*Crescenta Bloody Moon POV*
Andito kami ngayon sa labas ng Vampire Academy, kasama ko ang mga prinsesa at prinsipe at si madam Otelia, nagbilin mo na sa amin si madam Otelia bago kami umalis. nakasakay kami ngayon sa aming mga dragon kasi hindi daw namin kakayanin kung maglalakad lamang kami aabutin kami ng anim na buwan bago kami matapos sa aming misyon.
MAKALIPAS ANG LIMANG ORAS...
*Crescenta Bloody Moon POV*
Narito na kami ngayon sa kaharian ng Aqua City na kung saan dito naninirahan si Jezebel at balang araw ay pamumunuan niya ito, napakalayo pala nito sa Vampire Academy pero sabi ni madam Otelia ito daw ang pangalawang malapit sa Vampire Academy kaya dito muna namin isasagawa ang aming misyon, ang unang pinaka malapit sa Vampire Academy ay ang Lux City pero ayon kay madam Otelia ay hindi daw kami makakapasok doon kaya hindi nanamin kukunin ang coin doon.
Bumaba kami sa aming mga dragon at bumalik naman ito sa aming pulso, namangha naman ako sa lugar nila at sa kanilang kaharian. Pagkadating namin sa tarangkahan ng kanilang palasyo ay kumatok si Jezebel ng tatlong beses. Pagkabukas ng pintuan ay namangha ako sa ganda ng kanilang palasyo at mapapansin din ang isang family picture na nakadikit sa isang dingding at iyon ay ang mga magulang ni Jezebel at siya naman ay nasa gitna.
"Ina, Ama" sigaw ni Jezebel sabay takbo sa dalawang tao na may korona sa kanilang ulo na naka-upo sa isang trono at sa palagay ko ay magulang niya ito dahil nadin sa pagtawag niya dito, pagkadating niya doon ay nagyakapan sila at napansin ko na mayroong tumulo na luha sa aking mata na hindi ko napansin, pinunasan ko naman ito ng mabilis at baka mapansin nila, sana makita kona ang aking mga magulang.
"Ano ang ginagawa niyo dito anak?" Tanong ng kanyang ina.kay Jezebel.
"May misyon po kami dito sa ating lugar ina" magalang na sagot ni Jezebel.
"Ano naman iyon anak?" Tanong ng kaniyang ama
"Kailangan namin makuha ang coin ng Aqua City" sagot nito sa kanyang ama.
"At bakit naman? Ang coin na iyon ang nagpoprotekta sa ating lugar kaya dapat hindi iyon pwedeng galawin" saad ng kaniyang ama.
"Mahal na hari, napag alaman po namin na balak po ng mga hades na kunin ang mga coins para sakupin ang Vampire Academy, kaya dapat ay maunahan namin sila sa kanilang balak" Magalang na saad ni Alucard pero cold parin ang kaniyang pananalita.
"Ibabalik naman po namin ang mga coins kung okay na ang lahat,pero sa ngayon kailangan muna namin itong protektahan laban sa mga hades" paliwanag naman ni Amber
"Kung ganoon ang inyong intensyon sa mga coins ay papayagan ko kayo bukas na maglakbay papuntang Tenebris Mare para kunin ang coin ng ating lugar" nakangiting saad nito.
"Parang may bago kayong kasama?" Tanong ng mahal na reyna, habang nakatingin sa akin.
"Ina, Ama, siya po pala si Crescenta Wang pamangkin ni ginoong Valmer at pinasama siya sa amin ni madam Otelia" Pakilala sa akin ni Jezebel at ngumiti naman ako sa mga magulang niya.
"Crescenta, sila naman ang aking magulang, si haring Serafino Wegelius at reyna Thana Wegelius" pakilala ni Jezebel sa kaniyang magulang at ngumiti naman ito sa akin at si reyna Thana naman ay lumapit sa akin at yinakap ako.
"Paumanhin Crescenta kahawig mo kasi ang kaibigan namin noon na si Celeste" nakangiting sabi nito at nagpagulat naman sa akin sapagkat baka malaman niya na anak ako ni reyna Celeste.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
WampiryImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...