenta para protektahan kaming dalawa ni ginoong Valmer, silang apat ay naka kapa din na may sombrero na kulay gaya ng kanilang kulay ng kanilang buhok at mata para hindi nila malaman na buhay ako.

"Ginoong Valmer, kagatin niyo po ito para gumaling ang inyong sugat" sambit ko dito sabay tutok sa kaniyang labi ang aking kanang pulso. Kinagat niya naman ito at sinipsip ang aking dugo, ilang sandali lamang ay umilaw ang kaniyang katawan at nawala ang kaniyang sugat pero pagod na pagod parin ito at kailangan niyang magpahinga.

"Anong ginagawa mo sa ating bihag?" tanong sa akin ng isang bampira at may kasama pa itong sampung bampira.

"Sino kayo? Hindi kayo hades vampires" sambit ulit nito at lumusob sa amin. Inutusan ko naman ang apat na Crescenta na patayin ang aming kalaban at kami ni ginoong Valmer ay tumakas na gamit ang aking abilidad na naglaho.

Kumatok ako ng mabilis sa isang puno na malaki na kung saan doon ako kanina lumabas at sinambit ang pangalan ni pinunong Dwart. Ilang sandali lamang ay may lumitaw na portal dito, bago kami pumasok ni ginoong Valmer ay tinawag ko na ang apat na Crescenta at pumasok na sa loob ng portal.

"Sino siya mahal na prinsesa?" tanong sa akin ni pinunong Dwart.

"Siya po si ginoong Valmer, huwag po kayo mag-aalala ito po ang tunay na Valmer at ginawa po siyang bihag ng mga hades" sambit ko dito at tinulungan naman ako ni Valmon na buhatin ito at dinala sa tahanan ni pinunong Dwart.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon