*Crescenta Bloody Moon POV*
"Crescenta" sambit ng isang tinig kaya iminuklat ko ang aking mga mata.
"Nasaan ako?" sambit ko sa aking sarili ng malaman kong wala ako sa aking kwarto sa bahay ni tita Lucia.
"Ang pagkaka-alam ko ay natutulog ako ngayon" sambit ko ulit sa aking sarili.
Hindi ko alam kong nasaan ako at wala din akong makita kundi madilim na paligid ngunit ang aking katawan ay lumiliwanag kaya nakikita ko parin ang aking sarili.
"Princess Crescenta" sambit ng isang tinig at iba ito sa nagsalita kanina.
"Sino kayo at nasaan ako?" tanong ko sa kanila.
"Ikaw ay nasa iyong panaginip ngunit hindi ito basta panaginip sapagkat totoong panaginip ito" sambit naman ng isa pang tinig.
"Hindi niyo pa sinasagot ang una kong tanong, sino kayo?" tanong ko ulit sa kanila.
"Kami ay isang bathala" sambit naman ng isa pang boses at mayroon naman akong nakitang apat na liwanag sa aking unahan, at habang palapit na palapit ito sa aking pwesto ay doon ko na nakita ang apat na lalaki na mayroong suot na korona at may hawak na tungkod.
"Ano ang kailangan niyo sa akin at bakit ako naririto?" tanong ko sa kanila.
"Narito ka sa aming harapan prinsesa Crescenta sapagkat mayroon kaming ibibigay sa iyong munting regalo" sambit ng lalaking kulay asul ang damit.
"Siya nga pala ako ang bathala ng hangin" sambit ulit nito.
"Anong klaseng regalo?" takang tanong ko dito.
"Alam naming ikaw ang magliligtas sa Immortal World kaya pagkakalooban ka naming special powers" sambit ng lalaking mayroong berdeng damit.
"Alam mo naman yata ang tinutukoy namin" tanong ulit nito at tumango naman ako sa kaniyang tanong.
"Siya nga pala ako ang bathala ng tubig" sambit ng lalaking may berdeng damit.
"Hindi lamang isang special powers ang ipagkakaloob namin sa iyo kundi lahat ng special powers" nakangiting sambit ng lalaking mayroong brown na kasuotan.
"Ako naman ang bathala ng lupa" sambit ulit nito. Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi sapagkat ang pagkaka-alam ko ay isang special powers lamang ang pwedeng ipagkaloob sa isang dugong bughaw.
"At ako naman ang bathala ng apoy, ang unang nagbigay sa iyo ng regalo noong kaarawan mo" sambit ng lalaking may pulang kasuotan.
"Maraming salamat sa ipagkakaloob niyo sa aking regalo malaking tulong ito para matalo ko ang hari ng mga hades" sambit ko sa kanila. Lumapit naman sa aking pwesto ang tatlong bathala samantala na iwan ang bathala ng apoy sa kaniyang pwesto.
Pinaikutan ako ng tatlong bathala, itinaas ang kanilang dalawang kamay at mayroong binigkas na salita na hindi ko maintindihan, ilang sandali lamang ay nagkaroon ng ilaw na pabilog ang kanilang kamay na may kulay na asul, berde at hazelnut pagkatapos ay naglakbay ito patungo sa aking pwesto at pumasok sa aking katawan.
"Prinsesa Crescenta, nasa iyo na ang kapangyarihan ng tubig, lupa at hangin" sambit ng bathala ng hangin.
"Maraming salamat sa inyo" nakangiting sambit ko dito at ngumiti naman sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
VampireImmortality World is the place that all things is impossible to do can be possible as long as you believe it will happen. Immortality World which has a school just for the vampire only and it is the... ...